Part 6

262 7 2
                                    

*hufff*

*huuuuuffff*

*huffff*

Kaya ayoko sumayaw eh nakakapagod. Ngayon tuloy naghahabol ako ng hininga dahil kanina pang umaga kami nag papractice tapos past lunch na.

Nagugutom na nga ako eh! Hindi pa kami naglulunch kasi sabi samin ni Rox yung nagtuturo samin sumayaw eh 'kailangan natin matapos to ngayong week kaya dapat walang sinasayang na oras.

The heck! Gusto ko nga sanang mag protesta kaso mukhang determinado din yung mga kasama ko dito kaya naman wala na akong magawa. Huhuhu! Pagod na pagod na ako!

"Okay maglunch muna tayo guys! Mukhang gutom na gutom na kayo eh." Ay hindi! Hindi kami nagugutom. Hiyang-hiya naman ako!

"Tara na punta na tayong canteen! Dapat walang sinasayang na oras!" Sabay hila sakin ni Blaire at Belle. Grabe lang!

Kung tinatanong niyo kung nasan si Jass hindi namin siya classmate kasi 3-C siya kasama si Cheska. Dabarkads din namin yun.

Wala siya sa mga nakaraang chapters kasi pumunta siyang Hongkong! Ang taray! Rich kid eh! Family outing lang kailangan Hongkong pa. Siya na!

"Mga bakla dito! Tawag samin ni Cheska." Gandang pambungad ah.

"Nasan na si mickey mouse? Sabi ko pasulubong ko yun eh!" Sabi ko sakanya.

"Oh ayus naman ako! Oo ang saya doon sa Hongkong eh!! Leche! Wala man lang kamusta? Pasalubong kaagad?!" Sabi niya ng sarcastic saakin. Ganyan kami magkamustahan hahaha!

"Joke lang Ches! Peace tayo!" Tapos inakbayan ko siya. Tapos nilambing-lambing mamaya di ako bigyan ng pasalubong eh. Hehehe!

"Ano musta naman?" sabi ni Blaire habang binubuksan yung baon niyang pagkain.

"Ayos lang. Ang ganda doon lalo na sa Disney Land. Tapos--" naputol yung sinasabi niya ng biglang nagsalita si Belle. "Mamaya na yan! Nagugutom na ako bibili muna ako ng pagkain." sabi ni Belle.

"Oo nga ako din kanina pa ako gutom na gutom eh." Sabi ko. Saka tumayo na.

At nagsimula na kaming maglakad ni Belle papuntang counter. Dahil madadaanan namin yung table ng ExO eh kilig na kilig naman 'tong si katabi ko, kinukurot-kurot pa nga ako eh! Kaasar.

"OMG! Nakatingin sila satin OMG! OMG! OMG!" Bulong sakin ni Belle habang pinipisil-pisil pa yung kamay ko.

Tumingin ako sakanila at nakita ko si Baekhyun na nakangiti tapos nagwave siya sakin. Syempre nginitian ko din siya at nag peace sign.

Nagulat ata yung mga ExO member kasi parang lumaki yung mata nila saglit. Eto namang katabi ko eh panay na ang kurot sakin kaya tiningnan ko siya.

"Ano yun?!? Kailan pa kayo nagong close ni Baekhyun ha!" Pasigaw na bulong niya sakin with matching panlalaki ng mata.

"Wala yun! Ang echosera mo hahahaha!!" Sabi ko sakanya at tuluyan ng omorder ng pagkain. Paramihan kami ng binili. Oo hindi kami matakaw. Hahaha!

Pagkatapos namin kumain habang nagchichismisan. Nagpaalam ako sandali kasi naubos na yung tubig ko baka mauhaw ako mamayang practice kaya pumunta akong counter para bumili ng tubig.

Pagkadating ko dun nakita ko si Sehun papunta atang counter. Nung papalapit na akong counter saktong walang tao kaya tuwang-tuwa ako. Bibili na dapat ako ng biglang.

"Ako ang nauna kaya pumila ka." Sabi ni Sehun nang napaka cold. Hello!?! Ako kaya ang nauna!!

"Hoy! Ako nauna dito noh! Kahit itanong mo pa kay ateng cashier eh. Diba ate?" Sabi ko sakanya tapos ngumiti lang yung cashier. Sus! Pacute.

Tiningnan niya lang ako ng masama. Nakakaktakot! "Sabi ko nga mauna ka na po." Sabi ko sakanya. Eh sa nakakatakot siya eh!

Nagsmirk lang siya tapos bumili na. Pag katapos nun eh umalis na siya. Nakakabwosit siya! Pagkaalis niya bumili na ako ng tubig at umalis na. 3 bote yung binili ko. Para sure.

"Okay guys dismiss na tayo! Basta bukas 6:30 dapat na sa school na tayo. Para maaga tayong makapagsimula." Sabi saamin ni Rox.

Kinuha ko na yung bag ko at pinuntahan si Belle. "Tara na Belle uwi na tayo." Sabi ko sakanya.

"Tara!" Nagsimula na kaming maglakad palabas ng room. Haay! 7pm na kami natapos. Grabe! Determinado talaga sila.

"Ikaw ah! Ikwento mo nga saken close ba kayo ni Baekhyun?" Sabi sakin ni Belle na may ngiti sa labi at pataas-taas pa ng kilay.

"Kasi ganito yun..." At kwinento ko sakanya. At kinikilig naman 'tong babaeng to.

"Tingin mo magiging ganon din kami ni Chanyeol?" Sabi niya na nagdeday dream na nakatingin pa sa bintana ng jeep. Pfft! Parang ewan.

"Ewan ko sayo. Hahaha!" Sabi ko sakanya habang pababa na kami ng jeep. "Malay mo naman diba." Sabi niya. Asa ka pa Belle! Hahaha!

"M-meyell?" May tumawag ba sa pangalan ko o guni-guni ko lang yun? Kiber lang.

"Mey-mey ikaw nga!" May biglang humawak sa braso ko at pagkakita ko sakanya....

"CHE....CHEN?!?!?"

He's A Wolf (Exo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon