Snow Anderson's POV
It's been one week simula nung nag-transfer ako sa Southern Seven High at isang linggo na din ang nakakaraan at wala pa din akong kaibigan.
Mukha ngang may problema ang tao dito sa pakikipag-kaibigan.
Ilang beses na akong nag-approach sa mga classmate ko. Kagaya na lang ngayon.
"Hi, may partner ka na ba sa project na gagawin natin sa History?"
Tanong ko sa nakaupo sa unahan ko na lalaki. Nerd siya kaya akala ko madaling makipagkaibigan sa kaniya. Kasi nga wala din naman sa kaniyang nakaka-usap na iba eh. Kaya akala ko loner din siya.
Pero, mali pala ang akala ko.
"Uy, Jonathan tara na sa library para sa history natin."
Alanganin na tumingin sa akin 'yung Jonathan. Mukhang may ka-partner na siya.
"Ah, sorry kasi--",
"No its okay. Sige."
Tapos nauna na ako sa dalawa. Buti pa siya may kaibigan samantalang ako wala. Bakit kasi ayaw nila akong kaibiganin?
Naglakad lang naman ako ng naglakad hanggang sa madaanan ko ang dalawang babae na nag-uusap.
"Hindi ba Anderson siya?"
"Oo."
"Edi kapatid niya si Prince Anderson?"
"Tumpak! Siya na nga!"
Napatingin ako sa kanila at agad naman nilang iniwas ang tingin nila at umalis na.
Kahit di nila sabihin, alam kong natatakot sila. Aba! Ikaw ba naman ang magkaroon ng kapatid na Gangster eh.
Kaya nga sa probinsiya na lang ako nag-aral eh. Kaya lang ang magaling kong kapatid pinabakik pa ako dito.
Ngayon! Paano ako magkakaroon ng kaibigan kung dala-dala ko ang pangalan ni Kuya?
Oo gangster ang kuya ko, pero matagal na 'yun. Ngayon siya ay nagtatrabaho na sa pinamanang business ng magulang namin. Pero kahit na ganoon. Madami pa din ang takot sa kaniya. At pati ako nadadamay.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa dulo ng school.
Ngayon lang ako nakarating dito, at ngayon ko lang nalaman na may bahay pala dito.
Paano nangyari 'yun?
'Yun na lang ang natanong ko dahil nakakabigla!
May ganito pala dito. At napakalaki pa ng bahay, parang mansyon na nga eh. Tapos napansin ko mayroon din gate dun sa gilid palabas. Mukhang short cut ito para makalabas at hindi na dumaan sa main gate.
Dahil sa curious ako, eh pinasok ko 'yung bahay. Nag-ala akyat bahay gang naman ako sa pagliban sa bakod nito.
Easy lang naman sa akin eh, sanay na ako. Sa probinsiya palagi akong nanliliban sa bakod ng kapit bahay para kumuha ng mangga.
Pero pagkalapag na pagkalapag ko sa lupa ay isang malakas na malakas na kahol ng aso ang sumalubong sa akin.
"Grrrrrrrrrr, grrrrrrrrrr"
Napalunok naman ako ng malalim. Ang laki nito, napakalaki ng aso. Bulldog ang isang ito.
"Grrrrrrrrrr. Grrrrrrrrrr. Awr! Awr! Grrrr."
BINABASA MO ANG
Snow And The Seven Demons (ON-HOLD)
RandomMeeting them (Seven Demons) gives nothing but bad luck, becoming their slave was not my choice, but staying with them and becoming their friend was beyond my control. -SNOW ANDERSON