Sabrina's POV
Pababa na ko sa sala namin and ready na pumasok. Dapat sabay kami ni Cassandra pumasok ngayon kaso kinailangan na maaga akong pumasok dahil mag aayos pa kami para sa conference mamaya.
Member kase ako ng student council so kami ang inatasan na mag assist at magayos sa conference mamaya.
Pagkababa ko sa sala may nakahain na breakfast. Pero nagtaka ako kung bakit isang plate lang ung andun. Maaga pa naman ah so imposibleng pumasok na sila Mom and Dad.
"Manang? Bakit isa lang to? Asan sila Mommy and Daddy?" tanong ko kay Manang Liza sabay umupo ako sa dining area.
"Ah. Kanina pa sila umalis. Hinatid ng mommy mo ang daddy mo sa airport. Maaga daw kase ung flight nya." sagot naman ni Manang.
"Eh bakit di nila ako ginising?"
"Hindi ka na pinagising ng daddy mo. Mukha daw kaseng napuyat ka. Tatawagan ka na lang ata nya."
"Ah. Okay po." then I smiled kay Manang.
May point si Daddy. Oo napuyat nga ako kagabi :3 naabutan nya kase ako sa sala kagabi habang nainom ng hot chocolate. Di din kase ako makatulog eh. After what happened haysss. Wag sanang umiwas si Jake. Ang tanga naman kase Sabrina ee :3
Inubos ko na ung breakfast ko at umalis na din ako sa bahay.
Pupunta sana ako sa quadrangle kung san gaganapin ung conference pero nakita kong wala pang tao dun and wala paring naka set up. So pumunta nalang muna ako sa classroom.
Nakasalubong ko si Ate Lyne. Member din ng student council.
"Oh Sab andito ka na pala. Punta ka nalang sa Student Council room. Andun na sila tsaka may meeting daw sabi ni Perez." sabi nya sakin and then she smiled.
Dumiretso na ko sa student council room. Habang papunta ako nakasalubong ko ung mga basketball varsity players ng school.
Bakit andito sila? Ang alam ko mamaya pa pasok ng mga students kase nga may conference.
"Hi Sab." bati ni Shawn isa sa mga varsity and classmate ko din.
"Hello." sagot ko then umalis na ko at pumunta na sa Student Council room.
Bakit kaya wala si Jake dun? Ang alam ko varsity din siya eh. Tsaka pag ganun sila Shawn din madalas kasama nun. Papasok kaya siya? Ah bahala na.
"Goodmorning Sab." bati sakin ni Ate Kate pagpasok ko sa room. Siya ung Student Council President. Grade 11 na sya. Or senior high kaya ate tawag ko sakanya. Classmate nya si Ate Lyne.
Nakaupo na sila sa mga upuan na parang nagmemeeting na. Shocks late na ba ko? ?___?"Goodmorning Ate Kate. Ayy late na ba ko? Hehe." bati ko din kay Ate Kate sabay tanong nadin. Sana hindi. Shet. >___<
"Haha. Nope you're just in time. Go have a sit. Para makapagstart na tayo."
Tumango na lang ako then I pulled a chair sabay umupo.
Pinagmeetingan lang namin kung pano ang magiging flow mamaya. And kung san kami mag aassist. Kasama ko si Karl sa may front gate so kami ung mag wewelcome sa mga guests at mag aassist sakanila papasok.
"So okay na. Kumain muna kayo kase baka mamaya maging sobrang busy na tayo. 30 minutes break then dumiretso na kayo sa quadrangle." sabi ni Ate Kate.
Tumango nalang kami then nagsimula na silang magsitayo.
Ay oo nga pala. Varsity player din to si Karl and sya ung captain ball so malamang alam nya bat andito ung team nya. Matanong nga. Hahahaha.
"Hmm. Karl?" tawag ko sakanya.

BINABASA MO ANG
Find A Way
Ficțiune adolescențiSiya si Sabrina, ang babaeng nagmamahal lang ng lalakeng mahal na mahal din siya. Pero sa kabila ng mga - Trials, Problems, Consequences, Misunderstandings, Jealousy, Circumstances, Ups and Downs, and Pain. Will they find a way for their Love? Or j...