Chapter 7 / He's speaking tagalog

138 5 0
                                    

Soo's POV

Ang aga-aga nakakaisturbo. Mabilis akong naligo at pumunta sa sala kung saan nanggaling ang mga halakhakan. Hindi nga ako nagkamali at nandon ang unggoy naka de kwatro kasama ang isang lalaki, hindi ko siya makita dahil nakatalikod ito sakin. Nag dala pa talaga ng isang hayop ang hayop na 'to.

"Oh, Nanny you're here" sabi ni unggoy bago ako sinenyasang lumapit sa kanya. Sinunod ko naman siya, laking gulat ko ng makita kung sino ang bisita.

"Ikaw?! Ikaw yung kuya sa mall ha? Ikaw yung nahulugan ng pitaka at ikaw din yung tumulong sakin pauwi dito" nilapitan ko siya at hinimas ang kanyang mukha, baka kasi nagkamali lang ako.

"You're so idiot" mabilis ko namang hinawi ang kamay ko sa mukha ni kuya

"Hoy, baka kasi naghahalucinate lang ako. Kaya hinawakan ko si kuya to make sure"

"Whatever" aba't inirapan ako

"Dude nag-eenglish ka na naman. Dating gawi?" Tumango naman si unggoy sa sinabi ni kuya. Anong dating gawi? Umupo na lang ako sa couch sa tabi ni kuya

"Alam mo..."'sabi ni kuya sakin at hinarap ako

"Soo"

"Alam mo Soo, nag-eenglish lang naman ang gagong 'yan kapag may babysitter siya. Ang iba kasi niyang babysitter akala nila hindi marunong magtagalog ang hinayupak na'to pano kasi puro English, yan kasi ang way niya para maggive-up ang nagbabantay sa kanya" sabi ni kuya bago ako siya nakipag high five sakin. Feeling close lang eh no?

"Bestfriend ko yan at tinuturing na ding kapatid. I'm older than him. Kaya okay lang din kung kuya ang itawag mo sakin"

"Dude, you didn't told me that you're the one who helped her" napatawa naman si kuya

"Stop it bro, magtagalog ka na nga"

"Fine"

"By the way, Alis nako. May trabaho pa eh sa susunod na lang. Bye Soo" ginulo na naman ni kuya ang buhok ko saka ngumiti at umalis na. Diba? Feeling close lang kami

"Sinabihan lang ng bye nastatwa agad. Magbihis ka may pupuntahan tayo" Totoo ba 'to? As in for real? He finally speak tagalog. Natauhan ako ng batukan niya ako ng malakas. Grabe walang awa. Tumayo na 'ko at pumunta sa kwarto ko

Wala talagang awa ang mga hayop, huhu. Ang bigat na ng cart na dala-dala ko, pinuno ba naman ng maraming pagkain ang cart, halos hindi ko na nga matulak dahil sa sobrang bigat. Tapos heto siya lagay ng lagay pa ng mga pagkain sa cart.

"Master, counter na natin 'to"

"Master~ yohoo~master, counter na natin 'to" aba't nagbibingibingihan, gusto mo pala ng laro ha

"TULONG,TULONGAN NIYO 'KO INAABUSO AKO NI DADDY, CHILD ABUSE!! HUHU, PIGILAN NIYO NA PO SIYA PLEASE, WALA PA NAMAN SI MOMMY. CHILD ABUSE PO, PINAPATULAK PO AKO NG CART NI DADDY NA PUNONG-PUNO NG PAGKAIN, TAPOS ANG BIGAT PA. HELP ME!" Pilit pa akong umiiyak, para naman mauto ko sila, napatingin naman ang iba sa gawi ko at napahinto. Ang unggoy naman nagmamadaling pumunta sakin at tinayo ako. Lalo pa 'kong umiyak.

"Kabataan talaga ngayon, ang aaga makabuntis, hindi naman alam ang responsibilidad" sabi ni lolo na malapit sa'min, pinapalibutan na kami ng mga tao

"Iho, wag mo namang abusuhin 'yang anak mo. Lalaki ka pa rin, alagaan mo ng mabuti ang anak mo. Kahit malaki na ang anak mo tratuhin mo pa rin ng maayos, tandaan mo lalaki ka parin" sabi ni lola bago umalis kasama si lolo. Unti-unti na ding umalis ang mga tao

"Puta" bulong ni unggoy bago kinuha ang cart at nagtungo na kami sa counter. Galit ang hari

Adult Clash (Babysitting the Jerk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon