Chapter 8

59 3 1
                                    

Dennise's POV

Muntanga lang tong lalake na to. Kada 10minutes nagtatanong ng kakainin ko. Pero sa totoo lang, I'm touched talaga.

"Okay naman na ako, baka pwedeng umuwi na ko."
"The doctor said you have to sleep atleast 8hours straight."
"Iwan mo na ako. Okay naman na ako, tsaka gabi na masyado, mag-aalala sila."
"Natawagan ko na nga kapatid mo. Matulog ka na muna diyan."
"Hindi pa ko inaantok eh. Tsaka hindi ba parang ang OA naman na ang tagal ko dito sa hospital?"
"Ewan ko. Pera-pera lang naman yan."

Ewan ko basta natahimik na lang ako. Pera-pera? May pinapahiwatig kaya siya dun sa sinabi niya?
Naupo ako sa kama at umupo naman siya sa sofa.


"So, panu ka naman naging successful ng ganyan kabilis?"
"May pinangakuan kasi akong tao. Na gagawin ko ang lahat para sa mahal niya. Nagsikap ako habang nag-aaral, at nung naka-graduate na ko, naipatayo ko ang business na gusto ko. NakKatuwa dahil sa loob ng isang taon, succesful naman."
"Eh di mayaman ka na ngayon?"
"Sapat para sa pamilya ko. Nag-iipon ako ngayon para sa pangarap ko naman para sa sarili ko. Ikaw?"
"Hm, as usual, gaya pa din ng dati. Mas mahirap nga lang kasi hindi ako makaipon lalo na ngayon sa dami ng gastusin. Tama na nga ata si Lewis eh."
"Na ano?"
"Hindi na ako makakapag-asawa. Sa kanila na lang umikot mundo at buhay ko eh. Ni hindi ko na naisipang bumuo ng sarili kong pamilya. Hindi ko na silang kaya iwan."
"Wag mong sabihin yan, marami pang naghihintay sayo.."

Natawa talaga ako sa sinabi niya. Isa kaya siya dun? Malamang hindi, sure akong may asawa na ito.


"Kamusta naman buhay pag-ibig mo?", tanong ko pero nagbago mukha niya.


"H-hmm, pwede ba? Wag na muna natin pag-usapan yan?"
"Bakit naman?"
"Mahabang kwento masyado. Magpahinga ka na."
"Ang daya neto, dali na."
"Matulog ka na."
"Di pa ko inaantok. Nabuburyong na nga ako dito. Puhlease??"
"Sige na nga, last na to ha. I'm already engage."

Tama ba pagkakarinig ko? Engage na daw siya? K-kanino? Iniwasan kong magbago expression ko ng mga oras na yun. Ang sakit lang, hala, tama ba tong nararamdaman ko?

"Oh, kanino naman?"
"Kay Kathy, you know her right?"
"Ah, yung cute mong friend. Kamusta na pala siya?"
"Okay naman. Makulit pa din. Isip-bata masyado. Actually, di ko alamkung panu kami na-engage, haha."
"Ah, so yun na pala pinag-iipunan mo ngayon?"
"Hindi ko pa nga pinaplano yun. Madami pa kong gustong gawin na hindi siya ang kasama. Masama na ko kung masama pero yun talaga gusto ko."
"Eh bakit nag-propose ka agad? Kung hindi ka pa handa, kawawa naman siya."
"Well, the truth is, ah basta. Maiintindihan mo din. Ikaw ba?"
"Hm, matagal na kong hindi nagkakalovelife, 3years perhaps? May mga nagpaparamdam, kaso hindi pa talaga ako handa."
"Bakit naman hindi ka pa handa?"
"Daming tanong lang? Basta, maiintindihan mo din."

At tinawanan ko siya. Sumimangot naman siya. Nakaganti din. :P


Ven's POV

At sa wakas nakatulog na din siya. Kinumutan ko siya. Naalala ko yung mga bagay na hindi ko nagawa sa kanya noon. Then I kissed her in the forehead. Sleep well my princess.


ISANG malakas na hampas ang gumising sakin.


"Sir, good morning! Oras na po ng trabaho!", kay ganda nga naman ng almusal ko, hampas at sigaw. Pero wala ng mas gaganda pa sa mga ngiting nakita ko sa labi niya.

Bago kami pumunta sa office, we decided na kumaen muna sa isang fastfood restaurant. Habang kumakain kami, may pamilyar na aura ang papalapit samin. Shock! si..!


Dennise's POV

Nakakatuwa kasi concern siya sa sakin, yun nga lang bilang boss at employee. Well, yeah, I'll honestly say it. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba siya or nanghihingi lang ako ng maayos na usapan sa relasyon namin na natapos lang ng dahil sa isang tawag niya na may iba daw siya. Kilalang-kilala ko siya. Alam kong hindi niya magagawa yun eh, sobrang naging loyal niya sakin, muntanga ako nu? Kaya lang, mahal ko talaga siya eh, hindi pa talaga ako nakakamove-on, pero nung nalaman kong engage na siya, halatang malabo na talaga ang samin.

Nagulat ako sa babaeng biglang nagtapon ng tubig sa mukha ni Ven. Napatayo tuloy sko dahil galit na galit ang babaeng to.

"HOW DARE YOU CHEAT ON ME?!?!", sigaw nito kay Ven. Sasampalin niya sana ako pero pinigilan siya ni Ven.

"Wag ka ngang ganyan mag-isip saken! Si Dennise yan!"
"H-ha?!" Siya ba dahilan kaya hindi ko makausap tong fiancee ko?!"

Eskandalosa ang peg ng babaeng to. Isupalpal pa sakin yung FIANCEE! Kanya na! buset!

"You're wrong! It's not like that! She's gonna work at the company! Gosh, you're scandalous! Maupo ka nga muna!"

Kalmado naman tong umupo sa tabi niya. Grabe, ang laki ng pinagbago ńi Kathy, she was so conservative as far as I can remember. Grabe lang ngayon, she's wearing sexy back dress. Natatawa talaga ko sa mga pinagsasasabi niya kanina.

"What the heck is wrong with you?!", tanong ni Kathy na mukhang di pa talaga kumakalma.
"Oh nothing. Ang laki na talaga ng pinagbago mo Kathy! And wag kang mag-alala, hindi ko aagawin yang FIANCEE mo, haha!" natahimik ako sa tingin ni Ven. Kakaen na nga lang ako, bahala silang dalawa mag-usap.

"You haven't called me for 4days straight! No text, no calls! Tingin mo ba hindi ako mag-iisip ng masama?! You're so bad!"
"Stop acting like a child. Okay, I'm sorry for what I did. It won't happen again. Magpapatext ako palagi kay Aldrin."
"Kelangan bang si Aldrin pa magtext sayo? Hndi mo ba matndaan na hinihintay ko text mo? Nagpunta ako kela tita pero hindi ka naman daw umuwi. Ano ba ko sayo?"

Nasamid ako sa tingin ni Ven. Hala,may ginawa ba ako? Makaalis na nga ako dito.


"And where are you going? I'm sorry about earlier Dennise."
"It's okay. First day of work, hmm, papatulong na lang ako kay Sir Aldrin. Enjoy your day. Mauna na ako boss."
"Wait, sasabay na ko."
"Marami pa tayong dapat pag-usapan Raven!"
"Tama si Kath, dito na po muna kayo. Good day!"


At nagmadali na kong umalis. Dumerecho ako sa desk ni Aldrin. Buti naman at maaga siya.


"Asan si sir?"
"Ah, ayun, naiwan sa restaurant, kasama ang FIANCEE niya. At madami pa daw silang pag-uusapan. So, ano ang una kong gagawin?"
"Well, let me lead you to your team."


At lumakad kami sa kabilang kwarto, wow! Is this my team? Hindi ba sobrang konti nila? Kumsabagay, interior designs lang kami. Kumbaga sa pagkaen, kami yung halos left overs na lang at minsan di pa kelangan.
May isang magandang dilag ang lumapit sa akin, siya daw si Bridgette, and may beki, wow! Siya naman daw si Agatha, Aga sa gabi, baligtad ata. And si Ate Marie, mga mid-40's na siguro.

"Nga pala Reyn, si Kathy ay kasama rin sa team na ito. So, iwan na kita ha. Sila nang bahala sayo."


At umalis na nga siya. Hinatid ako ni Ate Marie sa table ko.

Agatha: Maganda ka gurl ha, in fairness! May tatalo na kay Kathy, haha!
Bridgette: Pero mas better at maganda pa din ako.
Marie: Umayos nga kayo! So hija, since may trabaho pa ako, ikaw na bahalang mag-ayos ng gamit mo ha.

Ngumiti lang ako sa kanya. Sinalansan ko ang gamit ko. Lumapit sa akin si Agatha.

Agatha: Sobrang bet ko yang hair mo. Kulutin natin! Ang ganda nag pagka-brown, reddish-brown ha!
Ako: H-ha? Oras ng trabaho ah.
Agatha: Tapos na ko sa design ko. Hihintayin ko nlng ung maldita nating team leader, kahit i-reject niya pa ako, madami akong reserve.
Ako: Wag na po, hehe. Bale, matagal na po kayo dito?
Bridgette: Bastos na bata, wag ka ngan mag-PO! Lalo kaming tumatanda ni Aga!
Agatha: Maka-Aga tong babaeng to! Sampalin kita jan, baka gusto mong dila mo na lang kulutin ko!

At nagbangayan sila. Isang malakas na pagbukas ng pinto ang nagpatahimik sa kanila at dahilan ng pagtitinginan namin.


A/N: Pambawi po! haha! Bukas ulit? Try po!! Salamat lalo na sa ate kong nagagalit dahila ng bagal ko daw mag-update, haha! :D

Promises of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon