Chapter 13/Seryoso

82 4 0
                                    

Soo's POV

Hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip sa nangyari kanina. Nakauwi na kami sa mansion nila. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari. Lumabas ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig

"Still awake?"

"Ay kabayo!" Gulat kong sambit, buti na lang hindi ko nabitawan ang baso

"O-opo" hinugasan ko ang basong ininuman ko

"Sige po master, una na ako" tumango siya at pumunta na ako sa kwarto

Nagsink-in na din sakin na dapat seryosohin ang trabahong ito. Nakakahiya ang mga pinaggagawa ko, sobra. Wala naman sigurong nanny na sumasagot-sagot sa amo niya diba? Kaya magseseryoso na ako.

Maaga akong gumising at naligo para maging handa na kung may pupuntahan siya.

"Soo, kumusta ang anak ko" napaayos ako ng upo sa tanong ni Mr. Perez na ngayon ay nakasandal sa pintuan ng kusina

"Go-Goodmorning po sir, sorry po kung pinakielaman ang kusina niyo. Nagutom po kasi ako. Okay lang naman po siya" marahan siyang tumango, tumayo naman ako at kinuha ang tasa at tinapay

"Sa labas lang po ako sir" umupo siya sa upuan at hinawakan ang pulsuhan ko

"Sit here, may itatanong pa ako" dahan-dahan naman akong napaupo

"Alam mo iha, gustuhin ko mang makasama ang anak ko hindi pupwede dahil may trabaho. Hindi ko siya nababantayan. Can you please tell me anong nangyayare sa kanya?"

"Okay naman po siya, parating may lakad"

"Wala ba siyang ibang nabanggit?"

"Wala po" tumango-tango siya at ngumiti

"Kagabi kasi nagulat na lang ako ng kumatok siya sa kwarto, hatinggabi na din yun, alam mo ba kung anong sinabi niya?" Umiling ako bago ininom ang kape at kinagat ang tinapay

"Magtatrabaho na daw siya sa kompanya" Napatingin ako sa kanya, seryoso? Magtatrabaho siya sa kompanya nila?

"Akala ko pa naman may nabanggit siya sayo kung bakit niya gustong magtrabaho sa kompanya. Siguro nagising na rin siya" hindi ako umimik at pinagpatuloy ang pagkain

"Sige iha, punta nako sa trabaho at goodmorning din sayo" tumango at ngumiti naman siya

Nagliligpit na ako sa kinainan ko ng makarinig ako ng mura, at kalabog papunta sa kusina

"Shit! I'm late! Fuck!" Mura niya pa ulit ng makarating siya sa kusina

"Goodmorning po" bati ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Kumuha siya ng sandwich at kinagat ito bago nilagyan ng kape ang  thermos. Hinila naman niya ako palabas, hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Nagmamadaling pumasok siya, ganun din ako. Halos paliparin na niya ang sasakyan, walang pakielam kung mahuhuli siya sa pagoover-speed niya. Habang nagdadrive, kinakain niya ang sandwich. Isang kamay lang niya ang humahawak sa manibela at medyo bumabagal na din ang pagdadrive niya. Huminto siya ng magredlight at ininom ang kape.

"I'm going to work today" sabi niya bago pinaandar ulit ang sasakyan. Sasagutin ko kaya siya?

"Sige po master" nilingon niya ako hindi makapaniwala sa sagot ko. Anong gusto niya? Iinterrogate ko pa siya?

Huminto ang sasakyan sa isang matayog na building. Ibinigay niya ang susi ng sasakyan sa lalaki bago pumasok sa loob. Bilang nanny naman niya sumunod ako sa kanya. Pagsampa namin sa elevator, pinindot niya agad ang 40th floor. May nakasabay pa kaming nagtatrabaho.

"Totoo ngang dito na magtatrabaho ang anak ni Mr. Perez"

"Oo nga, ngayon ko lang siya nakita dito. Mas gwapo pala siya pag personal"

"May kasama, girlfriend ata" napaubo ako sa narinig ko

"Nako hindi po" nagulat sila sa pagsagot ko. Akala siguro nila mahina lang ang boses nila

"Pasensya na" nginitian ko lang sila. Tumunog ang elevator at bumukas ito. Nagpaalam muna sila kay JD bago umalis

Tahimik lang kami sa loob hanggang makarating sa 40th floor. Agad mong makikita ang floor to ceiling glass window na hanggang dulo ng hall paglabas mo ng elevator. Natatakpan naman ng makakapal na kurtina ang loob nito, ang glass window lang ang makikita mo sa labas. May nakalagay naman na desk at couch sa labas ng pintuan nito.

Lumapit siya sa pintuan at binati naman siya ng babae na may katandaan na. Pagbukas niya ng pinto, sinalubong agad siya ng akbay ni kuya, yung lalaking tinulungan ko at tumulong sakin. Pagkakita niya sakin, agad siyang kumawala kay JD bago marahang tinapik ang balikat ko.

"Late ka, pano na kaya kapag first day mo na?" Tanong ng daddy niya na nakaupo sa swivel chair habang pinaikot-ikot ito

"Hindi ko sinadya" tumawa ang dalawang lalaki sa sagot niya

"Bro, hindi pwede ang sagot mo" umupo na sila sa couch, umupo naman ako sa may pinakagilid

"Soo! Dito ka, tabi tayo" tawag ni kuya sakin

"Okay lang po ako dito" tumayo siya at tumabi sakin

"Ayan, tabi na tayo. Hokage move to bro" siya lang ang tanging tumawa

"Anong Hokage move?" Tanong ni Mr. Perez

"Ninja moves po tito" napatawa na lang kami maliban kay JD

"Why so serious?" Tanong ni kuya kay JD

"Lampake" matigas na sagot nito

Adult Clash (Babysitting the Jerk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon