Chapter Eleven - Ang Entrada ni Sue

130 7 3
                                    

Pinaglalaruan ko yung cord ng telephone, kasi ang boring naman. Iniwan lang ako ni Sungit sa isang desk. Bilang PA daw, dun ako. Pero para akong secretary, taga sagot ng tawag, taga arrange ng meeting at kung anu-ano pa. Buti na lang di ako taga timpla ng kape dahil baka itapon ko sa kanya yun. Hahaha joke.

Nag-ring yung phone sinagot ko naman, alangang titigan ko lang diba?

“Good Afternoon. Bachelor Publication. How may I help you?” magalang kong sagot sa phone call.

“This is Marie Agnes Gonzales, I wan to arrange a dinner date with Sky---“ Di ko na narinig yung sinabi niya kasi napataas ang kilay ko, nilayo ko sa tenga ko at tinitigan ang phone. Dinner date daw? Ano akala sa akin nito receptionist sa restaurant.

“Muka mo Agnas na! Wrong number!” sabay balibag nung phone. Dinner date niya muka niya! Hindi ko tinaggal ang masamang tingin ko sa phone hanggang may maramdaman akong nagmamadaling pumasok sa office ni Sungit. Hala! Sino yun? Sabi ni Sungit wag daw ako basta-basta magpapasok sa office niya. Ginawa akong security guard nuh? Ang galing!

Kaya dali-dali akong tumayo at sinundan yung pumasok sa office ni Sungit pero di pa man din ako tuluyang nakakapasok narinig ko na ang malakas na boses nung babae.

“SKYLER WILLIAMS. WHAT THE EFF IS WRONG WITH YOU?! ANONG IREREVISE ANG BUONG JUNE ISSUE NG BACHELOR?” and that sounds familiar. Sumilip ako. And I’m right. Likod palang, Sue Lin HInata na. Hindi ko napigilan yung sarili ko, sabi na nga ba dito siya nagtatrabaho e.

“SUEEEE” sabay takbo ko at yakap sa likod niya, bahagya pang nagulat si Sue pero mukang nakilala na din niya ko.

“What the hell, Raine?” gulat na gulat na tanong niya ng binitawan ko siya at makaharap sa akin “What happened to your hair? It’s ….errr… purple” Isa pa to! -_____-

“Lilac to, Sue!” sabay pout ko “Pero ang cute ko diba?” Sue just rolls her eyes. As usual.

“You know each other?” saka ko napansin, nanunuod pala sa amin si Sungit. Yung muka niya parang gulong gulo at nagtatanong kay Sue. Ehhh?

Sue just shrugs her shoulder. Chee! Dinedeny ako. “High school friend kami Sir…. Bestfriend pa nga e.” Pagyayabang ko.

Lalong kumunot noo ni Sungit at tumingin kay Sue ulit, again Sue just shrugs her shoulder. “Sue naman! Wag mo ko ikahiya” pagtatampo ko kunwari.

Sue just rolls her eyes again. “I’m not here for that, ano ba tong irerevise ang issue ng June? We have deadlines to meet, Williams.” May pagbabanta sa boses ni Sue, pero Sungit shrugs his shoulder too. Uso ba yun? Tsaka bt naman matatakot si Sungit, he own this company diba?

“Ask your dear friend” and Sungit pointed me. Me? Sue eyed me.

“Why you?” asking me. I also shrug my shoulder. Uso nga.

“Why me?” tanong ko rin, nakatingin kay Sungit.

“Di ba sabi mo pangit ang concept namin?” Huh? May sinabi ba kong ganun?

“Hoy ka Sir! Wala akong sinabing pangit, ang sabi ko lang ang common na nung naka-bikini flaunting bodies pero wala akong sinabing pangit. Since June Issue naman yan, why not try wedding gowns diba?” Pag-tatanggol ko sa sarili ko, at unting feedback na din “Tsaka ikaw nagpatigil nung photoshoot e!”

“Babe! Bachelor Magazine is not a fashion magazine” komento ni Sue. Babe is our so-called friendly endearments. Sky nods. Aba! Parang sinasabi nilang ang bobo ko, it hurts my ego!

“Babe! Hindi porke sinabi kong wedding gowns ay fashion magazine na. Try mo din icheck ang fashion mag. Maraming nang flitty and sexy wedding gowns ang uso. Oh! Nasa season pa kayo. Kaysa bikini! Tapos na summer!” Sympre kailangan ko ipagtanggol ang sarili ko.

Nagkatinginan yung dalawa, “Haa! You and your smart mouth Babe!”

“Alam ko! Pero ang utak ko ang matalino hindi bibig ko, Sue!” Ano raw? Basta smart ako!

“Whatever. Di talaga ko nagkamaling dalhin ka dito” Haa? Ano daw? Dalhin?

“Dalhin saan?” mabilis naman siya umiling

“Wala! Halika kana!” sabay hila niya sa akin, hala! Saan kami pupunta?

“Libre mo ko trip to Europe?” Bigla naman napakunot ang noo niya habang tinitigan ako “Joke lang” sabay tawa ako, ang corny ko. Bakit pa!

“Sige, libre kita pag naging success ang idea mo, di ka pa ba sawa si Europe? Gusto mo sa Antartica pa kita ipadala e” pang gagaso nito. Pasimpleng hirit talaga ang isang to.

“Ansama mo sa akin” sabay pout

“Wag ka pa-cute, di ka cute” Awww! Ang hard nito! Kundi ko to kaibigan, sinabunutan ko na ito. Sasagot pa sana ko nang maka-rinig ako ng malakas na pagtikhim. Ay andito pa pala kami sa office ni Sungit.

“Mind to be disturb, ladies?”

“No!” Si Sue na mismo sumagot “I need her, we will talk about our next project. Gipit na tayo sa time, Skyler”

“Fine! I’ll come with you” sinisimulan nang ayusin ni Sungit yung mga gamit niya ng pigilan ito ni Sue “What?”

“You stay here, si Raine lang kailangan ko. Do the paper works, boss. Chao!” sabay hila na sa akin palabas ni Sue, madapa-dapa ako ang bilis niya maglakad.

“Hala Sue! Wait—“

“SUE LIN HINATA” narinig ko nalang ang malakas na tawa ni Sue pagtapos isigaw ni Sungit ang buong pangalan niya. Hala, galit si Sungit! Baka maging monster na yun.

“Hala ka Sue, nagalit ata si Sungit”

“Hayaan mo siya, minsan ka lang naman mawala sa paningin niya para mamiss ka naman niya”

Mamiss? Eh ako? Impossible! Tsk.

---

A/N: Sabaw! HAHAHA Sorry na. Happy 1k to myself. Charoooot. Ang daming reads puro naman sa Prologue, ganda kasi ng banat ko sa prologue sabaw nman yung content. XD Pero natutuwa ako, may nakakaintindi pala ng kababawan ko minsan. HAHAHHA May nagcocomment kasi e. Oh well, basahin niyo yung isang story ko, feeling ako dun sa story na yun e 'When a Hopeless Romantic Fall in Love' Hehe :3 Labyou :* Happy Vacation Everyone :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't you DARE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon