Part 9

247 9 1
                                    

GRAAABBEEEE!

Para akong nasa hot seat ngayon.

Pinapalibutan ako ng mga lokaret na babaeng to at iniintriga kung sino daw yung mga 'hot at papabals' na kasama ko kesyo daw di ko sila pinakilala sakanila.

Shete! Anong hot at papabals? Si Kuya Suho lang naman yung hot at papa dun! Hahaha! Jk.

"Hoy babae! Sumagot ka nga sino ba yung mga kasama mong mga papa dun? Di ka man lang nagkekwento samin na may kilala kang mga ganon?!?" Sabi ni Blaire na nakacross arms pa at nakataas ang isang kilay. Aba't ang taray ng dating ah! Bongga.

"OO NGA!!" Pagsang-ayon ng mga bruhitang to kay Blaire. Na nakataas padin ang kilay. Grabe! Taray lang.

"Chill lang guys! Si Chen kababata ko yun. Tapos yung iba niyang mga kasama mga barkada niya yun. Kayo talaga pagnakakita ng gwapo... Hay nakoo" Sabi ko sakanila ng walang gana at umiiling-iling pa.

Haaaaaaaay! Wag nilang aanuhin si papa Suho kong gwapo! Kung hindi kakalbuhin ko pati ano nila... Kilay. Hahaha!

"Sus! To namang si friendship di mabiro. Pero infainess ah gwapo ni Chen" Sabi ni Belle na naghuhugis heart lang naman ang mata. Napailing nalang ako.

"Oo nga pati yung isang lalaki na nakapamulsa. Ay hindi lahat pala sila! Kyaaaah" Sabi ni Jass habang nagtatalon pa. Ang laki ng problema ng mga to. Haaaay!

"So tapos na kayo mga bruhilda? May paganito-ganito pa kayong nalalaman. Mga Echosera! Punta muna ako sa kwarto para magbihis ang dami niyo pa kasing kaekekan eh." Sabi ko sabay tayo at pumunta na ng kwarto.

Pagtapos ko magbihis pinuntahan ko na sina Cheska dun. Doon kami sa sala matutulog tapos manunuod kami ng movie.

Parang walang pasok bukas eh nuh? Hahaha! Well ganoon talaga. Parang zombie nanaman ako for sure bukas. Maaga pa naman kami bukas... Haaaay!

"Hala! Wala namang ICE CREAM!!" Sigaw ni Jass habang inenspection padin yung freezer. Na parang may mahahanap pa siyang ibang ice cream doon.

"Panong wala eh kakabili ko palang nung isang araw?" Takang sabi ni Belle. Oops! Mukhang kailangan ko ng mag 'missing in action' ngayon.

Akmang tatakbo na ako papuntang kwarto ko ng... "MEYEEEEEEELL!!" Sabay-sabay nilang sabi. Patay tayo dyan.

Huhuhu! Eh kasi naman yung hindi ako makatulog kagabi kinain ko yung ice cream. Dapat pala oreo nalang kinain ko. Huhuhu!

"Oo na po! Eto na nga po at bibili na eh" Sabi ko sakanila at lumabas na ng bahay. Kainis kailangan ko pa tuloy na bumili kasi pagtutulungan ako ng mga babaeng yun.

Syempre dinala ko muna ang aking mahiwagang wallet. May malapit na convinience store dito sa village namin kaya keri ko to!

lakad...

lakad....

lakad...

lakad....

Nung nasa convinience store na ako bumili na ako ng ice cream tapos bumili na rin ako ng mga gusto ko lang bilhin. Hahaha!

On the way na ako papuntang bahay at naglalakad ng pakanta-kanta pa ng may makita akong isang...

MALAKING ASO.

Mukha siyang.......

MUKHA SIYANG.....

WOOOOLF?!

Nah... imposible naman yun siguro isang malaking siberian husky lang to. Kawawa naman yung aso kasi mukhang sugatan. Napaaway siguro.

Tssk! Basagulerong aso. Tinry kong lapitan yung asong hirap na hirap maglakad at paika-ika pa kasi nga yung isang paa eh sugatan.

He's A Wolf (Exo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon