Part 1

386 8 1
                                    

"Meyell! Meyell! Meyell!" AYY!! Ang ingay naman. Kitang natutulog pa yung tao eh. Bastos.

"Meyeeell!"  Isa pa masasapak ko na tong kung sino man yung nanggigising sakin ngayon.

"Ms. Fuentes!" Agad napataas ang ulo ko at napaayos ng upo sa pagtawag ni Ma'am sakin. Patay ako neto.

"Matulog ba naman daw sa klase ko? Buti kung alam mo na yung lesson? Hala't lumabas ka sa classroom bastos!"Ang bastos nakahubad. Joke lang! Nakuha ko pang magbiro. Tumayo ako at humingi ng maraming sorry kay Ma'am. At tinarayan lang ako pwe!

Nakakainis! Kasi naman 'tong sina Blaire eh. Pinilit-pilit pa akong manuod ng The Conjuring ayan tuloy hindi ako nakatulog ng maayos kagabi! Pagpumipikit ako nakikita ko si Anabelle. Nakaktakot huhuhu!

Hay... Nakatayo lang tuloy ako ngayon dito sa corridor. Ako lang mag-isa. Spell CREEPY. Jusko sana naman walang multo dito o nanghihila ng paa kung hindi... Waaaah!! Mom--

*blaaaaaaaaag*

HOLYKALABAW! Jusko! Eto na ba yun? Eto na ba si Anabelle? Dahan-dahan akong dumungaw at tumingin sa baba (dahil sa second floor yung classroom namin) Owemji! Kinakabahan ako.

Pagkasilip ko sa bintana. Nakita ko si Sehun?!? Anong ginagawa niya dyan sa baba? May klase ah? Ay siguro nag cutting 'to. Porket matalino siya ganyan na siya? Kaloka siya. Hay na--

Tumingin siya sakin. Hindi lang basta tingin. MASAMANG TINGIN. Syempre iniwas ko agad yung tingin ko mamaya kung ano pang isipin nun eh. Pero teka bakit ganon? Bakit parang pula yung mga mata niya? O baka may sore eyes lang siya? Hindi eh kasi kung--

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Hanuba?!? Lagi nalang napuputol yung sianasabi ko ah? Ano ba author? Nananadya ka ba?

[a/n: Churii naman (*u*)v]

"Hoy babae! Ano nanamang tunutunga-nga mo dyan?" Sabi ni Blaire with matching batok pa. Aba't sumusobra na 'tong babaeng 'to ah! Siya nga may kasalanan kung bakit ako nandito eh!

"Hoy lokaret! Ikaw may kasalanan kung bakit ako napalabas eh!" Bwelta ko sakanya. Kaasar! Nambatok pa ang palaka.

"Hep hep hep! Bakit ako? Eh kanina nga ginigising ka na ni Belle eh ikaw tong 'di gumigising eh!" Dipensa niya.

"Bwisit ka kasi eh! Inaya-aya mo pa kong manuod ng conjuring yan tuloy 'di ako nakatulog ng maayos kagabi" Sabi ko habang nagsimula nang maglakad.

"Eh sino ba kasi--" Magsasalita pa sana siya kaso naunahan na siya ni Belle.

"Tama na nga kayo jan! Nakakairita na eh! Pwede ba dalian na natin pumunta ng canteen kasi kanina pa nagwawala yung mga alaga ko sa tyan." Tsssk. Sungit talaga nito. Meron siguro hahaha!

*sa CANTEEN*

"Uy dito!" Sigaw ni Jass samin. Nang makarating na kami doon.

"Bat ang tagal niyo? Muntik pa tuloy tayong mawalan ng pwesto" Wow. Ayos na pambungad ah.

"Itanong mo sa dalawang to." sabay nguso saamin ni Blaire. Bat kami? Tss.

"Osya bibili muna ako ng pagkain at kanina pa ako gutom na gutom!" Tumayo na siya at pumila.

"Anong baon mo Jass? Penge naman oh! Meat loaf nanaman kasi ulam ko eh." Sabi ni Blaire kay Jass na nagpapaawa effect pa. Hay nako! Si Blaire talaga.

"Geh bili muna ako ha." Paalam ko sakanila.

Habang naglalakad ako papuntang bilihan. Nadaanan ko yung table ng ExO. Yup! Grupo yun ng 6 na weirdo na lalaki na tinitilian at pinagkakaguluhan ng mga kababaihan at mga kabaklaan dito sa school. Ano bang meron sila? Hay nako.

Btw, ExO means 'Extra Ordinary.'

Sus! Dami nilang alam! Kwento nila kay peter pan. Isa lang naman matino diyan eh si Baekhyun mi loves! Hahaha! Oo loves ko siya kaya lang parang medyo tagilid. Parati kasing may eyeliner. Idol niya ata si Avril Lavigne.

Pagkadaan ko dun nakita ko saaking pheriperal vision na tumingin si Sehun sakin. Pero alam mo yung tingin niya? Ang sama eh. Eeeeeh! Nakakashokot! Napatingin din tuloy yung buong ExO sakin. Syete lang! Binilisan ko nalang yung lakad ko papuntang counter tapos umorder na ako ng ice tea, burger, spaghetti at isang brownies. Mah favorites. Yeah, hindi ako matakaw obvious ba? Hahaha!

Nung pabalik na 'ko sa upuan namin. Syempre dadaan nanaman ako sa harap ng table ng ekso.

Hahaha EKSO!

Pagkadaan ko sa harap ng table nila tumingin nanaman sila sakin tapows si Sehun napa smirk pa. Jeez! Kinikilabutan talaga ako sakanya. Ano bang problema niya saakin?

Natapos na kami kumain. Tumayo na kami at nagsimula ng maglakad papuntang classroom. Habang naglalakad kami, nagchichismisan 'tong si Blaire at Jass tungkol nanaman sa... Hay... ExO.

"Guys! Nakita niyo ba yung ExO kanina?? Syete ang gwapo talaga nila!" Kinikilig na sabi ni Blaire.

"Oo nga! Lalo na si Xiumin ang cute cute talaga ng cheeks niya! Ang sarap kurutin!" Pagsang ayon ni Jass. Ano nanaman bang kalokohan 'to?!?

"Tumigil na nga kayo Guys!" Hay buti pa to si Belle. Matino-tino pa.

"Mas gwapo si Chanyeol nuh! Ang cute kaya niya ngayon! Lalo na't may specs siyang suot!" Hayy!! Akala ko pa naman matino 'to si Belle isa rin pala.

"Teka nga guys. Y to the a to the k kayo! Eh ang w-weird ng mga yon eh!" Sabi ko sakanila with matching kinikilabutang face.

"Maka yuck naman 'to, Ganda mo eh!" Sabi ni Blaire saakin. Hinahamon ata ako nitong baklang to.

Napataas ang aking isang kilay at..."Bakit hindi ba??*flip hair*" Hahaha! Ako na maganda. And yizz I am proud.

"O edi ikaw na maganda! Palakpak tayo. Pero srsly. Bakit ba kasi ang bitter mo dyan ha?" Tanong ni Jass.

"Oo nga! Ano bang problema?" Pagsang-ayon ni Belle.

Napahinto ako. Bale lahat sila nakaharap sakin ngayon. "Kasi nga, Una sa lahat ang weird nila. Biro mo parang lagi silang nakadistansya sa mga tao. Alam mo yun?!? Di ba sila nag sasawa sa isa't-isa. Nakakaloka! Pangalawa, Eh ang b-bad boy ng mga yun. Kung ayaw nila sayo ibubully ka nila. Tama ba yun ha? Sabihin niyo nga saakin?!? At pangatlo, Nakakabwisit yung Sehun na yon! Kung makatingin sakin kala mo snatcher ako! Ang ganda ko naman atang snatcher kung ganon! Atska alam niyo kung nakakamatay lang talaga yung tingin eh botcha na ako kanina pa. Pssh!" Nakakapagtaka at hindi sila nagreact sa mahaba kong litanya.

"Huy guys! Okay lang ba kayo? Parang nakakita kayo ng multo ah? W-wag mong sabihing n-nasa likod ko yung manika sa Conjuring!! WAAAAH!!"

Agad naman akong nakarecieve ng super bonggang batok mula kay Belle at inikot niya ako para makita kung ano man yung nasa likuran ko.

ASDFGHJKL! Isa lang ang masasabi ko ngayon...

ANG HABA NG BABA NI BENBEN!!!!!

He's A Wolf (Exo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon