Chapter 22

42 2 0
                                    

Dennise's POV

Nagising nanaman ako sa hindi pamilyar na lugar. Rose? Parang country style ang kwarto, Ghad! Nasaan na naman ako, putek, mare-rape na ko neto eh. naglakad ako sa kwarto, i saw a very deliquent lady. Wow, ang ganda niya talaga, swear. Nakakadala yung mata niya, sobrang nakaka-amaze!

Lumabas ako ng kwarto, there was an old couple.

Lola: Nagising ka din sa wakas.

Ako: P-po? Paano po ako nakapunta dito? Salamat nga po pala sa pag-asikaso sakin.

Lolo: Kumaen  ka na muna, hija.

Lola: Halika at saluhan mo kami.

Ako: Salamat po. Anong lugar po ito?

Lolo: Nandito ka sa barn namin.

Ako: Ah, salamat po sa pag-alaga.

Lola: Wala yun, hindi bale. Kumaen na tayo.

Habang kumakaen ay kinuwento ko na sa kanila ang nangyari.

Lola: Alam mo ba hija? Halos kasing edad mo lang ang apo kong nawawala?

Ako: Talaga po? Kelan pa po nawawala?

Lolo: labing siyam na taon na ang nakakalipas. Nagkagulo kami ng magulang niya, inilayo sila. At simula nun nawalan na kami balita sa kanila. 22 na siya ngayon hija.

Lola: Mikay ang palayaw niya. Masyadong strikto ang magulang, namana sa kanya kaya matitigas ulo ng mga anak niya.

Ako: Ganun po ba? Nasa sa kanila naman na po kung magsusutil sila o hindi eh.

Lola: Sana nga hindi makitid ang utak nun, kaso sobrang wala.

Ako: Ganun po ba? Meron po ba kayung larawan niya? PAra kapag nakadating ako sa Maynila, hahanapin ko siya.

Lola; Naku, salamat! Maraming salamat.

Lolo: Paano ka nga ba nakapunta dito?

Hinatid ako ni lolo Mario sa syudad, sumakay lang daw ako bus ang makakarating ako sa gusto kong lugar.They are very kind, as if sobrang sabik sila sa kasing edad ko. Babalikan ko sila.

Nakasakay na ako ng bus, kinakabahan ako. Para akong pulubi, walang cellphone, walang pera, salamat nga kila Lolo Mario at binigyan ako pantulong daw. Huminga ako ng malalim at sumilip sa bintana, presko. Eto nanaman ako eh! Walang kinatatakutan! Basta, kakayanin kong ipagtanggol ang sarili ko, ako to eh! Wag lang talaga ako hampasin sa likod.

Nakarating din ako sa police station, at agad na tinawagan ang contact number na binigay ko, aba ewan kung kanino yun, parang nag-mix kasi mga numero sa utak ko.

Halos isang oras din akong naghintay, nagulat ako sa nakita ko. Dumere-derecho si Ven sa counter, tila may hinahanap, nakakatawa yung itchura niya kaya tataguan ko siya.

Nagpalinga-linga naman siya, ahaha! Nung parang nakahalata na siya, agad niya kong sinunggaban, akala niya ata ibang tao ako.

"A-araayyy!!"

"Pasensiya, D-Dennise?! For pete's sake!!" at agad niya akong niyakap. Naiiyak ako dahil ramdam kong safe ako.

"May nangyari ba sayo? Ano? Nakakulong na si Michaella ngayon."

"Salamat. Pasensiya ka na ha. May dalawang matandang mag-asawa ang nakakita sakin sa parang bundok, tas ayun nag-kwentuhan kami. Ilang araw din daw akong tulog at hindi kumakain. Nilalagnat pa daw ako."

Promises of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon