SATSD#5

0 0 0
                                    

Snow Anderson's POV

Week pass and same old routine lang ang nangyari. Palagi na lang may kamalasan na nangyayari sa akin.

At lahat ng iyon ay kagagawan ng Pito. Hindi ko nga alam kung nakakailang ligo ako sa maghapon. Kung ano ano kasi ang ibinabato nila sa akin.

Pag hindi itlog, harina. O kaya naman timba timbang tubig. Minsan inihuhulog nila ako sa pool buti marunong akong lumangoy.

Minsan naman Putik ang ibinabato sa akin, o kaya bilog ng papel. Minsan din may kung ano ano na nakadikit sa akin.

Mga papel, signs, pintura, lahat na ng kalokohan nagawa na nila.

Para akong laruan ng whole school kasi lahat sila kasali laban sa akin. Para bang wala nang matinong magawa ang mga ito.

Kahit nerd nakikisali sa pambubully sa akin. Minsan nga naisip ko na humingi na ng tulong kay Kuya. Kaya lang, ayoko naman nga kasi na maging Killer ang Kuya ko. Kasi sigurado may isang batalyong resbak 'yan.

Paminsan minsan naman pumunta ang Seven sa bahay at hanggang bahay ay binubwisit ako. Ginawa pa nilang alarm ko ang boses nila na sinasabing 'Suko ka na?'

Parang naisipan ko na tuloy na sumuko. Pagod na pagod na kasi ako eh. Sobra.

Kaya ito, kahit na hinang hina ako ay nagpunta ako sa lungga ng mga demons. Kahit na pa sabado at free day ko. Feeling ko lalagnatin pa ako.

Nagdorbell naman ako ng isang beses. At sabay sabay silang lumabas sa pinto at nginisian ako ng pang demonyo. Kahit na mainit ako. Ginantihan ko pa din sila ng ngisi. Pero for sure kakaiba ng ngisi ang ginawa ko. Nahihilo na kasi ako.

"Come in."

3rd person's POV

Ang pagdating ng babaeng nasa unahan nila at nakaupo sa sofa ay ang pinaka huli nilang inaasahan.

Lahat sila nakatingin lang dito at inaantay na magsalita. Kahit na ang inaantok na si Nate pinipilit na gumising, at ang mahiyain na si Casper ay nagbalot na lang ng kumot para hindi makita ang mukha niya. At itinigil din naman ni Hanz ang pagla-laptop kahit na may importante itong ginagawa. At maging ang may sakit na si Codey ay bumaba sa kwarto niya para makita ang babaeng ito.

At ang nagtatalong si Drew at Ped ay isinantabi muna ang away at lumapit kay Snow.

"So Snow, anong masamang hangin ang nagtulak sa'yo para pumunta dito?"

Tanong sa kaniya ni Codey. Ang inakala niyang si Kamatayan nung una siyang makapunta sa bahay ng mga demonyo.

Hindi naman agad nakasagot si Snow dahil sa pag-ikot ng kaniyang paningin. Nahihilo talaga siya. At bumabaliktad na din ang sikmura niya.

"Ped, she's not talking."

Nakangiti na naman na sabi ni Drew. Mas lalo lang naman umikot ang paningin ni Snow ng makita niya ang mapuputing ngipin ni Drew.

Bakit ba palagi na lang itong nakangiti?

Tanong niya sa sarili niya sa gitna ng pagikot ng paningin niya.

"Look Miss Anderson, walang mangyayari kung hindi ka diyan magsasalita--"

Bago pa man matapos ni Ped ang sinasabi ay sumingit na si Snow.

"I give up."

Lahat naman sila ay napatulala sa dalaga sa harapan nila. At si Snow naman ay anytime ay babagsak na dahil palala lang ng palala ang nararamdaman niya.

"What do you mean?"

Nakabusangot na naman na tanong ni Simangot King sa babae.

"I gave up. You win. Blah blah blah. Kahit anong gusto niyong meaning sa I give up. Isipin niyo na. Just leave me alone. I'm tired."

Snow And The Seven Demons (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon