Part 2

250 10 0
                                    

Holychin!!

Leche!!

Pak it!!

Sana kainin na ako ng sahig na kinatatayuan ko ngayon! OMFG! Ano bang nagawa ko at ang malas malas ko ngayong araw? Lintek na yan oh! Mura tuloy ako ng mura. Ahuhubells! Ayoko na! sana mawala nalang ako ng parang bula ngayon please. Jebal!

"Pakiulit nga yung sinabi mo." Napalunok ako at parang nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Pagkarinig ko ng boses niya.

"Pre, kalma lang" Pagpapakalma sakanya nung Tao kung di ako nagkakamali. Nakakatakot po.

"A-ano... K-kasi... ano h-hindi--" Ano ba yan bat nauutal ako. Feck thet! Kinakabahan na ako ng bongga ngayon.

Nan laki ang mga mata at nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. At ang higpit ng pagkahawak niya sakin. Grabe parang mas nakakatakot siya ngayon kesa sa Conjuring. Please help me juseyo!

"Sa susunod na marinig pa kita na pinagsasabihan kami ng kung ano-ano, baka di na ako makapagpigil." Opo opo! Sorry na po hindi ko na uulitin promise huhuhu!

"Hindi mo pa kami kilala kaya pwede ba, yang bibig mo pakitikom." Shit! Nakakatakot talaga siya.

Binitawan niya na ako. At kitang-kita ang bakat ng kamay niya dahil sa higpit na pagkakahawak niya saakin. Para akong nabato sa kinatatayuan ko. At ito namang mga sweet kong kaibigan, parang manghang-mangha at kinikilig pa sa mga bwisit na ExO na to. I thought we were fwends?!

Nagulat ako ng bigla nalang silang naglakad papunta saakin. Kaya napapikit nalang ako. Nakahinga ako ng malalim nung nakita kong nilampasan lang nila ako. Pero bago paman sila tuluyang makaalis. Huminto muna yung isa sakanila at...

"Ingat sa mga sinasabi" bulong saaking nung Luhan nga ba yun? At pagkatapos niya sabihin yun eh nagsmirk siya, na dahilan para kilabutan nanaman ako for the 2nd time.

Tuluyan na silang naglakad palayo. Linigon ko sila habang naglalakad sila palayo. Nagulat ako nung tumingin si Sehun at pula nanaman yung mata?!? Hindi yun sore eyes eh. Kasi kung sore eyes yun bakit kanina hindi naman pula mata niya. Ang creepy talaga niya... nila.

Shizz! Bahala na hindi ako mangengealam sakanila. SAKANYA.

"Girl! Ano nanaman yang pinasok mo?" Sabi sakin ni Blaire at nilapitan ako. Ay pinto... pinto ang pinasukan ko!

"Pero infairness ah! Ang cool nila lalo na Sehun!" sabi ni Jass. Eto nanaman tayo. ExO nanaman nakakaiyak na.

"Oo nga! Tapos si Chanyeol ang gwapo niya pala pag serious face. Kyaah!" WTF?!? Cool ba yun? Gwapo ba yun? Hindi ba sila natakot kanina? Nababaliw na ba sila? Kaibigan ko ba talaga sila?

"Wow! Thank you guys! Ang sweet niyo eh. Naiiyak na nga ako oh. Imbes na kumustahin niyo ko kung ayos lang ako? Kung nasaktan ka ba? Thank you talaga guys!" Sarcastic na sabi ko sakanila.

"Hahaha! Eto naman. Alam naman kasi namin na kaya mo yan! Fighting!!" Aba't sabay-sabay pa sila sa pag 'fighting.' Hay! Ewan ko ba kung bakit ko sila naging kaibigan.

Hay! Salamat at uwian na. Parang ang daming nangyari ngayong araw! Di na keri ng bangs ko. Kailangan ko na nang pahinga. Nakakastress. Nakakafatigue. Ano daw? Hahaha.

"Uy! Meyell!" Tawag sakin ni Kay.

"Bakit?" Tanong ko.

"Close ba kayo ng ExO? Kasi kanina nakita kita kausap sila hinawakan pa nga ni Se Hun yung braso mo eh." sabi niya ng tuloy-tuloy.

Alam niyo kung may iniinom lang ako ngayon malamang eh nabuga ko na yun. At kung may kinakain man ako ngayon siguro nabilaukan na ako. Pero wala eh, sayang, kaya sumimangot nalang ako.

"Hindi noh! Never! Yung mga weir--" Oops. Baka mamaya marinig nanaman nila ako. Mahirap na. Ayoko ko pang machugi ng maaga.

"*ehem* Basta hindi. At never. Yung nakita mo kanina? May tinanong lang sila sakin." Sabi ko. Tss. Why do you care?

"Eh bakit kailangan hawakan ka pa ni Sehun sa bras--" Hindi ko na siya pinatapos at gumora na ako. Kainis! Ang daming tanong! Tito boy lang ang peg? Tara usap tayo?!? Lol. Korni.

Narinig ko pang tinawag niya yung pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Sayang lang sa oras. Hahaha! Ang sama ko. Well di kami close eh suuri.

Habang naglalakad ako papuntang sakayan nakita ko si Baekhyun papalapit... Saakin? Weh? Lumingon-lingon ako sa paligid to make sure na saakin nga talaga siya lalapit. At ako lang pala ang tao dun.

"Hi Ms. Fuentes" Bati niya with matching killer smile! Uy infairness kumpleto ipin hahaha! Y SO HANDSOME?

"Hello? Bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Doon ka na nga mamaya magalit nanaman yung Sehun na yun." Pero kahit gwapo ka hindi ko parin nakakalimutan na member ka ng ExO.

"Sungit naman nito! Nandito lang ako para humingi ng sorry kasi kanina... Alam mo na" sabi niya.

"PWAHAHAHAHA!" Nakakatawa naman tong isang to. Bakit siya yung humihingi ng sorry eh hindi naman siya yung may kasalanan?!? Pero infairness naka points nanaman siya sakin. Whahaha! Landi ko.

"Anong nakakatawa? Humihingi na nga ako ng sorry kasi si Sehun. Pero kasi ikaw eh kung ano-anong pinagsasabi mo eh." Sabi niya.

"Tssk... totoo naman lahat ng sinabi ko ah" Bulong ko.

"Anong binubulong-bulong mo diyan? Kagatin kita eh"

WAIIIIIIT!!! WHUUUT!?!? WHAAAAAAT!?!? HANUUUDAAAW?!?!

He's A Wolf (Exo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon