NINA POV
3days...
its been 3 days since Lucas treat me the usual he does yet its like hundred days.Nakakalungkot na isiping sa loob ng mga araw na yon ay kibuan dili ako nito, oo ngat sinisigurado nitong maayos ang lagay ko... O ng bata sa sinapupunan ko, ay malamig parin ang pakinitungo nito saakin.
Kaya kahit ayaw ko man ay nalulungkot ako, na hindi dapat dahil masama iyon sa buntis na katulad ko.
"maam Nina" panandaliang napagawi ang tingin ko sa nagsalita.
Si mang Milo. Ang mayordomo sa mansion.
" ano po iyon?"
" ito napo ang gatas nyo at bitamina nyo, kaylangan nyo napong inumin kagaya ng habilin ng senor" magalang nitong sabi saakin.
Inabot ko ang baso ng gatas at kasabay ng pag subo ko sa mga tableta ay sya namang pag inom at pag ubos ko ng gatas.
"n-nasaan po si Lucas?" mabilis kong tanong pagkaubos na pagkaubos ko ng iniinom.
kagaya nga ng sinabi ko ay kahit na malamig ang pkikitungo nito saakin ay hindi nito nakakaligtaang personal na dalhin saakin ang mga pangangaylangan ko, katulad ng bitamina at gatas, ito ang kusang gumagawa niyon sa nakalipas na araw. Kaya nakakapagtakang hindi ito ang naghatid ngayon.
" patawad hija pero hindi ko alam kung nasaan sya"
"ganoon po ba.." lungkot kong sagot.
"oo hija.. Pasensya na"
Sabi nito bago abutin ang baso at umalis.
Ano kaya ang pinagkakaabalahan nito.. Tila kasi mas naging busy ito sa nakalipas na araw at pati ang mga tauhan nito ay aligaga, kahit si Lucia ay hindi ko rin nakikita at laging nakakulong ata sa laboratory nito..
Gusto ko rin kasing kausapin ito ng masisinsinan, dahil nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at pangangapos ng hininga nitong nakaraan, nais ko rin kasing samahan ako ng binata at konsultahin si Lucia para matanong kung ito ba ay normal sa buntis.
Pero mukhang kaylangan ko pang maghitay ng ilang araw bago ako kausapin man lang ni Lucas.
----------
NINA
"hi my little bean.." sabay haplos ko sa may umbok ko ng tsan. "wag mokong pahirapan hmm...mahal na mahal ka ni mama" nakangiti ko pang dagdag na para bang naririnig at naiintidihan ako nito.
Nasa may salas ako nitong mansion ni Lucas, ang 3 araw na unang hinintay ko para kausapin ako nito ay naging 3 linggo na ngayon..
At talagang halos hindi kona ito nakikita, kung dati rati ay nagpapang abot pa kami sa loob ng bahay lalo na sa paghahatid ng bitamina at gatas ko, ngayon ay hindi na, dumarating kasi ito pag tulog na ako at bago pa man ako gumising ay nakaalis na.
Kung hindi lamang ito nag iiwan ng maiksing sulat sa mesa tuwing gigising ako ay talagang iisipin kona hindi na ito umuuwi.
Its frustrating me, pero wala akong magawa..
Ng minsan ay pinilit ko itong hintayin pero nabigo lamang ako at nakatulog sa sofa, ang nakagaan lang saaking loob ng mga panahong iyo ay ng matagpuan ko ang sariling nagising sa kama kasama ito.
Pero kagaya ng mga nakaraang araw ay hindi parin ako nito halos kinakausap.
Napabungong hininga ako sa isiping yon.
Napatingin ako sa orasan, alas 11 na pala ng gabi, dapat ay tulog na ako, ako na lamang ata ang gising sa mansion.
Ngayon ay susubukan ko muling hintayin si Lucas, might be my lucky day.. Kaya kahit anong pilit ng mga tauhan ni Lucas na patulugin na ako ay hindi nila nagawa.. Kahit naba ako ay nahihiya sa sariling katigasan ng ulo.
BINABASA MO ANG
Lucas Anthon Moretti (MAFIA BOSS)
General Fiction"and one more thing" sabay yuko nya saakin at bulong sa tenga ko " we are far from being kind or nice guy like you think Nina,you just dont realize that you just met creatures from hell, and you should be..., you should be afraid of us, specially me...