Food Trip

141 1 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang 2nd practice nila.

Nasa club house na sina Xian at Michael. Maya maya ay dumating na si Ann.

Ann :   Sorry late ako, medyo nakalimutan ko kasi magpaalam kay papa na may practice tayo ngayon.

Xian :   Okay lang yun. Ang tagal naman nung iba, text mo nga Michael!

Michael :   Na-text ko na si Roy, wala akong number nung dalawa (sina Mark at Karen).

Ann :   Ako na magtetext dun sa dalawa.

Habang naghihintay sila, sina Michael at Xian ay nag-gagawa ng mga steps.

*tooot* (beep once - may nagtext)

Ann :   Uy Xian! Hindi na raw makakapunta sina ate Karen at kuya Mark.

Xian :   Nye! Ano ba yan! Eh si Roy? Ano sabi? (tanong niya kay Michael)

Michael :   Walang reply eh, pupunta yun!

Maya maya ay dumating na nga si Roy.

Ang kaso mo, tinatamad si Xian magturo kung kulang naman sila. Kaya napag-isipan nila na mag-food trip na lang.

Roy :   O sige! Food trip tayo! Sagot ni Michael!

Nag-asaran na sila! Hanggang sa pumayag na rin si Michael na manlibre.

-------Sa Lugawan--------

Pinaka-matagal kumain si Ann, syempre mga lalaki mga kasama niya mga malalakas kumain.

Michael :    Ang huling matapos syang magbabayad ha!

Ann :   'Wag naman ganun! Maawa kayo sa'kin!

(nagtawanan sila, at patuloy ang pang-aasar kay Ann)

Pag-tapos nila sa lugawan, Kwek kwek naman ang next nilang trip. Tapos proven, tapos buko juice. 

Naka-kita sila ng mga shades, sa bangketa.

Xian :   Uy! Maganda 'to oh! Pare-parehas tayo ng shades sa sayaw.

Michael :   Sige sige!

Bumili sila.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon