Kinaon pa namin ang dalawang natitirang kaluluwa at saka kami umuwi ni Mai. Sya ang kasama ko ngayon. Madali lang naman ang ginawa namin pagkatapos kung eksena namin kanina..
Parang hindi lang kami sanay na sabay silang namatay. At magka apilido pa sila. Magkapatid ba sila? O kaya magkamag anak?
Jolinne Alonzo
18 years oldCause of death: Heart Attack
Time of death: 7:10Jonamie Alonzo
24 years oldCause of death: Cancer
Time of death: 7:10Kawawa naman sila. Bakit kasi kailangang mamatay pa nila. Eh hindi naman na dapat ganun para wala ng umiiyak.
Sa isang kwarto na kasi namin sila kinaon. Mukhang mayaman sila. Umiiyak yung mga kamag anak nya. May batang babae na mukhang kapatid nya dahil sa ate ang tawag sa kanilang dalawa. May matanda na lola naman nya.
May dalawang mag asawa na mukhang mga magulang nila. At dalawang lalaki na mukhang kasintahan nila. Kita ko din ang lungkot sa mata nilang dalawa kaya naman umalis na lang kami agad doon.
Hindi ko napansin na oras na pala naming dalawa. Hindi man lang kami nakapag bonding ng mas matagal sa huling araw namin. Mamimiss ko silang lahat. Sambit ng isa sa mga kasama naming kaluluwa.
Kambal sila kaya hindi ko alam kung sino sa kanila so jolinne at jonamie. Mag sasalita pa lang sana ako pero nagsalita naman yung isa sa kanila.
Ganito pala kapag namatay na? Kinakaon ka na ng mga anghel. Akala ko dati kapag namatay ako gagala lang ako sa lupa. Pero mali pala ako. Pero di mawala sa isip ko na sana hindi natin naranasan tong ganitong bagay. Kung sana. Mas nabuhay lang tayo ng mas matagal. Sabay patak ng luha nya.. Hindi ko maiwasang maluha at malungkot. Ni minsan hindi namin naranasan yun.
Bigla namang nagsalita si Mai. Hindi namin kayo kilala pero alam naming mabubuti kayo. Ito kasi talaga ang nakatakdang mangyari sa inyong dalawa. Pero wag kayong mag alala. Sa oras na makarating kayo sa langit. Mas mababantayan nyo na sila. Sigurado naman ako na mas masaya sila kung alam nilang masaya din kayo. Kaya wag ka kayong malungkot. Dapat naging masaya kayo. Para na rin sa kanilang lahat na nag mamahal sa inyo. Sambit ni Mai habang pinapatahan ang dalawa..
Mag sasalita sana ako para patahanin sila pero man nakita ako sa di kalayuan habang nag lalakad kami.
Ayun sya.. Ayun sya.. Bulalas ko. Hindi ko napigilan na sumigaw dahil sa tuwa at gulat. Tuwa qt gulat na nakita ko na sya..
Ayun sino ate macy? Nagtatakang tanong ni Mai. Pero hindi ko man lang sya matapunan ng tingin. Ni hindi ko na din nagawang sumagot sa tanong nya ng makita kong papasok sya sa isang building.
Basta, may pupuntahan lang ako, ihatid mo na muna sila basta mauna na kayo. Sambit ko habang automatikong lumalakad papunta dun sa lalaking hinahanap ko.
BINABASA MO ANG
Hi School Love On (Fan Made Story) *on-going*
RomanceAnyeong! Konnichiwa! Ang story na ito ay binuo ng mga taga-hanga ng "Hi School Love On" naisipan ko/naming gumawa ng sarili naming storya na inspired sa k-drama na hslo. Maraming twist ang magaganap sa storya ito. Maaaring malihis o maiba ang ilan...