Nina POV"Nina! Table 3 & 5" sigaw sakin ni Kirsa.
"Coming!" Nakangiti kong sagot.
Ilang araw narin ng makasama at ihatid ako si Lucas sa bahay. Kung ano man ang nagyari ng gabing yun ay isa paring palaisipan sakin, lalo na ng makita ko ang mga butas butas na tama sa katawan ng sasakyan na sinasakyan namin noon, pati ng ang mga yupi nito, dahil siguro sa pagbangga ng kung sino samin Na sigurado ako na sinadya, sa hindi ko rin alam na kadahilanan.
Hindi ko maiwasang magbuntong hininga. Kinabukasan rin kasi ay may ibinalitang mga sasakyang sumabog at bangkay ng mga lalake sa hiwahiwalay na lugar ngunit mga ilang kilometro lang ang layo ng bawat isa.
Lalo tuloy dumami ang mga tanong ko tungkol sakanya.
Who are you really Lucas Moretti?
"Your order maam sir" lapag ko sa mga pagkaing inorder at naglakad pabalik sa counter.
" hay salamat makakapagpahinga narin tayo" salubong sakin ni Kirsa.
Nginitian ko sya sabay aya sakanya sa locker room namin para magbihis.
Hindi ko alam king bakit nangugulila ako sa presensya ng isang tao, ang masama pa ay sa isa pang estrangherong lalake at kailan ko lang naman nakilala si Lucas.
Lucas... napabuntong hininga nalang ako.
" ang lalim nun Nina, may problema kaba?" Mejo nag aalalang tinig ni kirsa ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
" hmmm.. wag kang mag alala, ayos lang ako, i-iniisip kolang si mama" palusot ko nalang.
"You sure?"
"Oo. Salamat" isa si Kirsa sa mga iilang taong pinagkakatiwalaan ko. Alam ko at ramdam kong mabuti itong tao kahit naba kailan ko lang rin ito nakilala at nakasama.
Sabay kaming nagpaalam sa mga kasama at lumabas ng restau.
" oh pano ba yan, kita nalang tayo bukas, bye Nina and takecare!"
" sige. Ikaw din Kirsa"
Pinagpatuloy ko ang paglalakad, at hindi ko maiwasang maalala ang unang beses na nakilala ko sina Lucas, ganito rin iyon, ang oras at daan na tinatahak ko ay parehas nung araw na yon.
Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman kong parang may nagmamasid sakin, kung kayat nilingon ko ang paligid ko." wala naman ah" bulong ko sa sarili. At pinagpatuloy muli ang paglakid, ngunit sa pagkakataong ito ay mas mabilis, hindi ko alam pero iba ang kabang nararamdaman ko sa dibdib. Pumasok ako sa isang eskenita at nagkubli roon, at ilang segundo lang ang lumipas ng marinig ko ang mga yabag at boses.
Mula sa pinagtataguan ko ay nakita ko ang 4 na lalake, lahat sila ay nakasuot ng pormal na damit. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang sinusundan nila.
"Look for the girl!"
Hindi ko maiwasang panginigan sa isinigaw ng isa sakanila. Ako nga ang sinusundan nila!
Dagli akong nagtago sa pinagtataguan ko ng makita kong patungo sila sa direksyon ko. Napayakap ako sa sarili sa takot, sa takot na ngayon ko lang naramdaman dahil alam kong hindi sila katulad nina Lucas, iba sila. Tutop ko ang bibig habang nakapikit ng mariin, unconsciously thinking sa pamamagitan nito ay mapigilan ang ano mang ingay na magmumula sakin.
Oh God...
Sa bawat tunog ng hakbang nila ay nagdadagdag lamang ng takot saakin.
Halos mapalukso ako sa aking kinalalagyan ng may maramdaman akong humawak sakin, at kung hindi ko lamang napigilan ang sarili ko baka napasigaw na ako ng malakas.
BINABASA MO ANG
Lucas Anthon Moretti (MAFIA BOSS)
General Fiction"and one more thing" sabay yuko nya saakin at bulong sa tenga ko " we are far from being kind or nice guy like you think Nina,you just dont realize that you just met creatures from hell, and you should be..., you should be afraid of us, specially me...