Raine’s POV
“What are you doing?” naalimpungatan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni sungit. Omoa! Napatayo tuloy ako bigla.
“Nothing” wala sa sariling sagot ko, kinukusot kusot ko pa yung mata ko. Nakanaman! Wala pa nga ko sa kasukdulan ng panaginip ko may istorbo na.
Tinignan niya ko ng masama. “Yes, you’re doing nothing. And what happened to your uniform?” nakataas kilay na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Kundi lang ito nagsusungit, iisipin ko pinagnanasaan na niya ko. Hehe ^^ Chos! Ang ganda kaya ng gawa ko dito, di katulad ng iba niyang maid. Old school. Inggit nga sila sa akin, gusto din nila ipaganto yung maid’s uniform nila e.
“I designed it. Ganda nuh?” pagmamalaki ko, yung blouse ginawa kong off shoulder. Ah basta! Tignan niyo na lang sa picture. Hihi
“Katulong ka rito, hindi prostitute” nakakunot noong sabi niya. Prostitute? Eh! Ang conservative pa nga ng gawa ko dito. May ginawa nga kong halos two piece na maid’s uniform e.
Sinamangutan ko siya. Hindi man lang maka-appreciate ng fashion! “Prostitute agad? Hindi ba pwedeng cosplay muna!” naiinis kong sabi. Idol ko si Vice Ganda e, bt ba?! Lalo naman kumunot noo niya.
“You’re really weird!” iiling na sabi niya. Weird daw? Siya kamo! “And why you’re here sleeping? Dapat nagtatrabaho ka ah!”
Napayuko naman ako bigla, “Kasi—“ sasagot sana ko ng biglang dumating yung bago kong friend, maid ni Sungit. Si Mirah, mabait kasi di katulad ng amo.
“Sir Skyler, andito na po pala kayo” yumuko pa ito bilang pag galang.
“Bakit natutulog lang ito?” sabay duro sa akin, tss! Di ba niya alam masama mag-turo. Tsk. Napakamot naman sa ulo yung katulong niya.
“Eh sir, dalawa na pong vase nabasag ni Ma’am Raine kanina e, kaya mas minabuti na lang naming na wag siya gumawa ng gawaing bahay” paliwanag nung maid. Grabeh! Hindi ko naman sinasadya, pinupunasan ko yug vase kusang dumudulas sa kamay ko. Napapatitig kasi ako dun sa palabas. Nagpeperform yung favorite kong singer na si Seven. Kakakilegs!!! *u*
“Grabeh ka naman Mirah! Di ko naman sadya, ang dulas kasi nung vase. Nasobrahan sa polishing” paliwanag ko. Sinamaan tuloy ako ng tingin ni Sungit.
“Wala ka talagang magawang tama, Raine. Ano lang ba alam mo magpa-cute?” Kaysa mainsulto ako sa sinabi niya, parang natuwa ako. Cute daw ako? Abot tenga ang ngiti ko at sana sasagot ako kaya lang nagsalita ulit siya.
“Hindi ka naman cute!” eksaherada tuloy akong napasimangot “Umuwi kana nga, at pumasok ka na lang nga maaga bukas. Nakakainit ka ng ulo”
Padabog akong lumabas ng bahay ni Sungit. Ang yabang! Andami kayang nagsabing cute ako, kapal ng muka niya. Huminto ako at tinitigan mula sa baba ang kwarto ni Sungit, bumukas na yung ilaw ibig sabihin andun na siya.
Nakakaburo!!! Asan ako? Nasa kitchen nila sungit, pagtapos kasi ng mga kapalpakan ko kahapon ayaw na ko pahawakin ng kung anu-ano ng maids ni Sungit. Ugh! Wala naman magawa rito e. Nagugutom na ko.
Kukuha na sana ko nung saging, nakakatakam kasi bigla kasong dumating si Mirah, yung close friend kong maid. Hihi. Lakas maka-close friend.
“Ma’am Raine” tawag niya sa akin. Ang kulit nito, Ma’am Raine ng Ma’am Raine -____- Muka tuloy ako matanda.
“Raine na lang” humalumbaba ako dun sa counter. Ngumiti siya sa akin.
“Para naman po kasing di tamang tawagin kayo sa pangalan lang, muka po kayong mayaman. Bakit po ba naging maid kayo ni Sir Skyler?” nagtatakang tanong niya. Sows! Wala talaga sa muka kong maganda ang maging katulong. Nyehehehe.
BINABASA MO ANG
Don't you DARE!
ChickLitLorraine Ann Owes - The Happy-Go-Lucky: She loves trying her luck in different ways at madalas may nadadamay na ibang tao at tuwang tuwa pa siya rito. Gusto niya ang nang gugulo ng buhay ng ibang tao, paglaruan ang mga bagay-bagay. And she calls it...