Meeting them

14 2 0
                                    

Flo's P.O.V

Ako si nga pala si Flo. Flora Lopez ang buong pangalan ko. Oo, Lopez ang last name ko. Tatay ko ang may ari ng Lopez Co.

Pauwi na kami. Ako ang nagdridrive habang itong dalawa kong kasama may sari-sariling mundo. Yung katabi ko, si Mayu. Nasa likod naman si Rin.

Nakarating kami agad sa bahay. Buti walang traffic.

"Ako na ang magluluto" sabi ni Rin. Tumango na lang ako.

"Magpapalit lang ako. Tutulungan kita Rin" sabi naman ni Mayu. "Magpahinga ka muna Flo. Kami na dito, ikaw na ang nagdrive eh."

"Sige" pagkasagot ko noon, umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbihis muna ako ng pangbahay, sabay upo sa may study table. Hay! Homework time. Okay lang. Sanay naman ako eh. Hehe.

*after 10 minutes *

Nang matapos ako sa pagsagot ng homework, nag-advance na ako sa mga lessons namin. Ganito talaga ako pag wala akong magawa.

*after 30 minutes *

Nagstretch ako ng kamay.

"Hay! Nakakapagod. Hmmm...ano kaya gagawin ko? " tanong ko sa sarili ko. Sakto namang may kumatok sa pintuan.

"Flo! Kain na!" sigaw ni Mayu.

"Okay! " sagot ko. Tumayo agad ako at lumabas ng kwarto. Bumaba agad ako at pumunta sa dining room. Nakahanda na ang pagkain at paupo na sila. Umupo agad ako.

Wow! Ang sarap naman! Nakakatakam. Kumuwa na agad ako ng pagkain. Sumunod na lang sila. Kumain na kami. Grabe! Ang sarap talaga!

Pagkatapos namin kumain, nagligpit na kami. Ako na ang naghugas. Wala kasi ang mga maids namin ngayon, pinagbakasyon muna namin. Kaya kami ang gumagawa ng mga gawain nila.

Natapos na kami kaya nagsiakyatan na kami sa sari-sarili naming kwarto. Pumunta ako sa may window at nagbasa na lang ako ng libro.

*after 30 minutes*

Sinarado ko na yung libro ko at natulog na ako.

*Kinabukasan*

kringggg

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Pinatay ko ito at tumayo na ako. Naligo ka agad ako. Nagbihis na rin ako at nagmadali na akong bumaba. Nagluto na ako ng breakfast. Patapos na ako ng biglang bumaba si Rin.

"Good morning" bati ko kay Rin.

"Good morning " bati niya naman sa akin. "Si Mayu? " tanong ko.

"Wala pa. Tulog pa rin" sagot ni Rin.

Hay! Tulog pa rin si Mayu! Tulog mantika talaga yun. Nakakainis!

"Pakitawag nga si Mayu" utos ko kay Rin. Nag-frown lang siya. "Sige na"

"Ayaw ko" yan lang ang sagot niya sa akin. Hay!!!

"Ako na nga!" sabi ko. Naiirita talaga ako sa mga toh! Umakyat na ako sa taas at dumertso sa kwarto ni 'Sleeping Beauty' Pagbukas ko ng punto. Ayun tulog mantika.

Lumapit ako sa kanya. "Hoy! Gising na!" sigaw ko kay Mayu. Napaupo tuloy siya. "Tulog mantika ka talaga Mayu"

"Sorry" natatawa niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. I gave her an hurry-up-look. Nakuwa naman niya dahil tumayo agad siya at tumakbo sa banyo. Bumaba na ako para makakain na ako. Nakita ko si Rin na kumakain. Aba! Hindi man lang naghintay.

"Nagising mo ba? " tanong niya sa akin. Inirapan ko lang siya. Nakakainis siya. Ako na ang gumising kay Mayu tapos di man lang ako hinintay. Bastos na bata.

Narinig ko pa siyang tumawa. Ewan ko sa kanila. Sumasakit ulo dahil sa kanila. Magsama silang dalawa. Kumain na lang ako.

Patapos na kami kumain nang makababa si Mayu.

"Bilisan mo! " sigaw ko sa kanya. "Malalate tayo"

Sinunod niya ang sinabi ko. Nagmadali na siyang kumain.

Pagkatapos kumain, umalis agad kami. Nakarating naman kami agad sa school. Bumaba na kami ng kotse. Katulad kahapon pinagtitinginan nanaman kami. Dumeretso na lang muna kami sa locker namin.

"Ano subject meron tayo ngayon? " tanong ni Mayu.

"Chemistry" sabi ko.

"Nanaman! " angal ni Rin. Natawa na lang kami ni Mayu. Tamad talaga mag-aral.

Nang makuha na namin lahat ng kailangan namin. Sinara na namin yung pinto ng locker namin. Paalis na sana kami nang biglang may bumunggo sa akin kaya nalaglag ko lahat ng gamit ko. Hays!! Ano ba yan!

"Sorry! Di ko sinasadya! " sabi ng bumunggo sa akin.

That's the time we met the three people who'll change our lives.

To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon