Nina's POV"Ate!" Sigaw ng nakababatang pinsan kong si mica, pagkabukas na pagkabukas ko palamang sa gate ng bahay ng tito ko, kasunod nito ang 7 taong gulang na
si Jonas, magkapatid ang dalawa, anak ng kapatid ni mama na si tita loyda."Oh bakit nasa labas kayo?mahamugan kayo dito at paniguradang kakagatin ng mga lamok." Nag-aalala kong sabi sakanila, sabay akay papunta sa loob, alas 8 na kasi ng gabi. Dito kami nakikitira ni mama, dahil narin naibenta na lahat ng ariarian namin pati na bahay at lupa na naipundar ni mama mula sa pagtratrabaho nya sa ibang bansa, kaylangan talaga namin ng pera para sa pagpapagamot nya, lalo na pang chemo nito.
"Kasi po ate, si tatay umuwi nanaman ng lasing" mejo takot na sagot ni mica, habang nakahawak si jonas ng mahigpit sa kamay ko.
"Ano ba namang buhay ito oh!! Pagod na nga ako tapos wala pang dadatnan na pagkain!" Narinig kong sigaw mula sa loob ng tiyo. Paniguradomg nakainom nga ito, lagi naman talaga, sya ang tatay nina mica at jonas asawa ng tita loyda.
"Ganun ba, pagpasyensyahan nyo na muna si tatay nyo pag lasing huh, at kagayang ng lagi kong habilin sainyo, wag kayong lalapit at magpapakita sakanya pag lasing."
"Opo ate,pero kasi nagugutom napo kami" mangiyak ngiyak pang sabi nito.
"Ako din po ate" dugtong pa ni jonas na halos magpadurog ng puso ko.
" Bakit? Hindi paba kayo kumakain? Anong oras na ah. nag iiwan naman ako ng ulam na aabot ng gabi diba? At marunong kana naman ng mag saing diba mica, tsaka nanjan naman si mama" tukoy kopa sa mama ko, wala kasi ang tita ko na nanay ng 2, dahil sa trabaho nito na nagdedestino dito sa ibat ibang lugar.
"Si tita po kasi ate masama po ang pakiramdam nya,tapos yun pong ulam na iniwan nyo nakita po ni tatay at kinuha nung umuwi sya ng tanghali, at ginawa po nilang pulutan."
Napabuntong hininga na lamang ako, nagluluto na talaga ako ng pag kain na aabot na hanggang gabi dahil nga walang mag aasikaso nito para Sakanila, kahit kasi nakakakilos si mama madalas naman itong nahahapo, kayat hanggat maaari ayaw kona itong magkikilos at gumawa ng gawaing bahay, at ang tito efren naman ay napakabatugan at laging lasing..
"Halikayo, pumasok na muna tayo sa bahay, pagkatapos pumasok muna kayo sa kwarto nyo at magluluto muna ako ok?"
"Pero po nasa kusina si tatay"
" ako ng bahala mica hmmm?, sige na pasok na muna tayo"
Akay ko sa dalawa, agad ring pumasok sa kwarto ang 2, dahil narin siguro sa takot sa ama.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa may kusina, naririnig ko parin ang pagmumura at pagdadabog ng tito efren.
"Magandang gabi po ti--"
"Magandang gabi?? Anong maganda sa gabi? Ako ba e pinagloloko mo Nina?! Nasaan ang pagkain nagugutom na ako!, letcheng buhay talaga to oh!"Sabay bato nito ng kaserola sa direksyon ko.buti nalang sanay na ako sa tito ko pag lasing kung kayat Tumama nalamang ang kaserola sa braso ko na dapat sa mukha ko sana tatama. Ganun paman Napaigik parin ako sa sakit pero tiniis ko nalang at hindi pinansin.
"S-sige po magluluto nako tito" nakayuko kong sagot, at sinubukan kong igalaw ang braso kong natamaan pero napangiwi lamang ako ulit, napilay ata ako wag naman sana, baka ndi ako makapagtrabaho ng maayos kung sakali.
"Dalian mo!" Gagad pa nito "Bat hindi pa kasi kayo lumayas dito ng ina mong perwisyo at hindi naman kayo nakakatulong! Mula ng dumating kayo dito puro nalang kamalasan ang dumating samin" Litanya parin nito, napabuntong hininga na lamang ako at nagbingibingihan, iniintindi dahil sa lasing ito bukod pa sa laging ito naman ang litanya nya tuwing nalalasing sya..
BINABASA MO ANG
Lucas Anthon Moretti (MAFIA BOSS)
General Fiction"and one more thing" sabay yuko nya saakin at bulong sa tenga ko " we are far from being kind or nice guy like you think Nina,you just dont realize that you just met creatures from hell, and you should be..., you should be afraid of us, specially me...