Chapter 7

50 1 0
                                    

Sabrina's POV

Buong klase akong lutang hindi ako masyadong makapag-concentrate. Good thing puro review lang ginawa namin. Malapit na daw kase prelims, exam nanaman. Kaya ko namang magreview tsaka mas maganda dun tahimik pa. Masyado kase akong pre-occupied ngayon, oh ayan inamin ko na ha. Kahit kanina pa ko kinakausap at kinukulit ni Cassandra puro tango lang ako sakanya kase kunware nagrereview ako kahit hindi naman. Kase ang totoo iniisip ko parin si Jake. Hindi ko na siya pinuntahan nung lunch kase ayoko namang habol ako ng habol sakanya, di ako ganun. Tsaka baka makulitan lang un. Gusto ko siya makita o makasama pero di ko alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ko nga alam kung anong problema niya eh. I gave a sigh. At tumingin na lang sa may bintana.

"Sabrina? Are you alright?" nagulat ako ng biglang magtanong si Cassandra. Kanina pa kase siya di nakibo simula nung sinabi kong medyo wala ako sa mood kase nagrereview ako kuno.

Tumango ako, "Oo naman Cass. I'm alright." sagot ko at nag fake smile nalang, sana hindi niya mahalata, umiwas agad ako ng tingin.

"No you're not," sabi nanaman niya. Tignan mo 'to magtatanong sabay hindi maniniwala. Pero tama nga siya I'm really not fine at all.

"Magtatanong ka sabay di ka maniniwala? Patawa ka. Haha." I faked a laugh. Nagsasalita ako pero hindi parin ako tumitingin sakanya. "Okay lang talaga ako." pagpipilit ko naman.

"Stop faking Sabrina. You're really not good at lying. Ni hindi ka nga makatingin ng diretso sakin eh. Kung hindi kita kilala malamang kanina pa ko naniwala sayo, but sorry ka I reall know you too well. So come on, spill it."

Tumingin na ko kay Cassandra. Sobrang kilala na niya talaga ako. I can't hide anything from her. Minsan nga mas kilala niya pa ko kesa sa sarili ko eh. Nakatingin lang din siya sakin na para bang naghihintay sa sasabihin ko. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"You really know me Cass. Hindi naman sa hindi talaga ako okay. Pero kase may iniisip lang ako," I paused for a while, tumango naman si Cassandra ibig sabihin ituloy ko lang ung pagkekwento. Ganyan si Cass kapag nagsasalita ako o nagkekwento tahimik lang siyang nakikinig at pinapatapos ako. "Hmm kase si Jake iniwasan niya ko hindi siya nagpakita nung lunch, nag stay lang siya sa classroom nila. Hindi rin niya ko kinakausap."

"Kaya ba napanis na yang sandwich sa bag mo?" sabi niya sabay turo sa bag ko.

I nodded dapat kase sakanga 'to pero hindi ko naman nabigay kase bigla siyang nawala .

"Tinry mo bang itext o tawagan siya?"

Umiling ako, "Nope. Ayoko kasing ako ung mukhang naghahabol sakanya. At first siiya naman ung umiwas."

"So ngayon hahayaan mo na lutang ka lang diyan kakaisip sakanya? Eh after all pwedeng pwede mo naman siya kausapin. Pride Sabrina."

So ngayon ako pa ung ma pride? May point naman ako ah. :3

"I'm not his girlfriend para kulitin siyang kausapin ako. Kung ayaw niya edi okay." Pero hindi talaga okay yun para sakin. Ano ba Sabrina? Gulo mo ah!

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ka nanaman Sabrina jusko! Tsaka sabi ko kausapin mo kahit sa text lang di ko sinabing kulitin mo. And oo di ka PA niya girlfriend kase nagliligawan palang kayo pero don't act na parang wala lang sayo 'tong nangyayari wel obviously ang lakas ng impact sayo." sabi niya sabay hilot sa ulo niya. Inemphasize niya pa talaga ung PA diyan. Wushu.

At some point tama si Cassandra. Wala namang masama kung itext ko man siya manganga-musta lang naman ako eh. Pero teka? Saan kumuha ng ipapayo 'tong si Cassandra? Eh wala pa namang experience 'to sa ganto. NBSB yan eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon