Andrew Henzon's POV
3 araw na ang nakalilipas mula ng sinimulan naming hanapin si Miss Malakas ang Loob who kick Ped's junior. At sa 3 days na 'yun. No sign of her. Wala talaga.
Ni anino niya hindi namin nakita sa school. Wala din naman kaming mapagtanungan dito kasi wala pa lang kaibigan si Miss Malakas ang Loob who kick Ped's junior.
At sa 3 days na iyon, lagi na lang bwisit si Ped. Well palagi naman siyang bwisit but this time mas bwisit pa. Aba ikaw ba nama ang sipain sa kinalalagyan ni junior in front of the whole students sa canteen. At idagdag mo pa na notorious ka school na iyon at tapos isang babae pa ang nakapagpameet and greet sa'yo sa sahig.
"Yaaaaawwwwn. Hoy Drew! Nakangiti ka nanaman diyan?"
Inaantok na naman na tanong ni Nate sa akin bago siya umubob dito sa lamesa sa canteen.
"Pake mo ba ha, Nate? Matulog ka na nga lang."
At wala pang ilang saglit eh nakatulog na nga siya. Grabe talaga ang lalaking ito, kahit saan na lang natutulog. Sa bench sa canteen sa sahig. Kung minsan nga kaya ang tagal na sa CR eh tulog na pala.
"Hey, Hanz any sign of that good for nothing bitch?"
Napangisi naman ako sa sinabi ni Ped. Galit na galit talaga siya kay Miss Malakas ang Loob who kick Ped's junior. Kasi minura na eh.
Kawawa naman 'yung babae pag natagpuan namin.
Ano kayang punishment ang gagawin sa kaniya ni Ped? Basta ako labas ako dun. Si Ped naman ang may galit sa kaniya eh.
"No, wala pa din."
Sagot ni Hanz habang nakatutok sa laptop ang mga mata.
"That bitch! Hoy, Drew. Will you please wipe that smile. Nakakairita."
Hindi ko naman sinunod ang sinabi niya. Bakit ko naman tatanggalin ang napakaganda kong ngiti? Eh pinanganak na ako na palagi ng nakangiti!
Palibhasa hari siya ng kasimangutan!
Nanatili pa naman kami sa canteen ng mga ilang minuto kahit na ang totoo eh kating kati na kaming umalis dito at ng hindi na kami pagtingnan ng mga babae na pinag-papantastayan kami.
Booosgh!
Napatingin naman kami sa lalaki na mahulog sa pagkakaupo niya sa upuan.
"Aray naman! Ikaw kasi Nate eh! Ang likot likot mo nahulog tuloy ako sa upuan.!"
Napailing na lang naman kami, napaka malalapitin talaga sa aksidente ni Darwin. Lagi na lang 'yan nasasaktan physically.
"Ped."
Napalingon kami sa kadarating lang na si Codey. Sinundo niya kasi si Casper sa lungga niya. Nagtatago na naman kasi. Napaka ilap talaga sa tao nito.
"Why?"
Nakabusanot as ever na naman niyang sagot. Never ko pa talaga nakitang ngumiti si Ped kahit na ang tagal na naming magkakaibigan.
"She's here."
Lahat naman kami ay napahinto sa aming mga ginagawa when he say she's here.
Let the show begin.
Snow Anderson's POV
Argh! Nakakainis talaga si Kuya, sinama pa ako sa business trip niya. Ayan tuloy umabsent ako ng ilang araw.
Pero sabi naman ni Kuya pasalamat pa daw ako kasi inilalayo niya ako sa mga kaaway ko.
BINABASA MO ANG
Snow And The Seven Demons (ON-HOLD)
RandomMeeting them (Seven Demons) gives nothing but bad luck, becoming their slave was not my choice, but staying with them and becoming their friend was beyond my control. -SNOW ANDERSON