ALISW 2: Chapter 5

79 6 1
                                    

A Life in Star World 2

Chapter 5

"HAHAHAHAHA!" Tawa naman ako ng tawa mag-isa dito sa living room namin ng mag-isa habang kumakain ng popcorn. Hanggang sa dumating si Nathalie at mukhang problemado. 

"Look who's here! Buti naman at nakauwi ka na rin" Sabi ko naman sa kanya. Pano ba naman kasi bigla-biglang umaalis. Punta lang daw ng Cavite akala mo diyan lang sa kanto yun. Di rin man lang sinabi ang dahilan kung bakit. 

"Pwede ba? I'm in a hurry. Umuwi lang ako para makapagpalit" I smell something fishy. 

"In a hurry? Bakit? Saan ka naman pupunta?" 

"To Xander" Umakyat naman siya sa itaas patungo sa kanyang kwarto. Sinundan ko naman siya. 

"Let me guess, LQ? Misunderstanding? Third Party......" 

"Tampuhan lang hindi naman ganun kalala para maghiwalay kami, mahirap na noh" Sabi naman niya sabay balibag ng bag niya sa may kama niya. 

"Eh sino ba kasing pinuntahan mo sa Cavite?" Sumandal naman ako sa pintuan ng kwarto niya sabay cross-arms. 

"A friend of mine, nasa hospital kasi eh. So I'm worried" 

"Kaya bumiyahe ka all the way there. Eh si Xander nga nasa hospital di mo man lang pinuntahan, dun ka talaga dumiretso" 

"Kaya nga nagtampo sa akin eh. Look alam kong mali ako okay? Wag niyo na ngang pamukha sa akin" Tignan mo toh naiirita, siya na ngang mali. Pero weird ah? Di siya makatingin ng diretso sa akin. Pihadong nagsisinungaling toh. 

"Alam mo Nathalie kilala kita. Kilala kita kung nagsasabi ka ba ng totoo o hindi. Kaya kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoong dahilan kung bakit ka pumunta dun at kung sino yang pinuntahan mo well.....masasabi ko lang bahala ka. Ikaw naman yan at hindi ako" Umalis na ako at iniwan siya dun. 

Nagsisinungaling siya. 

Alam ko yon. 

Si Nathalie kasi hindi yan makakatingin sa iyo ng diretso kapag nagsisinungaling siya. Pero hindi kaya.......hindi. Hindi naman siguro. Matagal na niyang hiniwalayan ang lalaking yun kaya imposibleng babalikan niya yon. Tsaka teka.....

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at nag log in sa facebook. Oo meron akong facebook kahit na maraming poser. Agad kong sinearch ang pangalan ng lalaking iyon at tinignan kung san ba siya nakatira. 

Napalunok ako. 

Sa Cavite siya nakatira ngayon. Pero hindi....hindi naman magagawa yon ng kapatid ko diba dahil mahal na mahal niya si Xander? 

Sana nga tama ako. 

Baka nagkataon nga lang. 

---

Bakit ba ako nakokonsensiya sa sinabi ng kapatid ko? Oh well, totoo naman eh. Siguro nahalata niyang nagsisinungaling ako. Yeah, galing lang naman ako sa dati kong boyfriend na si Michael. 

Walangnakaka-alam nun bukod kay Nathan na karelasyon ko si Michael. Artista din siya but for now nag take na muna siya ng break for 5 months. 

Kaya kami naghiwalay is because of my career. Nung napair-up kami ni Xander ang dami agad naming fans, ang gaganda ng feedbacks nila sa amin kaya naisip ng managemnet namin na subukan naming maging mag on ng sa ganun mas maging sikat kami. Dumami ang projects na magawa. 

Pero para sa akin wala naman akong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko alam na darating sa punto na magkakagusto talaga siya sa akin. Then, nanligaw siya at sinabi sa akin na hindi scripted or anything ang nararamdaman niya for me. 

A Life In Star World 2: The Superstar And The NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon