Chapter Six - Violet or Purple? IT IS LILAC, STUPID!

160 2 0
                                    

Raine’s POV

First day ko. Nagdadalawang isip parin ako kung papasok ako o hindi. Ano ba yan! Naka-instant trabaho pa, isa pang maid -________- Nakatayo parin ako sa harap ng gate ng mansion ng Skyler na iyon. Ehhh? Ganda ng bahay nila *u* Sarap dungisan!

Ano kayang magandang gawin sa mansiyon ng ubod na sungit na lalaking iyon? Kulayan ko kaya ng pink? Bigla naman may dumaang violet na kotse. Wow! Parang lavender na darker version yun ah! Violet na lang! Napahawak ako bigla sa buhok ko… tinitigan ko ito ng mabuti. Matagal na rin nung nagpa-brown ako ah! Namiss ko na nga yung flaming red hair ko, kundi lang ako pinagalitan nang Dean noon sa school hindi ko papalitan ang kulay ng buhok ko. Inggitero kasi yung Dean, kunsabagay shokla!

*LIGHTBULB*

Mamaya ko na lang sisimulan ang trabaho ko kay Mr. Sungit. Hihi. Dali-dali akong bumalik sa Miata ko at pinaharurot iyon palayo sa mansiyon ni Sungit. Wala naman siyang binigay na oras e. Malay mo 2-10 pa ako. Hihi ^^ 8-hours work nuh!

Pagkalabas ko ng parlor ay tunog ng tunog ang phone ko. Bagong bago yan. Fresh from Autumn’s hand. Nyehehe. Tss. Ang ingay, istorbo. Hinanap ko sa bag ko yung nagiingay kong phone, pag tingin ko sa screen unknown number. Hmmm.. Sino kaya ito? Stalker? Kakapalit ko lang ng phone, nakuha na niya agad number ko. Nalaman kaya niya agad na lilac na ang kulay ng buhok ko at sasabihin niyang lalo ako gumanda? Nyehehe. Joke lang. Hindi pala violet o lavender yung kulay ng kotse na nakita ko, kundi lilac. Hehe. Bagay sa akin ^^ Makapag-selfie nga muna.

“Ayy! Natawag pa pala ang damuhong unknown na number” sabi ko sa sarili ko nang ma-realize na nagriring parin ang phone ko. Kaya sinagot ko na.

“Hello… Alam ko maganda ko, kaya sabihin mo na kung ano kailangan mo” sagot ko agad pagkatapos ko ipress ang accept. I-touch pala, touchscreen e ^u^

“Anong pinagsasabi mong baliw ka? Asan kana? Tanghali na, wala ka pa dito. Aba’t gusto mo ata talagang makulong haa?” Napangiwi ako sa lakas ng boses sa kabilang linya. Hindi ko kailangan pag-isipan kung sino natawag. Si Mr. Sunget.

“Young master! Ikaw pala, napatawag ka? Ke-aga aga ang sungit natin ah!” Sympre, mas lalo ko siyang iinisin, dun ako magaling e. Hahaha. Now, I can imagine his thick eyebrows forming to frown. Nyehehehe.

“Anong maaga? Di mo ba naitindihan sinabi ko, sinabing tanghali na e! Dalian mo nga’t punta kana rito! Bago ko pa maisipang sipain yang pwet mo!” nang gigil na sabi nito. Natawa naman tuloy akong bigla, una sa lahat hindi siya nag-eenglish ngayon, at nagsasabi pa siya ng mga unnecessary words.

“Sige young master. Pag ganti na lang mamaya. See you! Mwah!” tapos binabaan ko na siya ng phone. Ayokong hintayin yung sagot niya, sisigaw na naman yun e. Sipain ko din siya pwet o kaya kurutin ko na lang siya sa singit. Hehe. Maharot ka Raine.

Iiling-iling akong naglalakad papunta sa kotse ko, at natatawa. I can still imagine Mr. Sunget’s face right now. He is bursting to anger. Napansin kong pinagtitinginan ako ng tao. They are looking at my hair. Bakit ngayon lang sila nakakita ng Lilac Hair?

Ngee! Ganyan talaga pag maganda. Hehe. Pangit kasi sila. Joke ^u^ Peace Papa Lord.

Pagdating ko sa mansion ni Sunget, hinarang ako nung guard. Loko to ah!

“Miss, bawal kayo rito” sabi nung guard habang nakatingin sa buhok ko. “Walang children’s party dito” tawa-tawa pang sabi nung guard. Children’s party? Muka ba kong clown?

Inirapan ko siya. “Wala akong planong pumunta sa children’s party manong. Andito ko para magtrabaho” naiinis na sabi ko sa guard. Ano bang guard mayroon itong si Sunget? Mana sa kanya mga tauhan niya e. May toyo din -____-

Don't you DARE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon