Chapter 3

66 2 0
                                    

Dennise's POV

Na-shock talaga ako. Napalunok ako. Si V-ven. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko mapaliwanag sasabihin ko. Ang laki ng pinagbago niya. I admit pangit talaga siya dati, tapos mejo dark ang kulay, pero ngayon, siya talaga to. Ibang Ven na ata to.

"So, ano? Ni hindi mo lang ba ako babatiin? Anong nangyari?", sabi niya sakin ng pakalma.

"Dennise Loreyn?"

"H-h-ha?", agad kong pinunasan yung luha ko.

"S-si a-no kasi. Ss-si...", Napahagulgol nlng ulit ako. Sobrang komportable naramdaman ko nung sinandal niya ko sa dibdib niya.

"Si p-papa kasi eh. Ayun, 2nd day na namin dito, which means kapag umabot ng 72hours, nasa coma stage siya."

"Ahh, ookay din ang lahat. Tiwala lang, ikaw pa ba?"

Bigla akong nagitla at napalayo sa kanya. Parang nakalimutan ko yung nangyare dati.

Tatayo na sana ako ng hinawakan niya kamay ko. Nagpumiglas ako. Para lang akong bata nu? Mayayare ako kina Fana at Lewis ee.

"Sana last na nating pagkikita to. Pasensiya sa abala."

Nagmadali akong bumalik sa room. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napansin ako nung dalawang bruha kaya ininterrogate nila ako.

"So, after ng kadramahan mo ngayon ka lang bumalik?'', bungad sakin ng magaling kong kaibigan.

"Umuwi na sila mama ate, pinagpahinga ko na muna. Sabi ko malaki kna, hindi ka na maliligaw or mawawala." sabi naman ng maaalalahanin kong kapatid.

"San mo napulot yang panyo? Tumakbo ka ng walang panyo ah. Bakit may dala kna ngayon?", tanong ni Fana na parang wala ng bukas.

"Diba nagpunta ako ng chapel? Ayun, may nag-abot."

"HA?! SINO?!", sabay nilang tanong sakin.

"H-hindi ko kilala. Check ko na muna yung e-mail ko."

"Iniiba na naman ang topic, kainis ka friend. Tignan natin Lewis?", nakakaasar ang ngisi ni Fana nun.

Pero nagulat ako sa nabasa ko sa e-mail ko. Pinagrereport na ako bukas kaya napatalon ako sa saya!

"Hala! Anong nangyayare sa ate mo?"

"Ewan ko din ate Fana ee, baka naaning na. O kaya may.."

At tumingin silang dalawa saken.

"Engot, wala akong bago. Magrereport na ako sa work bukas! Wooh!!"

"So, samahan pa kita beybs?"

"Ikaw kung bet mo, bakit hindi. Nga pala Lewis, itext mo si mama kung may pasok ka bukas ha. Mag-aapply ako bukas eh."

"Sige ate, ikaw bahala."

Excited na talaga ako kaya nalibre ko yung dalawang bruha. Nakatulog ako nun, pero nauna si Fana sakin.

KINABUKASAN, umuwi muna kami sa bahay kasama ko si Fana at Lewis. Pumaosk si Lhian at si mama naman ang nagbantay kay papa.

 And nagprepare kami, naiwan si Lewis sa bahay siya naman yung magpapahinga. Kami ni Fana? Maya na, di naman uso samin yun since college.

Pagdating namin dun, ang taas ng building. WOW! Bigatin ata to ha! Automatic din yung pinto, syempre strict ang guard. Naiwan tuloy siya sa lobby, at ako lang ang umakyat. Yung secretary ang kumausap sakin sa  meeting room. Well, di ko expected na lalaki siya. Baka nga jowa siya ni Riina, haha! Anyway, kinausap niya ako. Kelangan pa daw ng training, amp. Baka daw kasi sa interior design ako ilagay. AGAD-AGAD?! Hindi ba pwedeng utility or what muna, teka choosy pa ba? haha! So, ayun nga, dumating ang boss sa wakas.

GARSH!!! Si VEN ang boss?!?! Anong nangyayari sa panahon ngayon?!

A/N: Hoho, ngaun lang ulit nakapag-update. inspiration please, dami pa gawain. :3

Promises of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon