----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sabado. Ang gabi kung saan sila sasayaw. Isa itong Dance Social activity. Mag-intermission number lang sina Xian.
Kabado silang lahat. Ang dami kasing tao. Gusto na ngang umatras nila Karen at Ann, kaso sayang nga naman ang pinaraktis nila.
Bago sila mag perform, may sayawan muna daw. Socials. Mga 4 to 5 songs bago ang performance nina Ann.
----Sweet song---
Tumayo si Michael.
Michael : Tara Ann, sayaw muna tayo. Pampa-tanggal kaba. (Habang iniintay niya ang kamay ni Ann para sumama sa kanya at sumayaw)
Sumama si Ann. Oo! Kinikilig sya ng bongga! Pero, hindi pahalata.
---sa isip ni Ann habang kasayaw niya si Michael---
"Salamat! Ikaw ang first dance ko sa activity na 'to :)
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya! Salamat, napapawi mo tuloy ang kaba ko! Kung pwede lang tumalon sa sobrang saya ginawa ko na!"
Natapos na ang tugtog at ibinalik na ni Michael si Ann sa upuan nito. Naghintay sila ng mga ilang sandali. Meron ding ibang guy na isinayaw si Ann, pero ang isip pa rin niya ay ang kasiyahan na nadama nung si Michael ang kasayaw nito.
Ayan! Magsasayaw na ang grupo nina Xian!
♫I Gotta feeling♫ Love Story♫ Hot N Cold♫
Success!