Snow Anderson's POV
Mabuti na lang at Friday nang mabugbog ako ng mga hinayupak na babaeng iyon. Kaya I have the whole weekend para magpagaling.
Buong weekend lang akong nakahiga. Kain tulog ang gawa ko. Wala din namang homework eh.
Pero itong hapon ng Sunday naisipan kong pumunta ng convenient store.
Wala lang trip lang. Magaling nanaman ang mga sugat ko eh. Pero may ilang band aids pa din ako sa katawan at mukha.
Pagpasok ko sa store ay kumuha agad ako ng Pic A at soda. At ilang chocolate na din. Nang magbabayad na ako sa counter nakita kong pumasok ang mean girls na responsible sa itsura ko ngayon.
Kaya naman agad akong nagtago, hindi naman sa natatakot ako. Nag-uusap kasi sila at feel kong mag-eavesdrop sa kanila. At saka nagtataka din ako. May mga pasa sila sa mukha at katawan. Pero mas grabe pa din 'yung itsura ko nung Friday. Ni hindi ko nga nakilala sarili ko sa salamin eh.
"Argh! I swear I hate that bitch. Ngayon kick out na tayo sa Southern Seven High."
Sabi nung leader ata nila. Kick out? Buti nga. Kasi kung ako may ari ng school. Silya elektrika kayo.
Teka, diba ang may ari ng school ay ang Pito? Bakit kaya nila kinick out ang mga tao nila.
Baka dahil di grabe kagaya ng inaasahan nila ang nagawa ng mga ito sa akin.
Mga demonyo talaga!
"Yea, I hate that bitch too. Look what they've done to us. Ang dami kong pasa."
"Gaga, hindi lang ikaw. I thought nga we'll receive a punishment too. Pero buti na lang kinick out tayo kesa sa punishment."
Huh? Gaga din pala ito eh. Mas hiniling pang ma kick out .
Di nagtagal ay umalis na din sila kaya nagbayad na ako. Buti at kick out na sila.
Pero, ako kaya bakit di pa din kick out?
.
.
.
.
Monday na ulit at kailangan ko ng pumasok at magpakita sa mga demonyong iyon.Ngayon nag dala na ako ng ekstra uniform at ibang damit may mga Band-Aids na din at first aid kit. At nag dala na din ako ng pepper spray!
Aba! Sa sitwasyon ko ngayon mas mabuti ng handa.
Papasok ko sa school ay may nakaabang na agad. May mga dala silang mga kamatis at itlog. Nakapila sila na parang gwardiya sa daraanan ko. At kapag nasa tapat na nila ako eh babatuhin nila ako.
Sa pinaka dulo naman ng daan ay nakita ko 'yung lalaking palaging may dala ng laptop at naka ngisi na naman ng ala demonyo.
"Your locker room is your safest place here in SSH. Naisip namin you need a place to cry on."
Tinaas ko naman ang middle finger ko and mouthed the word fuck you.
Nakita ko lang 'yan kay Kuya dati. At ngayon eh ginaya ko. Kahit na puro kamatis ako at itlog taas noo pa din akong naglakad papuntang locker room at naligo uli at magbihis. Buti at prepared na ako.
BINABASA MO ANG
Snow And The Seven Demons (ON-HOLD)
RandomMeeting them (Seven Demons) gives nothing but bad luck, becoming their slave was not my choice, but staying with them and becoming their friend was beyond my control. -SNOW ANDERSON