Rin x Luke

19 3 1
                                    

Rin's P.O.V

Hayyyyss!!

Ganun pa rin. Hindi niya pa rin ako pinapansin. Parang hindi niya ako kilala. Naging playboy ulit siya. Araw araw iba ang kasama niya.

Noon si Jen, sunod si Mira, sunod yung Lika, sunod Pie, at marami pang iba. Juiceko! Ang dami kaya! Yung iba nga di ko na maalala!

Yung iba, kundi makapal ang make-up, kulang naman sa tela ang mga damit nila. Grabe lang.

Hey! Baka iniisip niyong bitter ako ha! Hindi sinasabi ko lang ha! Don't judge me!

Baliw lang noh? Don't judge me, pero kung makapaghusga ako ng mga nagiging babae ni Luke, wagas!

Hayyysss! EARTH! WHAT'S HAPPENING TO ME?!

"Ouch!" tch. Ayan kakaisip ko may nakabunggo na ako. Pagangat ko ng ulo ko, nanlaki ang mga mata ko.

Gusto niyo malaman kung sino? Si Luke. Kung minamalas nga naman oh. Ang cold pa ng tingin niya.

"A-ahhh s-sorry" nauutal kong sabi. Why am I even stuttering? Anong meron?

He just looked at me. Nakakapanibago nga eh. Yung tingin niya parang sinasabing...'I-don't-care-about-you'

Ang sakit lang. Ayun bumalik na siya sa ginagawa niya. Tch. Ngayon ko lang napansin na may babaeng mukhang koneho dito.

Yung babae tinarayan pa ako tapos bumalik na sila sa pakikipaghalikan. Seriously?! Nandito pa ako!!!!

Napatungo na lang ako at nagsimula nang maglakad. Di ko namalayan...

I'm crying...AGAIN.

__________________________________

Luke's P.O.V

I'm here with... ummmm....sino nga ba toh?

Jaqui? Jane? Mane? Aisshhhh! Whatever!

"Saan tayo pupunta mamaya, sweeetie?" tanong niya sa akin. Grabe? Sweetie? Psh. Ang baduy! Kasing baduy ng mukha niya! Ang kapal ng lipstick, parang nakakain ng sandamakmak na lipstick!

"Wherever you want sweetie" sabi ko. Tck. Nasabi ko tuloy yung word na sweetie! Yuck!

Few seconds later, naramdaman kong may bumangga sa akin. Pagtingin ko, nagulat ako pero hindi ko iyon pinahalata.

Bakit pa? Hindi niya kayang kalimutan ang lalaking yun, ibig sabihin, imposibleng mahalin niya ako.

Kaya eto ako ngayon, balik sa dati. Ang dating umaasa na mahalin siya ng unang babaeing minahal niya ay bumalik ulit sa isang taong nagpapaasa.

Call me what you want but I don't care anymore.

"A-ahhh s-sorry" nauutal nitang sabi. Tck. Alam kong naiilang siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ko na lang ang pansin ko sa babaeng kasama ko ngayon. Aishhh...ano ba kasi pangalan nito?

Nakita kong inirapan niya si Rin pero hindi na rin ako nagreact kasi hinalikan na ako nitong babaeng toh.

Naramdaman kong umalis na siya.

Rin, sorry. Sorry kung naging ganito ako. Kailangan ko kasing makalimutan ang nararamdaman ko para sayo kasi alam kong wala akong pagasa sa iyo. Sa puso mo.

I know, wala akong karapatan na sabihin ito kasi ako mismo ang nangiiwan at nagpapaasa sa iba.

Pero, wala na akong pakialam. Kasi hanggang nasa puso at isip mo pa rin siya hindi ako pwedeng pumasok sa puso mo.

To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon