--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
May isa pang activity for celebrating the Valentines.
Sasama si Ann, dahil andun ang nanay nito. Kasama din sina Roy at Xian.
---Dance Social---
First Dance ni Ann si Nick, classmate niya nung 1st year High School siya.
---Sweet songs---
*picture picture*
Ann : Mitch! Bili tayo! Candy or Gum, para fresh hininga hahaha.
At bumili ang dalawa.
Pag balik ni Ann, nagulat siya!
Andun si Michael. . .
Nasa lugar din kung saan naka-upo ang mga kasamahan ni Ann.
---sa isip ni Ann---
"Anu ba yan! Bakit andito sya? Waaah! Natutuwa ba ako o kinakabahan? Bakit ako kakabahan? Hindi naman kami sasayaw. Teka, upuan ko yun ah! Panu na? Waaah nahihiya ako!"
Pinagpapawisan na si Ann, umaarteng normal.
Ilang minuto ang lumipas, tumayo sa unahan ni Ann si Michael - niyayaya siyang sumayaw.
Si Ann yung tipo ng babae na hindi maka-tanggi sa mga lalaki na niyayaya siyang sumayaw sa dance socials, kaya ayun :)
Michael : Oh kamusta ka naman?
Ann : Okay lang naman, ikaw?
Michael : Okay lang din :)
Ann : Wala ka bang pasok?
Michael : Meron, nag-excuse lang ako.
Ann : Ang adik! Hahaha, para dito? Grabe ka.
*picture picture habang nasayaw*
Natapos silang magsayaw siguro naka- 2 songs. Tabi sila sa upuan :) Sobrang saya ni Ann. Dahil hindi naman sila ang bida sa activity na yun, pumunta sila sa Stage at mag-picture picture.
Habang busy ang lahat sa sayawan, sina Ann, Michael at Xian ay busy din sa picture taking sa stage. Andami ring picture nina Ann at Michael together :)
Ann and Michael both love Photography. Isa rin ito sa dahilan kung bakit nagustuhan ni Ann si Michael.
-------Pagtapos ng Activity----------
Yan : Ate Ann, ang sweet niyo tignan dun sa stage kanina.
Patricia : Oo nga, parang nanonood kami ng Music Video. Tugma pa yung song sa ginagawa niyo.
Ann : Ha? *blush* Kayo talaga! Hahahaha.
Jard : Totoo talaga ate Ann, ang cute niyo tignan!
Patricia : Nakaka-KILIG!
Sino ba namang hindi kikiligin sa ganun? Hello?!
Sobrang saya ni Ann!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------