Mayu's P.O.V
It's been a week nang malaman namin ang tungkol sa arrange marriage ni Flo kay Ski. Ang mas nakakagulat naging close na sila sa isa't isa. Simula noon naging less cold si Ski at nakikipagusap na sa amin. Syempre lahat kami nagulat.
Isa pa yung tawag nila sa isa't isa is by their second name. Kami lang nakakaalam ng second name ni Flo. Kaya nung isang araw nung tinawag ni Ski si Flo ng Christina nagulat talaga kami pati sina Luke at yung bakulaw. Di nila alam yun. Nagulat rin kami nung tinawag naman ni Flo si Ski ng Lance. Napasigaw pa nga kami nun...
LANCE?!
Hahaha. Di rin alam nina bakulaw yun. Kaya ayun naging close na sila.
"Flo una na kami." sabi ko.
"Oo nga Flo" sabi naman ni bakulaw. Yup. Flo na rin ang tawag nina bakulaw kay Flo, yun kasi ang gusto ni Flo. Ako hindi ko pa rin sila hinahayaan na tawagin akong Mayu. Except lang sa bakulaw na toh! Yumi pa rin ang tawag sa akin.
Nauna na kami ni bakulaw. May practice kami ngayon. Pati sina Rin at Luke nauna na, may practice rin sila. Nakapasok si Rin sa Music club eh.
May School Fest kasi. Maglalaban laban ang iba't ibang school. Maraming kinds ng competition ang gaganapin.
Ako, magprapractice para sa laban namin sa volleyball.
Itong bakulaw na katabi ko ay magprapractice ng basketball.
May laban kami bukas. Yup. Nakapasok ako sa varsity. Hehe. Magaling ako eh. Hehehe. De joke.
Habang naglalakad kami bigla siyang umakbay sa akin. Psh. Inalis ko yung kamay niya at sinuntok siya sa braso.
"Ouch!" sigaw niya.
"Psh." sabi ko at dumeretso na sa locker room.
Pagpasok ko sinalubong ako ng mga teammates ko.
"Yo!" sabi ni Jen, isa sa mga player namin. 4th year rin siya, pero simula nung 1st year pa lang siya kasama na siya sa varsity.
"Hi Jen" sabi ko at nginitian siya. Pumunta na ako sa locker ko at kinuha ang aking jersey. Sinuot ko ito agad.
"Hi Mayumi! Grabe naiingit talaga ako sayo" sabi ni Anne, grade 11 na yan. May K-12 kasi sa school namin. Well, sa lahat naman yatang school.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
"Ang ganda ng katawan mo! Parang hindi ka player! Para kang model!" sabi niya tumango naman yung iba.
"Hahaha! Ano ka ba? Maganda rin naman ang katawan mo ah." totoo naman eh. Maganda siya. Marami kaya yang manliligaw.
"Haha! NAMAN!" psh. Baliw talaga si Anne. Natawa na lang kami.
Pagkatapos magbihis dumeretso na kami sa gym. Maraming tao sa gym, baliw ba tong mga toh? Practice lang naman. Psh. Gusto lang nila makita yung mga crush nila.
Pagpasok namin, napatingin yung ibang students samin.
Ayan na ang Royal V-Lions!
Ang ganda nila!
Grabe si Mayumi Rodriguez! Maganda na nga kasama pa sa varsity! Perfect!
Ang ganda ni Anne.
Ang cute ni Jen.
Pulos ganyan ang naririnig namin. Dumeretso na kami sa court.
"Let's start!" sigaw ni captain si, Andrea. Magaling siya, kaya nga naging captain siya. Maganda siya, marami ring nagkakagusto jan. Kaso may bf na siya si Mark Vir Delaso.
BINABASA MO ANG
To Love You
Teen FictionWhat is the word "change"? Ano nga ba ang ibig sabihin ng "change"? Posible kayang ang isang taong... Ayaw sa lalaki. Hindi naniniwala sa pag-ibig. Ayaw nang umibig. Ay maging isang taong... Masaya kasama ang lalaki. Naniniwala sa pag-ibig...