Chapter 7

57 1 0
                                    

Dennise's POV

Ang sakit talaga ng ulo ko. Teka, asan nga ba ako? Napatingin ako sa gilid ko, may nakaupo sa tabi ko. Parang hospital na normal lang na kwarto lang ang lugar na to.

"Gising ka na pala."

Napamulat ako ng bongga ng marinig ko ang boses na yun.

"B-bakit ka nandito?"

"Huwag ka munang tumayo diyan. Magpahinga ka muna. Napakapabaya mo talaga sa sarili mo, alagaan mo naman sarili mo."

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?"

"Overfatigue, naintindihan mo?"

"Sorry. Teka, anong oras na?"

"Umaga na.", sabay ngiti niya. Ano nanaman to? Pero teka, umaga na daw?!

"Anak ng kamatis!! Uuwi na ko!" Nagmamadali na ko pero humagalpak pa ng tawa tong mokong na Ven na to!

"Napakaepal mo talaga!! Uuwi na ako! Magkano bayad?"

"Donchuwori, bayad na yang expenses mo. Tsaka gabi pa, I have contacted your sister."

"Sino?"

"Si Lewis. Sinabi ko nagpapahinga ka. Kaya ikaw, umayos ka. Magpahinga ka na muna jan."

At inihiga na niya ako. Iniwan niya ko sa loob. Makatulog na nga lang ulit, baka lalong hindi ako makalabas.

Ven's POV

Hay naku, napakapabaya sa sarili ang babaeng to. Hindi ko na alam gagawin. Bilan ko nlng muna siya ng mga prutas.

Nakarating ako sa palengke malapit sa hospital kung san siya naka-stay.

Halos 1st time ko ulit ang mamalengke. May nakita akong ponkan at kiat-kiat na alam kong paborito niya talaga.

"Para ba sa naglilihing misis yan hijo?"

Natawa talaga ako sa sinabi ni kuya.

"Ah eh, hindi po. Para po sa kaibigang nasa hospital. Eh paborito po kasi tong prutas na to."

"Ah, sige hijo. Pumili ka na, dagdagan na natin ng libre para sa future na anak niyo naman", at ngumiti ito ng nakakaloko.

"Naku, hindi po. Kunin ko na po to manong ha, eto pong bayad."

At bumalik na ako. Grabe, sobrang tagal ko na atang hindi nakakapamalengke. Nung nanganak naman asawa ni kuya, si Aldrin inuutusan ko.

Natutulog siya ng mahimbing pagdating ko. Para siyang bata na kelangan pa ng bantay.

Lumapit ako sa tabi niya. Grabe, 3years ko siyang hindi natitigan ng ganito. Sa tagal ng panahon, nagbago na kaya nararamdaman niya saken? Galit kaya siya ng dahil sa pag-iwan ko sa kanya?

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya. Nagising ko pala siya.

"Kanina ka pa dumating?", sabay kamot niya sa mata niya.

"Medyo. Ramdam mo pa pagod mo?"

"Hindi naman na, baka pwede na kong umuwi. Dun na lang ako magpapahinga."

"No, I'll take care of you here. Kahit pa for a short period of time yan."

Ano bang pinagsasabi ko?


A/N: Awts. 3days na walang update. How are you guyses? Update ulit tom, pambawi. ;)

Promises of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon