Chapter Three - Sino ang Magsasampa ng Kaso?

177 3 0
                                    

Maui’s POV

“Asan na si Raine?!” halata ang pagka-bagot sa mukha ni Autumn. Takte! Asan na nga ba si Raine?

Ano ba ito? Magkaka-POV na nga lang sa story ng bruha, siya parin topic -_____-

Oh well! Andito kami ngayon sa bahay nila, inaantay kasi namin siya. Sabi niya ngayong araw uwi niya. Ang loka kasi, habang naghahasik ng lagim sa Palawan. Ito oh, may nagsasampa na ng kaso sa kanya. Buti wala si Titp n’ Tita(Raine’s parents) also her sister kundi, naku po! Nalagutan na naman ng hininga yung baliw na yun.

Ang hindi ko maintindihan kung bakit nagsasampa ng kaso yung lalaking yun, e sa pagkakaalam ko siya pa may kasalanan kay Raine e!!!

Asan na nga ba kasi si Raine?! Bakit di nagrereply yun? Di pa matawagan!!! Ugh.

“E si Lucy ba at Sue, asan na?!” ang ingay talaga nitong si Autumn, sarap tapalan ng bungaga.

“Hindi nga makakapunta! Pareho busy sa trabaho” sagot ko

Tapos tinignan niya ko ng masama, problema nito? “Eh bakit ako, nung sinabi kong busy ako hindi ka pumayag?”

Habalusin ko tong si Autumn e! “Sila sa trabaho, ikaw sa kalandian! Kaya tigilan mo ko Autumn!” Inirapan lang niya ko tas back to cellphone ang business niya.

If I know, may ginugulo na namang relasyon yang si Autumn. Tsk. Di na natuto, lagi na lang napapaaway dahil sa kalokohan niya. E ako, sympre to the rescue lagi sa mga to! Tss.

Curious ba kayo kung bt Autumn name niya? HAHAHA. Wag na may sarili naman siyang kwento e.

“Welcome back, Ma’am Raine” napatayo ako bigla nang marinig ko si Manang Nancy

“Na-miss kita Nana” sabay halik ni Raine kay Manang Nancy, at ang loka mukang walang problema at si Autumn na kanina pang inip, mukang masaya na. Ugh! Bakit ako lang ba namomoblema rito?!

“LORRAINE ANNE OWES!” sigaw ko, napatingin tuloy sa akin bigla si Raine

“Ay Maui andyan ka pala, Hi Autumn” bati niya paglapit sa amin, si Autumn tumango lang at busy sa phone. Nag-reply na siguro ang next target niya. Poor boy and his girlfriend -____- Sa sariling kwento na nga ni Autumn natin siya problemahin, sa ngayon si Raine muna!

“Bakit antagal mo?! Bakit hindi ka nagrereply huh?!”

Bigla siyang kumamot sa batok niya, ano naman to?! Ano namang kalokohan ginawa ng babaeng ito. Tinignan ko siya ng masama pero ibig sabihin na rin nun ‘sige sabihin mo na’,

“Nung tumawag ka kasi may ginagawa ako nun… kaw kasi tumawag ka! Nahuli tuloy ako, kaya pinakausap pa ko sa office ^^” Raine will always be Raine. Puro pranks.

“And why you’re not answering my calls?”

“Naawa kasi ako sa bata dun sa daan, kaya binigay ko na yung phone ko” WTF! O.O

Pareho kaming nagkatinginan bigla ni Autumn pero mukang sanay na ang loka, nag-shrug na lang siya. Back to cellphone ang business.

Napa-sapo na lang ako sa noo ko. Well, this is not the first time na mamigay siya ng phone. Meron daw kasi naki-text sa kanya, e wala daw siyang load. Pinagtripan daw niya, binigay niya kahit walang load. At tuwang tuwa ang bruha mula sa malayo tinititigan yung naki-text na hirap na hirap gamitin yung iphone na pinamigay niya -____________- Yun yung time na bagong labas lang ang iphone-slash-touchscreen phones.

Raine’s POV

“Ah Autumn, pa-order na lang kay Kuya Storm ng cellphone ah” tumango lang si Autumn, may nilalandi na naman sigurong lalaki yan. Andito na kami ngayon sa car ni Maui.

Don't you DARE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon