Part 8

226 8 0
                                    

"B-bakit mo naman natanong ha? Atsaka ExO? Pano mo sila nakikilala?" Takang tanong ko sakanya kasi diba kahit kayo rin nagtataka. Diba mga pipol?

Tumingin lang siya ng diretcho sa mata ko ng seryoso atska huminga ng malalim "Kasi-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita kasi mukhang alam ko na yung sagot...

"OMYG! Wag mong sabihing... Ba... Bakla ka? Bakla ka ba Chen? Kaya mo ba sila kilala kasi isa ka sa mga fangays nila? Mag-out ka na ba sakin kaya seryoso ka ngayon? Omg! Chen kahit sino ka man tanggap kita! Welcome to the Club!" Sabi ko sakanya with matching yugyog-yugyog pa sa balikat niya at sabay yakap. I am so proud for him... I mean her! He made it! Masaya kayang may kaibigang bakla.

"Timang!! Ano bang pinagsasabi mo?!? Ako bakla?!? Sa gwapo kong to ha?!? Sa mga muscles kong to?!?*macho pose* Ano nanamang pumasok sa napaka gandang utak starfish mong utak at naisip mong BAKLA ako? Pagkilala sila bakla na agad? Di ba pwedeng sikat sila kaya kilala sila? Isa kang malaking INUTIL!" Sabi niya sakin nang tuloy tuloy. Ay sorry naman! Naalala ko kasi yung My Husband's Lover. Hahaha!

"Chill lang dude! Sorry naman! Malay ko ba?!? Hahaha! Btw, that was an epic scene!" Sabi ko sakanya habang tinitingnan yung mga taong nakatingin sakanya na namimilog ang mga mata. Hahaha!! Iemphasize ba naman yung 'BAKLA ako' eh sino ba namang di mashashock dun eh.

"Aish! Pahamak ka talagang babae ka! Tara na nga bago pa ako kainin ng sarili kong kahihiyan!" Sabi niya sabay hila sakin palabas ng cafe.

"Hahaha! Yun ay kung may natitira pa!" Sabi ko sakanyang nangaasar. Hahaha! Im so mean.

"Shut up! Dwarf!" Sabi niya. Putek! Pigilan niyo ako! Pati height ko dinadamay? Walang ganyanan dre ang sakit sa damdamin eh.

Dinala niya ako sa playground dito lang sa loob ng village namin. Inupo niya ako sa swing tapos pumunta siya sa likod ko.

Bigla niyang tinulak ng malakas yung swing ko, buti nalang nakahawak ako! Grabe na yung tili ko dito!! Tinutulak lang niya ako ng tinutulak.. Someone save me from this fvckin' troll.

"Cheeeeeeeeen!! SHHHOOOONGGDAAAE!! Aaaahh!! STAHP DISH SHUWIIIING!! YUUUUNG VIVIIG KO FEEELIIING KOOO MAAATAAATAAANGGAAL NHAAAA!! AAAAHHH!!" Sigaw ko sakanya habang tili ng tili at kapit na kapit sa swing. Please. Ayoko pang mamatay. Marami pakong pangarap sa buhay!

At kahit kailan di ko pinangarap maging si Darna! Feeling ko lumilipad na ako ngayon eh! Huhuhu! Sambadeh help me!

"Hindi!! Napahiya ako kanina kaya magdusa ka ngayon! Muhahahaaa*evil laugh*" Sabi niya sakin. Kahit kailang psyco talaga tong lalaking to! May saltik talaga!

"Ughhhh! PUHHLEEASSHH SCHEEEN? *hik hik*" Naiiyak na ako kasi natatakot na ako! Feeling ko lumalabas na yung pagkatao ko sa bawat pagtulak niya ng malakas sa swing. Tapos maya-maya napadilat ako kasi feeling ko huminto na yung swing.

"Tssk! Umiiyak ka nanaman? Diba sabi ko ayokong umiiyak ka kasi pumapanget ka lalo?" Sabi niya habang pinapat yung ulo ko. Lalo? So anong pinapalabas niya na panget ako? Manigas siya!

"Sino ba naman kasing di maiiyak sa ginawa mo? Halos lumabas na buong pagkatao ko? Tapos kung makatulak ka pa, wala nang bukas? Tapos anong lalong pumapanget? FYI, MSB kaya ako!!" Sabi ko habang pinaghahampas ko siya.

"Hahaha!! Ano nanamang drama yan? MSB?!?" Sabi niya sakin na nagtataka at natatawa-tawa pa.

"Maganda Since Birth!! Bwisit ka!! Balang araw makakaganti din ako sayo! Putulin ko yang baba mo eh!!" Sabi ko sakanya habang pinaghahampas pa din siya.

"Hahaha!! Ooh.... natatakot ako. Hahaha!" Sabi niya sakin na kunwari natatakot pa. Kainis talaga to!!

"CHEN!!!" Biglang may tumawag sa pangalan ni Jongdae na dahilan para mapatingin kami sa direksyon ng tumawag sakanya.

Nakita ko si Kyungsoo, Unknown Guy (dahil di ko pa naman siya kilala) at Kuya Suho. Shete! Sabog pa naman itchura ko ngayon *pahid luha* *pahid sipon* *ayos buhok*.

"Uy ayos na ba itchura ko ha?" Sabi ko kay Chen na pabulong habang inaayos ko yung buhok ko na sabog-sabog. At itong mongoloid eh tawa ng tawa lang.

"Chen nandyan ka lang pala? Kung saan-saan ka namin hinanap. Sino yang kasama mo?" Tanong ni Kyungsoo sakaniya. Nakatalikod kasi ako sakanila. Ya know I am so kinakabahan.

"Ah eto? Isang kutong lupa na nagngangalang Meyelliit." Siraulo talaga tong pesteng to! Nakakahiya tuloy kay Kuya Suhoshii~

"Meyell ikaw na ba yan?!?" Shock na sabi ni Kyungsoo at Kuya Suho. Ay hindi hindi ako to! Baka kalokalike ko lang na napadaan dito! Jk.

"Ay hindi si Marian Rivera to!" Sabi ko sakanila ng sarkastiko. Bakit mukha ba akong ibang tao?

"Ikaw nga!!" Sabi nila sakin sabay group hug. Emeged! Nakalibreng chansing ako dun ah! Ang bango talaga ni fafa Suho. Ulala! Hahaha!

"Grabe gumanda ka lalo." Iiihh! Fafa Suho naman eh pinapakilig mo talaga ako. I lavya na talaga.

"Maliit pa din naman. Hahaha! Peace tayo Mey-mey!" Sabi nito ni Kyungsoo. So ganyanan? Di porket mas matangakad kayo ganyan na kayo. Ang sakit sa loob mga pare.

"Ay! Si Jongin nga pala pero pwede mo din siyang Kai." Pakilala ni Kuya Suho dun sa lalaking kasama nila na kanina pa nakalagay yung kamay sa bulsa niya.

"Hi Kai! Kamusta? Meyell nga pala. Nice to meet you." Bati ko sakanya ng nakangiti tapos inabot ko pa yung maganda kong kamay.

Jongina!

Bastusan lang?

Tiningnan niya lang yung kamay ko sabay tingin sa mukha ko. Eh kung iglue nalang natin yang kamay mo sa bulsa ng pantalon mo para happy tayong lahat! Nakakabwisit eh! Kanina pa yang kamay na yan na nasa bulsa eh.

"Tara uwi na tayo! Malapit na lumabas yung buwan." Sabi ni Kai. Bastusan talaga tayo mga pare? Ni hindi talaga ako pinansin. Walang hiya to! Napahiya tuloy ako. Mas inuna pa yung buwan?!? Ano ba meron sa buwan?!? Sarap ingud-ngod sa pader mga friends.

"Sige Meyell Ihahatid ka nalang namin tapos uuwi na kami." Sabi ni Kyungsoo sakin. Hayy! Buti naman at mga gentlemen pala itong mga to kahit papano.

"Sige! Kasi baka may sumunod nanaman sakin na malaking aso... more like wolf hahaha!! Awooo~" Biro ko at parang mga may tb naman tong mga ito at biglang napaubo. Anyare mga kuya?

"Haha!! Sabay-sabay pa talaga kayong umubo!" Asar ko sakanila habang huminto na dahil nasa harap na kami ng bahay namin. Malapit lang naman kasi sa playground yung bahay namin eh.

"Dito na ako! Thank you sainyo! Until next time. Bye ingat kayo okay? Lalo ka na Kuya Suho-" Napatingin sila sakin.

"Pati ikaw Chen, Kyungsoo at Kai... He... hehe..." Omg! AWKWARD. Mabubuking ata ako sa ginagawa ko eh. Shunga ko!

"Bye Mey-mey! Till next time" Sabi ni Kuya Suho then he gave his sweetest smile na nagpatunaw ng aking ice cream na puso. Shems! Why so gwapo?

Tapos tuluyan na silang umalis. Pag pasok ko ng bahay... Nakaabang na sa sala si Belle at sina Cheska, Jass at Blaire. Kung itatanong niyo kung bakit sila nandito kasi madalas mag sleepover ang mga to dito.

Masanay na kayo mga gulls okay? Minsan nga naiisip ko na bakit hindi nalang sila tumira dito? Kasi mga ambisyosya itong mga to mga feel at home masyado! Napapadalas na dito.

"AT SAAN KA GALING?!?"

Wow nasa choir ba sila at sabay-sabay pa talaga sila mag salita. Wala nanaman akong takas sa mga ito. Maloloka nanaman ang beauty ko nito! Hay!

He's A Wolf (Exo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon