Chapter 9/ It Might Be You

119 5 0
                                    

Soo's POV

"Master salamat talaga ha, nakita mo ba ang itsura niya kanina. Ang epic" hindi ko na talaga mapigilan ang tawa ko kaya napahawak ako sa tiyan ko sabay tawa ng malakas

"Hindi pa siguro yun nakakamove-on" pinahiran ko ang luhang tumutulo dahilan ng pagtawa ko, natuwa talaga ako

"Alam mo ba master, naghihinayang na yun ngayon" binuksan niya ang pinto ng backseat at inilagay ang mga binitbit ko, sumunod naman ako

"Wag ka nga diyan, nagmumukha akong driver mo" ang sungit talaga, pumunta na ako sa unahan at pinakielaman ang radyo niya

Time
I've been passing time watching trains go by
All of my life
Lying on the sand, watching seabirds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life

Looking back as lovers go walking past
All of my life
Wondering how they met and what makes it last
If I found the place
Would I recognise the face
Something's telling me it might be you
Yeah it's telling me it might be you

So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And we've so much love to make
Oh, I think we've gonna need some time
Maybe all we need is time

And it's telling me it might be you
All of my life

I've been saving love songs and lullabies
And there're so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life

May be it's you (it's you)
May be it's you (it's you)
I've been waiting for all of my life

"Stop singing" Hindi ko talaga mapigilang mapakanta lalo na't alam ko ang kantang 'to

"Bakit po master?" Siyempre bait-baitan mode dahil kanina

"Just stop"

"Maganda naman ang boses ko eh"

"No"

"Gusto mo nang sample?" Tinignan niya ako saglit at ibinalik na muli sa daan

"Wishing there would be someone waiting home for me something's telling me it might be you it's telling me it might be you all of my life" kanta ko hindi naman ako sintunado

"No, you're out of tune"

"Grabe mo makalait ha! Bakit may maipagmamalaki ka ba?!" Tanong ko sa kanya at saktong naabutan kami ng red light

Tumingin siya sakin "I knew I love you before I met you" kanta niya, holicow kumanta siya, lumipas muna ang ilang segundo at minuto bago ako natauhan

"K-kumanta ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko, Malay ko ba namang seseryosohin niya ang sinabi ko. Umiwas siya ng tingin at nagdrive na uli

Nakakaloka si JD kumanta! Kumanta siya! He sing! He sang! Basta kumanta siya! Lutang akong pumasok sa bahay nila, hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng salamin nila at dahil lutang ako nabangga ako dito pero hindi ito naging hadlang para tumigil ako sa paglalakad. Kumakampay na ako at pumapadyak dahil hindi na ako makadiretso at dikit na dikit na ang mukha ko sa salamin pero wapakels ako, basta ang nasa isip ko kumanta siya. Juice ko, naubusan yata ako ng laway. Bigla akong nauhaw.
Natauhan ako nang may lumanding na bagay sa likod at ulo ko. Nabalik ako sa katinuan ko at na realize kung ga'no ako katanga sa ginawa ko.

"Bakit po master?" Hinarap ko siya

"Paperbags" sagot niya at umupo sa couch, ay! Oo nga! Pinulot ko ang paperbags na binato niya at bumalik sa kotse niya para kunin ang iba.

Nagmamadali akong pumasok para ilagay yun sa kwarto niya bago bumalik uli sa sala. Nakaupo siya sa couch at nandun din sina Mr. and Mrs. Perez. Hindi na ako umupo at  pumwesto na lang sa likod ni JD.

"JD, do you want to go with us?" Nakangiting tanong ni Mrs. Perez

"Where?"

"Sa concert anak" nakangiti ding sagot ni Mr. Perez

"Who?"

"It's a solo concert of a famous singer"

"I don't want" e?

"Why? Ma-eenjoy mo yun"

"I don't like to sing" pero kumanta naman

"So?"

"I don't want to go to the concert"

"Mr. and Mrs. Perez. Mam and sir hindi po totoo ang pinagsasabi niya" sabat ko sa usapan nila at pumunta sa harap nila.

"Kung alam niyo lang kumanta po siya kanina lang" bigla naman silang tumawa

"Iha, you're kidding right?"

"No mam, he sang!" Hinablot naman ni JD ang wrist ko, dahilan para mapaupo ako sa tabi niya

"Quite" mahinang sabi niya

"Hindi naman 'yan kumakanta" talaga?

"Pero sir, totoo tala-"

"Don't listen to him dad, mom, she's sick"

"Hmmm" ano ba 'tong kamay niya ang laki, tinakpan lang naman niya ang bibig ko

"Is it true iha?" Sabay nilang sabi, tumango naman ako. Nagkatitigan muna sila bago nahimatay sa harapan namin. As in literal talaga sa harap namin

"This is your fault" sabi ni JD, pumunta na siya sa kwarto niya, hindi man lang inayos ang magulang niya

Adult Clash (Babysitting the Jerk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon