Part 4

248 9 0
                                    

Awooooooooooo....

Napabangon kaagad ako. Ano ba yan! Alam mo yung feeling na makakatulog ka na tapos biglang magigising ka kasi maingay yung aso ng kapit bahay? Nakakaasar lang.

Nakakainis! Bababa na nga lang muna ako at kukuha ng makakain tutal nagugutom naman na ako eh. Chineck ko muna kung nasa kawarto na si Belle. At nandoon na siya. Sleeping beauty na.

You see, kaya kami lang ni Belle ang magkasama dito sa bahay kasi malayo yung bahay namin sa school na pinapasukan namin ngayon. Dahil sa close naman ang mga magulang namin at para maging independent naman daw kami ayun... Binilhan kami ng bahay. Hahaha! Rich kid kami eh. Pero joke lang syempre.

Saan na nga ba ako? Ah! Kukuha ako ng pagkain kasi nagugutom na ako. So nasa harap na ako ng ref at kinuha ko yung cookies 'n cream na ice cream sa freezer tapos kumuha lang ako ng 2 oreo at water.

Nagsimula na maglakad papuntang kwarto. Doon nalang ako kakain. Binuksan ko na yung pinto ng kwarto ko at binuksan yung ilaw tapos yung tv. Hahaha! Sarap buhay noh? Wala naman pasok bukas eh.

Sarap na sarap ako sa pagkain ng ice cream pati na rin sa panunuod ng tv ng napansin ko nanaman yung pag alulong ng aso. Ano ba? Kanina pa yan ah.

Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang napaka gandang full moon. Kaya naman pala ang ingay ng aso eh. Babalik na sana ako sa panunuod ng may nahagip yung mga mata ko.

ANG LAKING ASO!

Kulay gray siya, mukha nga siyang wolf?!? Ang bilis ng takbo ng aso tapos nagulat ako ng bigla syang tumigil at napatingin saakin. Nakakatakot yung tingin niya! Kulay pula yung mga mata niya.

Parang...

Parang...

Parang.....

Parang nakita ko na yung mga matang yon. Pero hindi ko maalala eh. Tiningnan ko siya ng maayos pero tumakbo na ulit siya paalis. Tssk! Nakakatakot naman yung asong yun. Yun kaya yung sumusunod sakin kanina? Oh well, hayaan mo na nga yon Meyell.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng ice cream at nanuod na ng tentenen... Spongebob! Hahaha isa sa mga favorite ko. Bata ako eh!

Maya-maya pa at naubos ko na yung ice cream at kinain ko naman yung oreo. Ang takaw ko! Hindi naman ako tumataba ba't ganon? Hahaha! Mainggit kayo bleh.

Pagkaubos ko ng oreo uminom na ako ng tubig at nakaramdam na ng antok kaya pinatay ko na yung ilaw pati na rin yung tv.

AWOOOOOOUUUOOOOOO.....

Pfft! Hahahahaha! Hindi ko mapigilang tumawa kasi naman... Hahaha! Yung aso pumiyok. Hahaha! Nagbibinata. Laughtrip talaga! Kinabit ko nalang yung headphone ko para hindi ko na marinig yung mga alulong ng aso. Nakakairita eh.

[Now Playing: Peter Pan - Exo]

Favorite song ko yung plinay ko...

Peter Pan...

Kailan ko kaya mahahanap yung peter pan ko at dadalhin ako sa neverland? Haaaaaay... Okay stop the drama at inaantok na ako.

Goodnight!

He's A Wolf (Exo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon