Chapter 3 / Day-off

141 5 1
                                    

Soo's POV

"Soo! Ang tanda-tanda mo na! Wala ka pa ring silbi! Saan ka galing ha?!" Sigaw ni ermat sakin. Sanay na ako sa kanya, kahit kailan hindi ko naramdaman na tinatrato niya akong anak

Sasagot na sana ako nang hilahin niya ang buhok ko at sinampal ako. Kulang pa nga itong inabot ko sa kanya. Wala na akong magawa kaya hindi ko mapigilang umiyak. Hindi pa rin nasanay ang katawan ko sa ginagawa ni ermat sakin.

"Nay, tama na po. Nagtatrabaho lang naman po ako." Napatigil siya sa pagsampal at paghila ng buhok ko sa sinabi ko.

"Kailan ka pa nagsimula sa trabahong iyan?"

"Nong lunes pa po" inilahad niya ang kanyang kamay, binigyan ko naman siya ng isang libo. Binigay na din naman ni Mr. Perez ang sahod ko. Umalis na si ermat at sigurado akong isusugal na naman niya ang perang ibinigay ko.

Pabagsak akong napaupo sa upuan namin. Kahoy lang ito, squatter kami. Kasing laki lang ng cr ni JD ang bahay namin. Bubong namin, may butas kaya kung tag-ulan naghahanda na kami ng planggana. Wala din kaming pintuan, nasira na. Kaya gagawin ko ang lahat para lang maitaguyod ang pamilya namin.

"Anak, nandito ka na pala" sabi ni erpat, kakagising lang siguro nito. Nagmano ako sa kanya at bumalik sa pagkakaupo

"Saan ka galing?"

"Sa trabaho po Tay, pasensya na po dahil hindi ko nasabi. Tuwing sabado at linggo lang din po ang day-off ko"

"Ako nga dapat ang nagtatrabaho, ako ang ama pero ako naman din itong nagpapabigat" paralisado na si erpat dahil sa stroke, hindi na din siya masyadong nakakabigkas kaya iintindihin mo talaga kung ano ang sinabi niya.

"Tay naman, hindi naman po kayo pabigat, kayang-kaya ko 'to. Ako pa." Close kami ni erpat. Kung mabait si erpat kabaligtaran naman ang ugali ni ermat, pero mahal na mahal ko pa rin silang dalawa

"Bespren!"  Yinakap niya ako at ginulo ang buhok

"Bespren, bigla ka na lang nawala. Alam mo bang nag-alala ako sobra" tinulak ko naman siya, ang drama masyado

"Ang o.a. mo. Anong kailangan mo ha?" Inakbayan niya naman ako

"Ikaw, ikaw ang kailangan ko. Na miss kita sobra"  pinisil ko ang ilong niya

"Na miss din kita, ang maingay kung bespren"

"Tito hihiramin ko muna si bespren" hinila niya na ako palabas. May gana pang magpaalam eh papayagan rin naman siya ni erpat

"Libre naman, bespren" pabiro kong sabi sa kanya

"Sige anong gusto mo, sagot ko, kahit ano pa yan"

"Naks, ang dami nating pera ah"

"May trabaho na kasi ako, waiter sa isang mamahaling restaurant" 

"Talaga?! Congrats. Ako din may trabaho na, babysitter"

"Yun naman pala eh, Tara magcelebrate tayo"

Maghapon kaming magkasama ni bespren, kain lang kami ng kain at namasyal din sa kung saan. Ang sarap pala sa pakiramdam yung may trabaho ka at alam mong may ipangbibili ka.

Kauuwi ko lang galing simbahan at dalawang basket ng labahan ang sumalubong sakin sa sala.

"Labhan mo yan, pagkatapos ay pumila ka na rin doon para mag-igib. Penge ng pera" napabuntong hininga nalang ako sa inasta ni ermat.

"Lita, wag ka namang ganyan. Anak mo pa rin siya" sabi ni erpat na nahihirapang magsalita

"Tumahimik ka tanda, mamatay ka na lang sana" sagot ni ermat at lumabas na

"Erpat okay lang po, magpahinga na lang po kayo" kinuha ko ang basket at pumunta sa labas para simulan na ang paglalaba

"Bespren, nasan ermat mo?" Itong isang 'to susulpot naman bigla

"Wala" pinagpatuloy ko ang pagkusot sa mga damit

"Wag ka kasing pumayag na apihin ka, inaabuso ka na niya" Napahinto ako at tumingin sa kanya

"Bespren, kahit baliktarin mo pa ang mundo, siya pa rin ang ermat ko" tumabi siya sakin at nagsimulang magkusot ng damit

"Yun na nga eh, Mabuti pa tutulungan na lang kita ang dami pa nito oh"

"Wag, kaya ko na 'to. Baka may ginagawa ka pa"

"Kaya nga ako pumunta dito dahil wala akong magawa" sabi niya. Nagsimula na din akong magkusot ng damit. Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng ganito kabait na kaibigan

Magtatanghali na ng matapos ko ang gawaing bahay. Natapos ko na ang paglalaba, pag-iigib at pagwawalis sa loob ng bahay. Ngayon naman pinapakain ko si erpat.

"Anak Soo, Salamat sa pag-aalaga" nginitian ko siya at pinainom ng tubig. Isinubo ko na rin sa kanya ang panghuli

"Tay, babalik na po ako bukas sa trabaho. Mag-iingat kayo ha" dahan-dahan naman siyang tumango. Day-off ko sana kahapon at ngayon pero parang hindi naman.

Adult Clash (Babysitting the Jerk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon