Part 14

147 5 0
                                    

"Tara Yell uwi na tayo" Aya saakin ni Belle. Uwian na sa wakas! Nag-unat muna ako ng kamay ko saka tumayo.

"Ay wait lang Belle! Ipapasa ko pa pala yung assignment ko sa chemistry!" Sabi ko sabay halungkat ko sa bag ko. Hala! Muntik ko ng makalimutan. Buti nalang naalala ko.

"Jusko! Hindi mo pa tapos!? Ano ba kasing ginawa mo kagabi at kanina?! Kaloka ka!" Litanya niya na habang nakataas yung kilay at nakapamewang pa. Taray ne ateng.

A-ano nga bang ginawa ko kagabi? Ano... kasi... UGH! Si Sehun kasi! Siya may kasalanan! Hindi siya mawala sa isip ko yan tuloy nakalimutan ko na may assignment pala kami. Tapos kanina nakatulog ako kasi puyat kagabi. Huhuhu kawawa naman ako.

"Ah... ehh... ano kasi..." Shems wala akong maisip. 'Yoko naman sabihin yung tungkol kay Sehun no! Ano ako? Maganda. Hahaha lol.

"Hay... Ikaw talaga. Una na nga ako mukhang matagal ka pa dyan eh babush" Pagkasabi niya bigla nalang siyang umalis. I thought we were fwends. Hahaha! Drama on?

Kahit mahirap tinapos ko yung assignment. Bahala na si batman. Tumayo na ako at lumabas ng classroom at pumuntang faculty room.

"E-excuse me ma'am Pascual ipapasa ko lang po yung a-assignment ko" Shems kinakabahan ako baka hindi tanggapin. Yumuko ako at napakagat sa labi ko.

"Bakit ngayon mo lang 'to ipapasa?" Sabi niya habang nakataas ang kilay.

"K-kasi..." Oh my gad! What to say? Sasabihin ko ba na kasalanan ni Sehun? Heck no! Ang pathetic naman ng reason ko kung ganon. Tss.

"Excuse me ma'am" Napalingon kaming dalawa ni ma'am Pascual. Omeged! So gwapo.

"Y-yes?" Hahaha! Naks naman si ma'am nauutal.

"Sorry for the interruption but our principal ordered me to call you ma'am. I think their will be a meeting" Eff. Nosebleed. Shet gwapo na, galing pa mag english. Siya na emeged!

"O-oh... Is that so? Well thank you" kinuha niya na yung assignment ko at dumiretcho na sa meeting room. Yes! Saviour ko pala 'tong si Handsome.

"Yes!" Oy with arms gesture pa yan hahaha! Napatigil nalang ako nung napansin 'kong nakatingin siya sakin. Nakakahiya huhuhu.

"Ehem... bye" Pagkasabi 'ko nun tumakbo na ako. Nako nakakahiya. Bahala na siya siguro naman hindi ko na siya makikita. Tsk.

Tumatakbo lang ako papuntang classroom ng may mabangga ako. Clićhe ba? Hahaha. Sorry na.

"Aw... Sorry po" Sabi ko habang nakayuko.

"Meyell?!" Wait. Familiar yung boses. Inangat ko yung ulo ko. Nanlaki bigla yung mata ko. Omeged! Asdfghjkl...

"Kuya Suho!" Napayakap ako bigla. Emeged! Landi ko hihihihi pero miss ko kasi siya eh. Iihhh.

"Hahaha! Miss na din kita" Niyakap niya ako pabalik. Omaygad! Kinikilig talaga ako!

"Hoy sinong magsabing miss kita?" Humiwalay ako sakanya at kunwaring nagtaray.

"Actions speaks louder than words" Sabi niya habang nakangiti. Okay. Why so handsome? Hahaha.

"Kuya ano nga pa lang ginaga-- Aww!" Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Sehun papunta sakanya. Bigla nanaman akong kinabahan. K-kasi nagulat ako! Okay?

"S-sehun?!?" Nagtataka ko siyang tinignan. Okay... ang sama ng tingin niya sa akin. Ano nanamang ginawa ko?

"Sino siya?" Tanong niya sakin habang nakatingin ng masama kay Kuya Suho.

"Junmyeon" Sabi ni Kuya Suho habang nakatingin din ng masama kay Sehun.

Nagpabalik-balik yung tingin ko sa kanilang dalawa. Parehas silang nagsusukatan ng tingin. Wtf! Anong nangyayari dito!?!

Someone's POV

"Wangja nakita niyo na po siya?" Tanong ng isang nilalang na nagngangalang Lay.

"*smirk* Oo. Totoo nga sinasabi nila, maganda nga siya" Sagot nito sabay inom ng wine niya.

"Wangja sigurado ka na ba sa gagawin mong hakbang?" Nababahalang tanong ni Lay.

"Oo naman. Eto na panahon upang magbalik ang nawawalang prinsepe"

Tumingin siya kay Lay habang pumupula ang mga mata...

"Eto na ang panahon upang maghiganti"

He's A Wolf (Exo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon