Macy's Point Of View
Sinubukan kong mag isip ng kahit na tanong pwedeng gawin. Tutal wala naman akong kasama.. Makakapag isip ako. Ano nga ba ang pwede kong gawin, para magawa ko ang plano ko.
Plinano ko kasi na hanapin yung lalaking yun. Obserbahan o tanungin. Baka kasi alam nya ang nangyayari diba? K-kasi sya ang may gawa nun sakin.
Pero pwede ding hindi, kasi nga tao sya at anghel ako..
Teka nga, ano bang iniisip ko? Kakausapin ko ang isang tao? Paano? Hindi naman nila kami nakikita kahit naririnig man lang! Tapos magtatanong pa ako? ano namang sasabihin ko sa kanya? Na anghel ako at ano? Yung patay kong puso, biglang nabuhay dahil sa kanya.
Hayy, talaga ngang nahihibang na ako. Pero, pero kailangan ko ng sagot.
Baka naman, hindi sya ordinaryong tao? Baka iba sya sa ibang tao, kaya ganun yung nangyari.. Diba? Wow.. Ang galing ko. *clap* *clap*
Kaya naman sisimulan ko na agad. Habang wala pa sina kuya.. Lumabas ako at bumaba ako..
"Haystt, di ko nga pala naisip na masyadong malaki ang buong lupa na ito para mahanap ang lalaking yun"buntong hininga ko..
"Saan ako magsisimula? Sa kaliwa ba? O sa kanan? O baka naman sa unahan? O baka naman dito? Hayystt.. Mababaliw na sana ako.. Di ko naman kasi magagawa na puntahan at daanan lahat ng daanan para lang mahanap ko sya. Sigurado ako na maya maya lang, andun na si kuya..
Saan nga ba dapat? Macy isip. Isip.. Isip... Ahhhh.. *light bulb*alam ko na. Dun sa daan na dinaanan nya kahapon, kung saan nya ako nabangga at kung saan sya natakbo. Baka sun ulit sya dumaan..
Kaya naman agad kong tinahak kaliwang daan. At nakarating ako sa harap ng isang building. "Iintayin ko na lang pala sya dito. " sabay ngiti ko.
Umupo muna ako sa may semento sa gilid ng building na ito at inintay ang lalaki kahapon. Pero habang iniintay ko sya tiningnan ko muna ang orasan sa kamay ko. 7:30 palang ng umaga. Maaga pa naman pala eh..
Umupo ako at nag antay. Habang nakaupo ako. Andaming pumapasok sa utak ko na kung ano anong bagay.
Una, kapag nakita ko sya,among gagawin ko? Kakausapin ko ba sya? Sa papaanong paraan naman kaya? Tatawagin ko sya? Tapos ano? Matatakot sya kasi kapag lumingon sya sa likod, wala syang makikita? Tapos iisipin nya pa na may multo. Sa umaga? Kung sakali naman na magpakita ako? Matatakot sya, hindi lang yun, mapaprusahan din ako dahil lumabag ako sa rules, mawawalan ako ng kapangyarihan. Lalo na din kapag ginamitan ko sya kapangyarihan..
Teka.. Walang nasabi si Ina tungkol sa pag gamit ng kapangyarihan sa tao. Noon may nabanggit si punong reyna na parang kailangang wag tulungan o wag gamitan ng kapangyarihan?
Matagal na yun kaya hindi ko na matandaan.. Haystt..
Ano nga ba ulit iniisip ko? Ayun, kung sundan ko na nga lang sya.. Tapos? Ano na? Ahhh.. Ang hirap naman nito.. Naguguluhan na ako sa dapat kong gawin.
Umupo padin ako dito.. Iniintay ko yung lalaki baka dumaan ulit sya dito. Tapos, susundan ko sya tapos. Bahala na.
8:30 na ng mapatingin ako sa orasan, hala. Baka andun na si kuya, sabi ko kasi 10 minuto lang ako mag iintay ehh..
Aalis na nga lang ako dito. Anong ipapalusot ko kay kuya? Hayy naku...
Umalis na lang ako dun at naglakad pabalik sa taas ng building. Lumilingon lingon ako sa palagid baka kasi makita ko sya. Para naman masundan ko na sya.
Kasalukuyan akong lumilingon lingon ng nay mag salita sa likod ko.. Saan ka galing ate macy? Boses yun ni......ni Jamaica... Naku lagot.
BINABASA MO ANG
Hi School Love On (Fan Made Story) *on-going*
RomanceAnyeong! Konnichiwa! Ang story na ito ay binuo ng mga taga-hanga ng "Hi School Love On" naisipan ko/naming gumawa ng sarili naming storya na inspired sa k-drama na hslo. Maraming twist ang magaganap sa storya ito. Maaaring malihis o maiba ang ilan...