Chapter 11

46 2 3
                                    

Dennise's POV

Hindi dapat mauna takot saken, yun yung natatandaan kong sinabi sakin ng friend ko. Sisipain ko na sana siya ng may isang lalaking sinapak siya. Napaupo yung lalaki sa sahig napatingin ako sa lalaking nagtanggol sakin. Hindi ko siya kilala!

"Okay ka lang ba miss? Ano bang ginagawa mo gabi na. Halika na, sa hospital ka ba pupunta?"

Napayakap ako sa kanya. Nanginginig talaga ako, magaan na loob ko sa taong to. At hinatid na niya ako sa hospital.

"G-gusto mo pasok ka muna?"

"Hindi na, actually, sa 4th floor lang ako. By the way, I'm Harris, just call me Harry masyadong pang-ibang country yung may 's' eh. Mag-iingat ka, sabihan mo din mga kasama mo. Marami talagang nanghahatak sa tabi-tabi tas ibebenta ka sa bar."

"A-ahh, m-maraming salamat Harry. Ako nga pala si Dennise Loreyn, just call me anything you want."

"Hm, eh kung baby kaya?"

"Haha, matanda na ko. Maraming salamat talaga Harry ha! Sige na, just see you around perhaps?"

"Wow, naunahan mo ako. Sige na, young lady."

At nag-smirk siya. Nakakatuwa talaga siya. At pumasok na ako sa loob ng room ni papa. Gising pa pala ang kapatid ko

"Ano na trabaho mo? Grabehan naman yan, OT kaagad?"


"Oo nga eh, muntik pa ko mabenta sa labas. Tsaka training kasi yun. Eto pagkaen oh."

"Akala ko wala kang dala eh."

"Nga pala, magku-quit na ko sa restaurant. 1/4 lang nun yung sahod ko sa restaurant."

"Wag ka pasilaw sa pera."

"Alam ko, makakaipon ako dun. Tsaka heller?! Ayun yung pangarap ko."

"Eh di maganda. Mas better yan kapatid."

"Oh siya, kumaen na tayo."

Nagdadaldalan kami ng kapatid ko ng biglang magsalita si papa. agad kaming lumapit, at THANK YOU LORD!!!!!Nagising na si papa sa wakas!!
Agad naming tinawag yng doctor, para naman ma-check siya. It's a good news naman daw! So, tinawagan ko si mama. Agad daw siyang pupunta pero siabi ko magpahinga na muna Ayun, nagdaldalan na kami nila papa. Hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Nagising na ako ng 8am, pinauuwi na ako ng mama sempre kasabay ko si Lewis, kasama niya naman si Lhian. Magse-celebrate kami, aagahan ko pag-uwi mamaya.

NAKADATING ako sa office ng 10AM, sobrang pinush ko talaga para naman maganda performance ko. Nag-casual attire lang ako, ay putek! yung resignation letter ko pala, agad naman ako ng bumalik sa hospital. Pagkakuha ko, agad akong nagpaalam kila mama. Paglabas ko sa lobby, nkita ko nanaman si Harry, lumapit siya kaagad sakin.

"Hey! Saan ka pupunta?"

"Papasok, pero dadaan muna ako sa office sa isang work ko, magku-quit na kasi ako."

"Tara, hatid na kita, may motor ako."

"Sorry, magta-taxi kasi ako. Ang awkward kapag naka-motor eh."

"Ganun? May kotse ako."

"I'm sorry talaga Harry, I'm in a rush."

Ang kulit talaga ng lalaking yun. Nagulat ako paglabas ko dahil andun na siya at nakasakay sa sasakyan.

"Mas malelate ka kung magtataxi ka. Hop in."

"Psh, ang pasaway neto. Sige na nga, salamat ulit."

"Ikaw kasi eh, ang kulit mo."

"Hala, hindi naman. 12NN kasi pasok ko sa company."

"Ano bang company pinagtatrabuhan mo?"


"LoVE State Company. I worked there as a Interior Designer kaso kakaumpisa ko pa lang kahapon."

"eh di malaki sahod mo?

"Hindi nu, di pa nga ako full--time. Training yun.Kapag nag-full na ko, depende na."

"Treat mo ko sa first sahod mo ha."

"Oh sure, haha! Andito na tayo. Thank you ha."

And ayun, nagpaalam na ako sa mga kasamahan ako. Pinayagan naman ako ng manager, kinult ko lang talaga, haha! And after ng kadramahan, sumibat na ako. Ang tagal ko na din dito kaso hirap talaga eh. Paglabas ko, andun pa din si Harry, cute talaga siya kaso wala talaga, ayoko mag-expect haha!

"And so? Anong nangyari young lady?"

"Maka-young lady naman to, magka-age lang naman tayo diba?"

"Oo naman, ang cute mo kasi."


"Puro ka pambobola! Tara na nga."

"Ahaha! Ang cute mo talaga."

"Lichi ka. Hatid mo ba ko?"

"Aba, ou naman! San ba banda yun?"


At nagdaldalan kami sa byahe.

"Thanks Harry!"

"Sunduin kita ulit?"

"Ayoko nga. Bawal PDA dito, kaya ko naman na sarili ko."

"Ayoko lang naman na mapahamak ka."

"Salamat talaga. Sige na, pasok na ko."

Iba talaga nararamdaman ko ng mga oras na yun. Lalo na ng makita ko si Ven sa tapat ng office. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Pogi, hot na, mayaman pa! San ka pa? Ang swerte talaga ni Kathy sa kanya. Pagkalapit ko sa tapat, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sino yun?"

"Nakilala ko lang sa hospital. Tinulungan lang ako."

"Anong nangyari sayo?"

"Wala yun, mahabang kwento masyado. Papasok na ko baka may ipagawa si Mam Kathy."

"Just answer my questions first."

"Hey! You're the CEO, it's my private life."

"CAN'T YOU JUST ANSWER MY GODDAMN QUESTION?!"


Natahimik ako dahil alam kong galit talaga siya, nakakahiya dahil nakatingin lahat ng tao samin. Hindi ako makakilos sa kahihiyan. Hindi ko alam kung tatayo o aalis na lang muna ako. Ano ba kasing problema ng taong to? Nakakainis naman. Naiiyak ako sa kahihiyan kaya, pero pinipigil ko. Okay lang mangilid wag lang tutulo.

Ven's POV

For the first time ulit, nakita kong naiiyak siya. Alam kong pinipigilan niya kaya hinatak ko nalang sya paakyat at agad kong dinala sa opisina ko. Walang imik at nakayuko lamang siya. Nagseselos talaga ako dahil ayokong may kasama siyang iba. Ano ba?! Engage na ko! I have to stop this nonsense!

"I'm sorry. I was just being so immature. Alam kong ganyan ka dahil napahiya ka. I'm so sorry."

"It's okay. Punta na ako sa office."

Tumayo siya at agad kong hinatak ang braso niya. Hindi ko alam pero, hindi ko na mapigilan kaya I kissed her in the lips.

A/N: Lame ulit, amp! Sare, busy ang peg ee, hoho. Thank You!! :))

si Harry po. ---> http://cnboicee.files.wordpress.com/2013/08/12.jpg?w=294&h=441

Promises of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon