Jake's POV
Umoorder na ako ng pizza. Nandito kase kami nila Sabrina at Cassandra. Treat ko. Nakapangako kase ako sakanila. Tsaka ayos lang un. Small thing. Masaya rin naman kase sila kasama eh. Kesa dun sa mga ka varsity ko puro yabangan lang. Kaya mas trip kong kasama sila Sab.
Oyy! Wag nga kayo. Di ako bakla ah! Sa gwapo kong to? Sayang lang. Hahaha.
Di ba pwedeng gusto ko lang makasama ung taong gusto ko?
"Goodmorning Sir. What's your order po?" sabi nung babaeng nasa counter. Tumingin naman ako dun sa may pagpipilian.
"Ah. One Hawaiian Pizza and Pepperoni. "Nag-isip ako. Ay shit! Oo nga pala ayaw nila Sab at Cass ang pepperoni pizza. So sure di sila kakain niyan. Ewan ko ba pero ang dami nilang similarities.
"Ay no. Make it two Hawaiian Pizza and 1.5 coke." pagbabago ko ng order.
"Yun lang po Sir?"
"Yes un lang." sabi ko at tumango lang.
"Okay Sir. Ise serve na lang po sa table niyo." sabi nung babae with matching ngiti pa.
Tumango na lang ako at umalis na. Di talaga ako nangiti sa ibang tao. Isang tao lang kase pinaglalaanan ko ng matamis kong ngiti. ;)
Malapit na ko sa table namin ng mapansin kong si Cassandra lang ang nakaupo dun.
"Cass? Asan si Sabrina?" tanong ko kau Cassandra habang nililibot ko ung paningin ko.
"Ah un ba? Ewan ko na dun bigla na nga lang umalis eh." sagot ni Cassandra. Umalis? Bat naman siya aalis?
"Bakit daw?" tanong ko ulit.
"Sabi lang niya may kailangan pa daw siyang tapusin para sa SC. Kaya ayun." sabi ni Cassandra at nag kibit balikat pa.
Tumango na lang ako. Ano bayan. Gusto ko pa naman siyang makasama ngayon tapos wala na pala siya. Bwiset kase si Kuya eh. Tumawag tawag pa. Itatanong lang naman ung sa lakad namin ni Mommy. Sabi ko nga ayaw ko sumama dun eh. Kase may iba pang kasama si Mommy. Mga amiga niya kuno. Tsk.
Ayan tuloy. Di man lang kami nagkasama ni Sabrina bago man lang siya umalis.
I know na naging cold ako kay Sabrina kanina. It's just that na kinakabahan ako. After what happened yesterday. Nagulat ako sa pagamin niya.
Hindi ko siya nireject. Hindi ko lang talaga alam kung anong isasagot ko sakanya. It's unusual na babae ang magsabi ng ganun. Lalo na sa kanya pa galing. Sa babaeng gusto ko pa galing.
Simula nung pumasok ako sa SCU or Saint Claire University na attract na agad ako sakanya. And good thing naging close na din kami. Pero never ko inamin na may gusto ako sakanya. Kase... Oo na torpe na ko. Natatakot lang ako mareject. Pero ung ginawa niya? Sobrang saya ko nun na alam kong may gusto na rin siya sakin.
Lahat ng inasta ko kanina hindi awkwardness o parang tinataboy ko siya. Kinakabahan lang ako kase nagsend ako ng message sakanya sa fb. At di ko alam kung nabasa na ba niya. Kase mukhang hindi pa ata.
Sayang lang talaga. Magkasama dapat kami ngayon. Bukas susubukan ko siyang kausapin.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Maaga akong pumasok para makita si Sabrina. 3rd year palang kase ako samantalang siya 4th year na. Nasa taas ng classroom namin ung classroom nila. Malapit naman kami sa hagdan kaya kahit dito lang ako sa pinto makikita ko kung aakyat na ba siya.
Pumunta kase ako kanina sa classroom nila pero wala pa siya. Si Cassandra lang ung nandun. Eh ang alam ko lagi naman sila sabay pumasok.
Tumingin ako sa wrist watch ko. 5 minutes na lang mag be bell na. Pero di parin siya napasok. Papasok kaya un?
*Kriiiiinggggg!*
Beng! Bell na kaya pumasok na ko sa classroom. Nakita ko naman na biglang dumaan si Sabrina. Oo nga pala dito locker niya. At mukhang nagmamadali. Ang cute nga niya eh. Haha.
Oh well mamaya ko na lang siya kakausapin sa Recess namin.
(After 1 ½ hour xD)
"Okay class. You may take your recess." sabi ni Ms.Reyes. Adviser namin.
Agad agad na kong pumunta sa canteen namin. For sure andito lang sila Sabrina at Cassandra. Lagi ngang magkasama ung dalawang un eh. Daig pa kambal magkamukha na nga sila eh. Haha.
Nilibot ko ung paningin ko at nakita ko naman sila agad.
Ayun kumakain. Lapitan ko nga. Haha. Namiss ko si Sabmyloves eh. Corny ba? Sorry na. HAHA.
Nakita kong tumingin si Sabrina sa direksyon ko. Ngumiti naman ako pero siya bigla na lang umiwas ng tingin.
Malapit na ko sa table nila ng bigla siyang umalis.
Iniiwasan niya ba ko? Ano bang ginawa ko? Hayys.
---------
A/N:
Sorry po sa short update. Oh ayan first POV ni Jake. Minsan lang yan hehe. Push natin toh! Salamat po. Saranghae <3
Vote/Comment! :*
BINABASA MO ANG
Find A Way
Fiksi RemajaSiya si Sabrina, ang babaeng nagmamahal lang ng lalakeng mahal na mahal din siya. Pero sa kabila ng mga - Trials, Problems, Consequences, Misunderstandings, Jealousy, Circumstances, Ups and Downs, and Pain. Will they find a way for their Love? Or j...