Chapter 8 / Ex

145 5 0
                                    

Soo's POV

"O, bitbitin mo na 'yan. Dalian mo, pupunta tayo sa restaurant" kinuha ko naman ang dalawang malalaking box, buti nalang at malapit kami sa yung pagbibilinan ng mga pinamili mo, nakalimutan ko ang tawag nun. Iniwan ko muna dun bago kinuha ang number ng pinamili namin.

"Master, di ba pwedeng sa be happy nalang" gumuhit ako ng smiley face sa ere, tinignan niya lamang ako ng masama

"Jollibee, be happy, please. Matagal na din akong hindi nakakakain dun"

"If you want then go ahead, mag-isa" binigyan niya ako ng dalawang libo, yaman, rich kid, ang hirap e reach ng mga rich kid

Lumakad na siya mag-isa papalayo sakin, at naglakad na din ako papunta sa jollibee. Malapit na sana ako ng may makitang isang rebulto ng taong ibinaon ko na sa limot. Dali-dali kong hinanap si unggoy, buti na lang at hindi pa siya nakapasok sa restaurant, papasok pa lang siya ng hilahin ko siya. Napamura naman siya ng hinatak ko siya papunta sa Jollibee.

"Good morning mam, sir, welcome to jollibee" nakangiting bati niya pero ng lumingon siya sa gawi ko, nawala iyon

"S-S-Soo?" Nanginginig niyang sambit, ako naman pilit pinipigilan ang sarili kong yumakap sa kanya, sa leeg para hindi na siya makahinga, langya

"Cutie pie, let's go" hinatak ko siya pero hindi man lang natinag, sa halip tinitigan niya ang security guard

"Wha-,aray!" Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran bago kinalabit ang braso ko sa braso niya at pumila na

"Sa ayaw at sa gusto mo, please kahit ngayon lang master, makisabay ka naman sakin oh" bulong ko sa kanya at sinulyapan ang guard na nakatingin din sa'min lalo na sakin, umiwas na lang ako ng tingin

"Chicken joy, hamburger, French fries, mango pie, tuna pie, spaghetti, sundae at coke lang sakin. Una na 'ko, maghahanap ng mauupuan" tinanggal ko na ang braso ko na nakapulupot sa braso niya at humanap agad ako ng mauupuan. Dahil puno na ang ibang upuan, napili ko na lang umupo tapat sa may aircon

"What the fuck!" Mura niya papunta sa kinaroroonan ko, ang mga tao naman napapalingon na lang sa kanya. Umupo na siya katapat ko

"What's wrong with you? Cutie pie?!, what the-" linagyan ko ng tissue ang bibig niya, ang ingay

"Pwede ba, sumakay ka na lang sa mga kalokohan ko, kung hindi susuntukin kita or else, isusumbong kita kay lola kanina" itinuro ko naman sa kanya si lolo at lola kanina, medyo malapit din sila sa'min.

"Fine"

"Teka, san yung mga inorder mo?"

"Wala, sila na daw ang bahala magdala dito, ito oh number 12" inilagay
niya ang number sa lamesa

"Who is he?" Turo niya sa bodyguard

"Wala, ex ko lang naman siya na walang kwenta, tulad ng mga gamot, pagkain o ano pa, na brand x, hindi maganda at paasa lang dahil wala ka namang mapapala. Tulad din ng mga palabas na may leading brand versus brand x, walang ibang bukambibig na mas maganda pa daw kung sa kanila ka at hindi ka maghihinayang"

"Are you serious?!!Ex mo yan?! Maka tuck-in ng uniform grabe,look at his shoes, ang kintab-kintab daig pa salamin dito. Mataas ang buhok, sira ang ngipin at hindi naman kataasan kung tutuusin mas mataas ka pa kaysa kanya"

"Aba't makapanglait wagas. Ano naman paki mo? Kala mo naman gwapo"

"Gwapo naman ako, ngayon naniniwala na ako sa kasabihang love is blind"

"Kapal talaga ipapasali na talaga kita sa Guinness World Records kung may makapalan man ng mukha"

"Idiot"

"Ang hangin mo rin eh no? Tignan mo nga ang sarili mo. Mayaman nga, pero hindi naman makabili ng suklay dahil sa gulo ng buhok, siguro ang tigas na yan suklayin no? Tapos ang payat mo pa, grabe may pagkain naman kayo. Ang suot mo naman, totoo? Nakalongsleeves at shorts?"

"You don't know the word fashion"

"Bakla mo rin minsan eh" magsasalita na sana siya ng dumating ang mga crew ng Jollibee at inilagay ang mga pagkain, sa sobrang dami kailangan pang idugtong ang dalawang lamesa, bale tatlo na ang inoccupy namin. Kinuha na nila ang number at umalis na. Nagsimula na din akong kumain

"Hinay-hinay, wala ka naman sa karera" napatigil ako sa pagsubo ng burger pero nagpatuloy pa din, wala naman din akong mapapala sa kanya.

Pabebe din ito eh, kahit fries tininidor? Ansaveh? Pati nadin ang burger tininidor, lahat yata except sa drinks. Ayaw mag kamay, nilantakan ko na lang ang chicken joy at spaghetti, kinamay ko na lang ang chicken joy para madali, hindi naman kasi ako tulad ng iba na kahit nahihirapan ng magtinidor, pinipilit paring tusukin ang chicken joy, pakitang-tao, mga pabebe. But syempre tininidor ko ang spaghetti, nekekekeheye nemen kese keng kekemeyen ke eng espegete.

"Para kang bata kumain ang kalat, tignan mo oh, may sauce ng spaghetti sa gilid ng labi mo" wala sa sariling napatingin ako kay Seven, ang bodyguard na ex ko. Ang ganda ng pangalan parang seven eleven. Kinuha ko ang kamay ni unggoy nang hindi nakatingin sakin si Seven dahil may binating costumer, dali-dali ko itong inilagay sa gilid ng labi ko kahit hindi ko talaga alam kung saan banda may sauce, sakto namang pagtingin niya sa'min nailagay ko na ang kamay ni unggoy sa gilid ng labi ko at umiwas na ako ng tingin kay Seven, alam kong nakatingin parin siya sa gawi namin

"Thanks cutie pie, ang sweet mo talaga, Inalis mo pa talaga ang sauce sa gilid ng labi ko" sabi ko kay unggoy habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya sa gilid ng lips ko, para naman may masabi ako

"Nah, I don't want you to look like a kid, remember your a lady" sabi ni unggoy at ngumiti. Acting niya premyo niya, pero wala akong pera eh, magpapasalamat nalang ako. Hinawi niya ang kamay ko sa kamay niya at pinunasan ng tissue ang gilid ng labi ko. Naks, ang bait, buti na lang hindi ako kagaya ng ibang babae na kunting pagentleman at salita ng mga lalaki kikiligin na. Nginitian ko siya at nagpatuloy na kami sa pagkain

"Ho! Thank you master, thank you so much, ano pa ba, basta thank you,thank you, ang bait mo ngayon, thank you" lumakad lang siya palayo, wala na kong magawa kundi sumunod sa kanya, bitbit tong mga pinamili niya.

Adult Clash (Babysitting the Jerk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon