Sabrina's POV
"Sabrina!! Wake up!!" dinig kong sabi ng katabi ko habang niyuyugyog pa ko.
"Hmm?" yan na lamang ung naging sagot ko sakanya.
"Ano ba Sab? Babangon ka ba diyan o papaalisin ko na ung sundo mo sa baba?" napadilat naman ako bigla.
Nakita ko si Cassandra sa tabi ko. So siya pala ung gumigising sakin.
"Ano?" tanong ko na naka-kunot ang noo.
"Try mo kayang bumaba." sagot niya sabay irap. Problema netong babaeng to?
"Sandali nga. Hintayin mo ko diyan Cass. Mag-aayos lang ako. At kung sino man ung nasa baba pasabi sandali lang."
Tumayo na ko sa kama at kumuha ng towel.
"Okay." sabi ni Cassandra sabay bukas ng TV.
Ang sungit yata ng babaeng yun ngayon. Pumasok na ko sa banyo at iniwan na si Cassandra.
Sino naman kaya ang susundo sakin? Imposible namang si Jake. Kase sabi ko sakanya kagabi na ayaw ko muna magpasundo ngayon kase baka malate ako ng gising kaya kahit gusto niya kong sunduin napa-okay na lang siya sakin. So malamang hindi siya yun.
Anyways kagabi magdamag kaming magkausap ni Jake. Sinabi ko rin ung dahilan ng pag-iwas ko at ung narinig ko. Pisti! Pahiya ako dun eh. Di naman pala ako ung tinutukoy niya dun. Assumera ko tuloy. Sorry naman! At pinayagan ko narin siya manligaw. Syempre kahit gusto ko siya kailangan niya parin manligaw di ako ganun ka east to get noh! HAHAHA! Tsaka yun din naman talaga ung gusto niya ang ligawan muna ako.
Lumabas na ako ng banyo at nag-ayos na. Everytime na naaalala ko ung conversation namin kagabi bigla na lang ako napapangiti ewan ko ba.
"What's with that smile?" tanong sakin ni Cassandra. Panira to ng moment eh. Oo nga pala hindi ko pa nake-kwento sakanya.
"Mamaya ko na ie-explain." sabi ko habang nagsusuklay.
"Yeah, mamaya mo na ikwento dahil hanggang ngayon may naghihintay parin sayo sa baba kaya bilisan mo na diyan." tumayo na siya at pinatay ung TV. Habang ako kinuha ko na ung bag ko at inayos ung gamit ko.
"Oo eto na," pinatay ko na ung ilaw at binuksan ung pinto. Lumabas na ako ng kwarto at sumunod naman si Cassandra. Pagbaba ko di ko ineexpect ung sinasabi ni Cassandra na sundo ko daw...
"Good morning." bati niya sabay tayo sa pagkaka-upo.
"Oh hey! Anong ginagawa mo dito Dylan?" tanong ko sakanya.
"Picking you up?" sagot niya. Napakunot ung noo ko. Tumingin ako kay Cassandra pero nagkibit-balikat lang siya sakin. "Kung okay lang naman." sabi ulit ni Dylan siguro naramdaman nya na medyo nagulahan ako.
"Hmm. Dylan wait, excuse lang ha? May kukunin lang kame. Be right back." tumango lang si Dylan kaya hinila ko na si Cassandra sa kitchen.
Tinignan ko ung wrist watch ko 7:45 pa lang, 8:30 pa naman ung klase namin. It's better na tanungin ko tong si Cassandra.
"Cassandra? Bat nandito si Dylan?" tanong ko kay Cassandra sabay kuha ng tinapay. Makagawa nga muna ng sandwich.
"Ewan ko. Bahay ko ba to?" sarkastikong sagot niya. May mali talaga sa babaeng to ngayon eh.
"Sungit mo ata? Seryoso, ikaw nagsabi sakin na may sundo ako eh. so malamang alam mo bat andito siya. Dalian mo na may naghihintay eh."
"Ikaw lang ba pwedeng magsungit? Hmp. Malay ko, saktong pagpunta ko kase dito bumaba naman siya ng kotse niya. I don't bother asking kase hindi naman kami close at hindi naman ako ung sinusundo. Kaya sabi ko gigisingin nalang kita." pagpapaliwanag niya sabay kain ng tinapay.

BINABASA MO ANG
Find A Way
Teen FictionSiya si Sabrina, ang babaeng nagmamahal lang ng lalakeng mahal na mahal din siya. Pero sa kabila ng mga - Trials, Problems, Consequences, Misunderstandings, Jealousy, Circumstances, Ups and Downs, and Pain. Will they find a way for their Love? Or j...