-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sinundo ni Xian si Ann sa bahay nito para sa practice nila.
Pagdating sa club house (kung saan sila magpa-practice), andun na sina Roy at Michael.
Xian : Aga ah! Hintayin na lang natin sina Mark at Karen.
Hindi nag-tagal dumating na rin sina Mark at Karen.
Nag-turuan muna sila ng mga basic steps.
Sina Roy, Michael at Xian ay mga dancer talaga, samantalang sina Mark, Karen at Ann ay napa-sabit lang.
Matapos ang isa't kalahating oras. . .
Roy : Nagugutom na ako!
Michael : Ako rin eh!
Karen : Hay salamat! Naguton din kayo! Tara! Kain na muna tayo.
Xian : Sige, kain muna tayo tapos uwi na rin.
At kumain muna sila sa malapit na sari sari store.
Ann : Kailan next practice?
Xian : Ahm, sa isang araw? Okay ba kayo nun?
Okay naman ang lahat. Matapos silang kumain at mag-usap usap ay nag-uwian na rin sila.
Hinatid ulit ni Xian si Ann sa bahay nito.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------