SATSD#3

1 0 0
                                    

Snow Anderson's POV

Ngayong umaga kinarir ko talaga na agahan ang pasok ko. Kailangan kong makaiwas sa mga hinayupak na iyon. At baka mapaaga ang buhay ko sa inis na dala ng pitong demonyong iyon.

Naglalakad ako ngayon sa may 1st year building. At todo lingon naman ako sa paligid. Mamaya may kasunod na pala ako o kaya naman ay may nagbabanta na sa gilid ko. Kaya todo ingat ako.

Habang focus na focus ako sa paglalakad ko ay bigla na lang akong napahinto at napatingin sa taas ng mag-instant ice bucket ako sa gitna ng hallway.

Pinaningkitan ko ng mga mata ang mga lalaki sa taas na nagtapon ng tubig na may yelo sa akin.

"Hoy! Bumaba kayo dito ng matamaan kayo sa akin!"

Imbis na bumaba o matakot eh hinagisan ako ng bilot ng papel.

"Basahin mo!"

Sigaw nung lalaki bago tuluyang maglisan sa paningin ko.

Nako! Namumuro na talaga sa akin ang mga estudyante dito ha!

Una 'yung itlog! Maski nerd nakisali. Pangalwa 'yung nagtangka na rape-in ko. Ni hindi naman umubra kay Kuya at ngayon itong isang timbang tubig na may yelo!

Argh! Pinupuno talaga ako ng mga demonyong 'yan eh ano.

Kinuha ko ang bilot ng papel at binasa ang nakasulat dito.

Nice shower right?

Nailamukos ko na lang ang papel sa inis at padabog na utinapon sa  basurahan. Aba no littering!

Tapos naglakad na ako papuntang locker at nagbihis na. Buti na lang may PE uniform pa ako sa locker. I-eexplain ko na lang siguro sa teacher ko kung bakit iba ang suot ko.

Next time nga magdadala na ako ng madaming damit.

Pagkatapos kong magbihis ay sinalubong agad ako ng grupo ng mga babae. Mukha silang brat. And syempre mean.

"Snow."

Hindi ko na lang sila pinansin. Don't tell me isa din ito sa tao ng hinayupak na pitong iyon.

"Girl, snob."

Sabi nung isa. Kinuha ko na naman ang bag ko at lalampasan na lang sila. Lima sila at halata sa itsura nila na gusto nila ng cat fight.

Okay naman ako sa cat fight. Natry ko na 'yan dati dun sa haliparot sa dati kong school. Aba pagbintangan ba akong inagaw ang BF niya. Kaya lang aring mga nasan harapan ko baka di ko kayanin. Madami sila masyado at hindi fair para sa isa.

Nang akmang dadaan na ako sa kanila ay biglang hinila nung isa ang napaka ganda kong buhok.

"Aray! Ano ba?"

Takte ang anit ko ang sakit.

"Snow, Snow, Snow. Akala mo ba hindi namin alam ang totoong plano mo?"

Plano? Anong plano ang sinasabi ng mga ito? Baka naman sila ang may plano at hindi ako.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?"

Mas hinigpitan pa  niya ang paghila sa buhok ko kaya napa aray ako.

"Wag na wag mo kong sina sagot sagot ng pabalang."

Tapos tinapon niya ako pabalang dun sa kaniyang mga ka grupo.

Pinagtulungan naman ako nung nga 'yun na kapitan ang magkabila kong kamay.

"Bitiwan niyo nga ako. Isa!"

Nagsimula na akong magbilang kahit na hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakarating na ako ng tatlo.

Snow And The Seven Demons (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon