four walled room

2.8K 76 7
                                    

NINA

Walang ibang nasa isip ko kung hindi ang malaman at makausap kung sino ang taong may ari ng lugar na ito. Ang taong tinutukoy ni Lara na tutulungan at proprotektahan ako.

Ang takot na nararamdaman ko ngayon ay kagaya ng takot ko ng gabing makilala ko si Lara, pagkatapos akong daklutin ng mga lalaking iyon ay isinakay nila ako sa isang sasakyan, iginapos nila ang mga kamay ko ng patalikod at piniringan ang mga mata.

ilang minuto rin ang lumipas bago ko maramdaman ang paghinto ng sasakyan.

Iginaya ako ng kung sino sakanila sa kung saan, hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng isang pinto.

Walang nagsasalita nino man, at ang maririnig lamang ay ang mga yabag ng mga paa.

The next thing I knew.. nakaupo ako sa isang upuan. Nakatali na ang mga kamay payakap sa upuang kinalalagayan.

Napasiklot ako sa muling pagbukas at sara ng pinto. Siguroy lumabas ang kung sino.

Katahimikan.

para bang ako nalamang ang nasa paligid. Ni kaluskos at paghinga ng kung sino ay wala kang maririnig.

Nangangatal ang buo kong katawan sa lamig dahil sa pagkabasa ko sa ulan kanina. Nararamdaman kona rin ang hapdi sa ibat ibang parte ng katawan ko,pati na ang pagkagat ng sakit sa mga kamay ko na nakagapos, ngunit mas ramdam ko ang pananakit sa bandang likod ng ulo ko.

Ito ang parteng tumama sa isang matigas na bagay ng tumumba ako sa lupa.

Sa kabila ng takot ay naisip ko na maganda na ang nangyari itong nahilo ako, mas malaking tsansa na makilala at makausap ko ang may-ari.

"Who are you?"

Napasiklot ako ng may biglang nagsalita mula kung saan. Hindi na ako nakasagot sa tanong nya.

Akala koy mag-isa na lamang ako!

Remove her blind! Sabi muli ng boses bago ko maramdaman ang paglapit ng kung sino sakin at tanggalin ang piring ko.

Ipinikit bukas ko ang nga mata para maalis ang panlalabo ng mga ito. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na tinanggal nila ang takip ng mga mata.

Unang rumehistro ang bulto ng 3 lalake sa harap ko.. at sa takot na naramramdaman ay iniiwas ko ang tingin sa kanila at inilibot sa buong paligid ko.  Puti ang kulay ng pader ng silid, may isang mesa ilang dipa ang layo saakin kung saan nakita kong nakapatong roon ang maliit na sling bag na bitbit-bitbit ko, naroroon ang ilang mga personal kong gamit at cellphone. Meron din akong mga naaninag na ibat ibang gamit, tools katulad ng fliers,gunting ng bakal,lagari, even different kinds of chain are there, at marami pang ibang mga bagay na hindi kona alam kung ano ang pangalan.hindi ko alam kung anong iisipin kung bakit nandoon ang mga iyon.dahil sa mga hitsura ng mga ito ay nahinuha kong madalas gamitin ang mga ito, para saan ay hindi ko alam.

Bukod roon at sa ilaw ay wala na akong iba pang nakita sa silid,this room is empty.

" s-sino kayo?" Lakas loob kong tanong.

"Hindi mo alam kung anong pinasok mo"ang sabi ng nasa kanan ko.

Matangkad ito, may hitsura at asyano ang pigura. Hindi ko sigurado kung filipino ito o dayuhan..kahit naba ito ay nagsalita ng tagalog.

"N-agkakamali kayo ng a-akala saakin, k-aylangan ko lang talaga ay makausap ang taong nagmamay ari ng lugar na ito" i told them pleadingly.

"One advice. Do not lie to him" seryosong sabi ng isa. At hindi ko maiwasang panindigan ng balahibo sa babalang iyon.

Lucas Anthon Moretti (MAFIA BOSS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon