Chapter 15/ Request

145 4 3
                                    

Soo's Pov

"Oo iha. Seryoso" napatalon ako sa tuwa at niyakap siya ng mahigpit. Naiiyak ako kaya hindi ko na ito pinigilan. Umiiyak ako habang nakayakap kay Mr. Perez sa tuwa. Niyakap din ako ni Mr. Perez at pinatahan. Hinayaan niya akong umiyak hanggang sa matigil ako.

"Sorry po sir. Nabasa pa damit niyo" pinagpagan ko ang damit niya na nabasa

"Okay lang iha. Ikaw talaga" ginulo niya ang buhok ko

"Bukas iha, pwede ka ng pumasok" gulat ko siyang tinignan

"Po? Bukas?"

"Oo. Napasa ko na ang requirements, nasa amin naman ang mahahalagang papel mo kaya pinasa ko na, copy lang. Nasa akin parin ang original"

Makakapag-aral na ko. Matutupad na ang pangarap kong maging chef. Masayang balita 'to para kina ermat at erpat, lalo na si bestfriend. Napasimangot ako sa naisip ko. Si Dylan, kawawa naman siya. Ako itong mag-aaral samantalang siya ay nagtatrabaho bilang waiter pa rin. Gusto pa naman naming maging chef pareho.

"Soo, bakit malungkot ka?" Tanong ni kuya, ngumiti naman agad ako

"Wala po" nakakahiya namang sabihin sa kanila ang totoo

"Iha, may problema ka" napabuntong-hininga ako

"Kasi po sir, yung bestfriend ko"

"What about him or her?"

"Pwede din po ba siyang ipasok niyo sa university? Kahit wala na po akong sahod OK lang po basta makapasok lang siya"

"Bakit gusto mo siyang pag-aralin?"

"Pangarap po kasi naming maging chef. Sabay po kaming nangarap, nag-aral, at huminto sa pag-aaral. Ayaw ko naman po kasing isipin na ako nag-aaral tapos siya nagtatrabaho bilang isang waiter. Kaya kung hindi niyo po mamasamain, pwede po ba? Dodoblehin ko po ang pagtatrabaho sainyo kahit wala na akong sahod"

"Sige" mabilis niyang sagot. Nagulat ako sa biglaang pagsagot niya

"Maraming salamat po. Napakabait mo talaga sir. Salamat po talaga."

"Umuwi ka na ngayon iha, at bukas na bukas papasok na kayo. Isusulat ko muna ang mga requirements. JD sumama ka sa kanya para kunin ang requirements ng kaibigan niya"

"Ay wag na po. Kami na ang maghahatid"

"No I insist"

"Hindi na po talaga sige po sir" bago pa makapagsalita si sir ay hinigit na ako ni unggoy este master.

Diba? Gentleman niya. Tahimik lang kaming nakasakay sa kotse niya, kahit gustong-gusto kong mag-ingay dapat ay pigilan ko. Nauna akong lumabas sa sasakyan niya pagkarating namin sa'min.

"Erpat!" Nakatili kong sigaw, wapakels na ako sa mga kapitbahay namin.

"Oh? Soo? Napaaga yata uwi mo?" Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Tay, makakapag-aral na po ako uli!" Hinawakan ko ang kamay niya bago siya tinigan, para siyang maiiyak.

"Iyak na yan" pang-aasar ko sa kanya

"Iho" napalingon agad ako sa tinawag niya. Nasa may labas lang si JD nakatayo habang nakatingin sa'min. Tinanguan niya lang si erpat

"Erpat, tatay po niya nag-alok ng scholarship. Pati si bestfriend!" Nang ginalaw ni erpat ang wheelchair niya ay tinulungan ko siya. Papunta lang pala kay JD.

"Ay, master tuloy po kayo" Ang ganda ng sinabi mo Soo, kanina ka pa nagdadrama tapos ngayon mo lang papasukin.

"I'm fine"

"Iho, salamat. Maraming salamat. Pakisabi na rin sa tatay mo"

"No problem" sagot niya kay erpat bago siya nginitian.

Nag-usap pa kami saglit ni erpat at sayang lang dahil wala si ermat, sigurado akong matutuwa yun. Sasabihin lang daw ni erpat kay ermat. Pumunta agad ako sa bahay nila bespren, siyempre kasama ko si JD.

"Bespren! Back to school na uli tayo!" Sigaw ko sa kanya at niyakap siya.

Medyo nagulat pa siya dahil nakatalikod siya sakin. Hinarap niya ako at hinawi ang kamay ko bago hinawakan ang noo ko.

"Libre 'to no! Libre ni Mr. Perez! Daddy ni master! Bilis kunin mo na ang requirements mo, babalik pa tayo sa kanya!"

Tinulak ko na siya papunta sa kwarto niya, at home na at home talaga kami sa mga bahay namin. Parehong palengkera ang mga magulang niya kaya siya lang mag-isa, buti na lang din nandito siya ngayon.

"Lika na dali!" Excited kong sabi sa kanya pagkalabas niya. Halos kaladkarin ko na siya, napahinto agad ako nang nasa harap na kami ng sasakyan ni master. Nasan na siya? Kami yata ang nauna? Napalingon ako sa likuran at nakita siyang nakakunot-noo. Ang ganda mo talaga Soo. Nasapo ko ang noo ko.

"Master! Nako sorry po. Nadala lang sa emosyon" para namang wala siyang narinig at nauna nang pumasok sa kotse.

Sumunod naman ako at si bespren sa back seat. Napatingin ako sa rear view mirror ng salamin, at nakita si master na may sasabihin pero hindi niya tinuloy. Pinaandar niya na lang ang sasakyan.

"Bespren excited na ako bukas!" Daldal ko habang tumitingin sa mga billboards na nadadaanan namin

"Hoy!" Nilingon ko siya at natawa sa nakita. Nakasandal siya sa may bintana at Nakangangang nakatulog.

"Kawawa mo naman" Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko, pagod siguro 'to sa trabaho.

"Master, pwede pabagalan ang takbo?"

"Speed limit"

"Ay oo nga no? Sige wag na lang po"

"He's so lucky" mahina niyang sabi pero rinig ko naman, tiningnan ko ang tinitingnan niya.

Seryoso? Yung picture ng isang sikat na artista sa isang billboard ang sinabihan niya? Bakla ba siya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adult Clash (Babysitting the Jerk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon