Luke's P.O.V
Pagkatapos nung ginawa kong 'concert' bumalik na lahat ng estudyante sa kanilang mga classroom.
Hinatid ko na rin nun si Rin sa klase niya. Sa wakas! Bati na kami.
The truth is, hindi ko talaga kaya na galit siya sa akin. Di ko rin alam eh. Pero sa loob noong tatlong araw na hindi ko siya kasama, bigla na lang akong nalungkot. I felt incomplete. Ang sakit.
Kaya ginawa ko ang lahat, mapatawad niya lang ako. That was the first time I did that kind of thing just for a girl.
Na gumawa ka pa ng ganito para lang patawarin kita. Wala pang gumagawa ng ganito para sa akin. I felt special
Tama si Rin, she's special to me. The past three days, that's when I realized how important she is to me.
She's different from other girls.
I don't know why but I don't want her to leave me. It hurts.
Medyo natuwa nga ako na may nalaman ako tungkol sa kanya kahit papaano.
Her past.
Natuwa ako nung maalala ko yung sinabi niya kanina.
"And thank you for changing that song"
"That song for me was a reminder of my pain. My pain from my past. My pain when that person broke my heart. But now, that song reminds me of..."
"You."
Hindi ko makakalimutan ang mga salitang iyon.
"Uy! Luke!" napatigil ako sa pagiisip nung tawagin ako ni Jay.
"Huh?" yun lang ang naisagot ko. Oo nga pala, nandito kami sa hallway, nakatayo lang at naguusap. Walang klase ngayon diba? Practice lang.Mamaya pa practice namin ni Rin My Loves eh.
"You're spacing out" napatingin ako kay Ski. Medyo nagbago na talaga toh. Mas madalas na siya magsalita kesa sa dati. Akala nga namin ang salitang 'tch' lang ang alam niya. Pero! Hindi yun yung point! Natutulala nanaman ako! Psh. Hindi ko kasi makalimutan yung pangyayari kanina.
"A-ahhh" psh. Wala akong mahanap na tamang isasagot sa kanila. Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil yun kay Rin. Baka asarin nila ako at sabihin na inlove na ako kay Rin. Wait, may gusto nga ba ako kay Rin? Arghhh!!! Lalong gumugulo yung nararamdaman ko!
"Psh. Iniisip mo lang si Rin eh" nanlaki yung mga mata ako sa sinabi ni Jay. Napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya sa akin. Minsan may power itong si Jay na makapagbasa ng iniisip ng tao. Psh.
"H-hindi noh!" sabi ko. Sira ulo lang noh? Naging defensive tuloy ako. Hayy. Lalo lang nahalata.
"Psh. Denial." sabi naman ni Ski. Natawa pa si Jay. Bwisit tong dalawang toh. Pagtulungan ba naman ako.
"Psh. At least I didn't deny that I'm already feeling something for a certain girl, unlike some people here." sabi ko sabay tingin sa kanila. Nanlaki naman yung mga mata nila. Hah! Bullseye! Akala nila hindi ko mahahalata hah! And yes, inaamin ko na may nararamdaman ako para kay Rin pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano yun.
"NO! I'M NOT!" sabay nilang sabi. Psh. Namumula sila. Haha. Mga bakla!
"Denial" bulong ko pero alam kong narinig nila. Lalo silang namula. Hahaha. Ngayon ko lang sila mapagtripan ng ganito!
"Tch" yun lang ang sinabi ni Ski, tapos umiwas ng tingin. Halatang namumula talaga siya. Akalain niyo yun? Isang Ski Hillford ay namumula? Greatest discovery of mankind! Hahah
BINABASA MO ANG
To Love You
Novela JuvenilWhat is the word "change"? Ano nga ba ang ibig sabihin ng "change"? Posible kayang ang isang taong... Ayaw sa lalaki. Hindi naniniwala sa pag-ibig. Ayaw nang umibig. Ay maging isang taong... Masaya kasama ang lalaki. Naniniwala sa pag-ibig...