Chapter 4

40 3 0
                                    

Sabrina's POV

Andito kami ngayon ni Cassandra sa canteen. Recess na kase namin. Pero ako imbes na kumain eto nakangudngod lang sa table at antok na antok. Ewan ko ba pero akala ko kahapon makakatulog ako pero hindi eh. Kahit anong pikit gawin ko ayaw pa din. Iniiwasan kong isipin si Jake kase naiinis parin ako sakanya.

Pero swear kapag nalaman ko lang talaga kung sino nagiisip sakin kagabi sasabunutan ko yun. -_-

Umayos ako ng upo dahil mukhang kailangan ko ng kumain kase nagwawala na ang tyan ko. Kaso nung pagkatingala ko nakita ko si Jake na papalapit sakin.

Ayy nako naman! Tsk. >_< Sabi niya ayaw niya sakin pipilitin ko din na di na siya maging gusto. Pero alam niyo naman di ko magagawa yan.

Kase ung totoo gusto ko talaga siya.

Tumayo na ako at tumingin si Cassandra sakin.

"Cass una na ko kita nalang tayo sa classroom. May nakalimutan akong gawin. " Di ko hinintay ung sagot niya kase ayoko talagang kaabutan ako ni Jake. Ayoko kase siyang makausap.

Tinignan ko ung oras. 30 minutes pa ung recess namin. Ayoko namang bumalik sa classroom kase wala naman akong gagawin talaga dun. Tutal pwede namang lumabas tuwing break namin punta na lang ako sa malapit na coffee shop dito.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
[Sa Coffee Shop]

"Hmm. One Ice Mocha Grande." sabi ko sa counter.

"Okay Maam. Name na lang po?" tanong naman niya.

"Sabrina." matipid kong sagot.

Nung matapos na gawin ung kape ko. Umupo na ko sa table malapit sa bintana. Nilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang Twitter. Ayokong buksan FB ko pati messages dun kase wala sa mood. Unlike sa Twitter lahat ng gusto kong sabihin or kung anong nararamdaman ko tinetweet ko lang lahat.

Sabrina De Guzman @sabrinafateee

I don't want to see HIM.

Reply | Retweet | Favorite |

I sip my coffee tad tumingin ako sa labas. Marami pang students sa labas so malamang di pa bell. Tumingin ako sa poster na nakadisplay sa coffee shop.

"If it's meant to be. It will be."

Yea! Tama nga. Mangyayari ang mangyayari. *sigh*Ma tweet nga hehe.

Sabrina De Guzman @sabrinafateee

"If it's meant to be. It will be." :)

Reply | Retweet | Favorite |

"Ang lalim naman ng hinga na un." Sabi ng isang lalaki.

Nagulat ako nang may biglang may nagsalita sa likod ko. Familiar ung boses. Pero alam kong hindi to si Jake.

Tumingin ako sa likod ko and yea hindi nga si Jake. Akala ko pa naman siya na. Kala ko sinundan niya ko.

I shake my head para mabura ung thoughts ko.

Ayaw mo nga siya makita Sabrina diba? Taaka bakit ka naman niya susundan? Ayaw niya nga sayo eh.

Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon