Jay's P.O.V
Naiwan akong nakatayo dito. Gulat na gulat. Anong ibig niyang sabihin?
Umupo ako sa sofa. Napahawak ako sa ulo ko.
Fake feelings?
Fake smiles?
"Arghh! Ano ba toh?!!!" sigaw ko sabay gulo sa buhok ko. Ano bang nangyayari?!
"Yumi...anong ibig mo sabihin?" buling ko sa sarili ko.
"Uy, Jay!" napatalon ako sa gulat. Tiningnan ko kung sino nagsalita.
"G*go ka talaga Luke!" sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan.
At kung mamalasin ka nga naman, nakailag ang ugok.
"Uy, grabe ka ha! Ano bang ginawa ko sayo at bigla bigla kang nambabato ng unan?!" galit niyang sigaw.
"Eh sira ulo ka pala eh.! Bakit kailangan mong manggulat?!" sabi ko sabay bato ulit ng unan.
At ang ugok, nakaiwas nanaman.
"Di ko naman alam na nandyan ka eh. Hinahanap ka kaya namin. Di na kasi kayo bumalik ni Mayumi" at dahil doon naalala ko nanaman ang sinabi ni Yumi kanina.
"ARAY!!" sigaw ni Luke pagkabato ko sa kanya ng bote ng coke, kailangan pa talaga na bote ng coke ang ibato ko sa kanya, para lang tumama sa kanya noh?
Tumayo na ako at umalis. Iniwanan ko na dun si Luke na galit na galit.
Yumi, anong ibig mong sabihin?
___________________________________
The next day...
Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.
Kaninang umaga ko pa nga hinahanap si Yumi eh, pero hindi ko siya makita. Pati nga sina Rin, hindi alam kung nasaan si Yumi.
"Jay" napatingin ako dun sa tumawag sa akin. Si Ski.
Nandito kami ngayon sa tambayan. Nagskiskip ng klase.
"Oh?" tanong ko.
"May problema ka ba?" hindi agad ako nakapagsalita.
"W-wala" sabi ko.
Bigla na lang ako nakaramdam ng sakit sa ulo. Tiningnan ko si Luke.
"Bakit ka ba nangbabato jan?!"
"Ganti lang yan pero kahit galit ako sayo sana naman may nagawa yang bote na yan sayo. Sana naman matauhan ka, na may kaibigan ka pa rin dito"
Natulala ako sa sinabi ni Luke. Bakit di ko naisip na tanungin sina Ski at Luke?
"Ano kasi-"
"Jay! Luke! Ski!" nabigla kami nang may biglang bumukas ng pinto.
Sina Flo at Rin. Wala si Yumi.
"Bakit Rin my Loves?" taning ni Luke.
"Hinahanap lang namin kayo. " sabi ni Rin sabay upo sa tani ni Luke. Si Flo naman sa tabi ni Ski.
Ako na. Ako na walang kapartner.
"Diba dapat nasa klase kayo? Bakit kayo nandito?" tanong ni Ski.
Nag-roll lang ng eyes si Flo.
"It's already lunch break for your information"
Nagulat naman kami. Lunch na? Ang bilis naman.
Bigla kong naalala.
"Nasaan si Yumi?" bigla naman silang tumingin sa akin.
Bigla na lang silang ngumisi. I don't like where this is going.
BINABASA MO ANG
To Love You
Teen FictionWhat is the word "change"? Ano nga ba ang ibig sabihin ng "change"? Posible kayang ang isang taong... Ayaw sa lalaki. Hindi naniniwala sa pag-ibig. Ayaw nang umibig. Ay maging isang taong... Masaya kasama ang lalaki. Naniniwala sa pag-ibig...