Snow Anderson's POV
Monday na ngayon at kagaya ng dati, madaming uniform akong dala. Hindi ko naman tinatanggap na maging slave nila ako eh. Bahala sila.
Mag-hintay sila kung maghihintay sila lungga nila. Basta hindi ko tatanggapin ang punishment B na iyon ano sila chics. Sinabi ko na nga na suko na ako kagaya ng sabi nila kahit labag sa loob ko tapos gagawin pa nila akong slave.
Pagkarating ko sa room iilang students pa lang ang naroroon at mukhang wala naman silang pake sa akin kasi hindi nila ako pinansin na nagbigay sa akin ng goosebumps.
Tapos sa bandang sulok nakita ko si Jonathan. Nakatingin siya sa akin kaya tumingin din ako sa kaniya. Tapos nagulat ako ng bigla niya akong ngitian at tumayo sabay lumapit siya sa akin.
"Snow."
"What?"
Iritang tanong ko. Ayoko man magtunog bastos pero kasi naaalala ko lang na isa siya sa mga bumato ng itlog sa akin.
"Snow, I just wanna say I'm sorry."
Sorry? For what? Dahil sa binato niya ako ng itlog o dahil nung hindi ko siya nakapartner sa history? Sana naman naging Mas specific siya. -.-
"For what?"
"Sorry dahil nakinig ako sa Seven. Alam mo naman how powerful they are. Sila ang pinaka-notorious sa notorious. Kahit sa ibang school. At dahil isa lang naman akong nerd. Napilitan ako sumunod."
I dunno why he's telling me this right now. Kasi after what they've done tsaka niya lang sasabihin. I think may di talaga magandang nangyayari.
"Actually lahat kami. Lahat kami takot sa kanila kaya wala kaming choice. Ikaw kasi nag-tresspas ka pa."
Aba sisihin pa daw ako. Pero sabagay kasalanan ko din naman, pero kasi abnormal naman ang pitong iyon. Pwede naman public apology nalang di ba?
"Sorry talaga."
Lumapit ako sa kaniya at ti-nap ang balikat niya
"No need to say sorry. Kasalanan to ng Pitong iyon. We are all victims here."
Tapos nginitian ko siya. Totoo naman eh biktima lang kami ng karahasan ng pitong iyon. Napaka childish talaga feeling pagnamay-ari ang lahat.
Well, sila naman talaga may-ari ng school pero di naman ibig sabihin pati student pagmamay-ari din nila. Kasi nagbabayad ng kami ng tuition di ba.
"Pero alam mo, Mas nangangamba ako sa'yo ngayon."
"Why?"
Actually Jonathan, gusto ko din sabi sa'yo na there's something wrong talaga, kasi dumadami na ang tao dito at wala pa din kayong ginagawa. At nakakakaba 'yun. Di kaya mas maalala ang hinanda sa akin ng seven ngayon.
"Kasi kalat na, na pinili mo ang punishment B na maging slave nila."
What? Hindi naman ako pumayag ah.
"Wait, pero hindi ako pumayag. Sinabi ko na sa kanila na I give up but, hindi ako pumayag sa sinabi nila."
"Well, obviously they don't take no as an answer. They are the Kings, and kings get what they want. At mukhang ikaw ang gusto nila."
Putspa na may kasamang king ina. So hindi talaga ako nila tatantanan kahit na humingi pa ako ng sorry. Bwisit talaga.
"Is Snow Anderson here?"
Tumingin ako sa pintuan at group ng fourth year boys ang sumalubong sa akin.
Nakita din naman nila agad ako dahil ang mga kaklase ko nakaharap lahat sa akin.
BINABASA MO ANG
Snow And The Seven Demons (ON-HOLD)
RandomMeeting them (Seven Demons) gives nothing but bad luck, becoming their slave was not my choice, but staying with them and becoming their friend was beyond my control. -SNOW ANDERSON