ALISW 2: Chapter 1

301 12 1
                                    

A Life In Star World 2

Chapter 1

"Greatest fan of your life......."

Natapos ang pagkanta ko ng I'll Be at kasabay nun ang pagpalakpak ng isang daang libong Fans ko ngayon dito sa Astrodome. Ang sarap talaga sa pakiramdam na pinapalakpakan ka ng mga tao, maraming humahanga sa iyo at higit sa lahat kapag may hinaharap kang problema nandyan sila para tulungan ka at intindihin ka.

Bumaba na ako sa backstage at pumunta na sa Dressing Room para makapagpalit. Ako nga pala ang anak nina Daniel Padilla at Julia Montes. Sa ngayon artista pa rin naman sila kahit nasa age of 40's na sila at ang mga role na ginagampanan nila ngayon ay puro nanay o tatay na.

Natatandaan ko pa nung medyo bata-bata ako kinwento sa akin ni papa kung papaano sila nagkakilala ni mama kung papaano naging sila, kung bakit sila naghiwalay tapos after 2 years naging sila ulit, napunta sa kasalanan at ako ang naging bunga ng pagmamahalan nila. Nakakalungkot nga lang kasi hindi nila ako sinundan kaya unico-iho lang ako.

Habang nagbibihis ako ng pamalit ko para sa closing performance ko sa concert ko biglang may nag-text sa akin at binasa ko ito.

From: Nathalie

Hi Babe! On Wednesday nga pala kailangan kong mag-shopping and I'm wondering na sumama ka sa akin. Don't say NO magagalit ako sa iyo.

Si Nathalie ang First Love at First Girlfriend ko at three years na kaming dalawa. Inlove na inlove ako sa babaeng toh kaya kahit kailan hindi ko na toh pakakawalan pa. Usually yung iba sasabihin na PWEDE mo ba akong samahan? Eh siya sinabi niya na sumama ako at naka Caps Lock pa talaga yung NO.

Ano pa nga ba ang irereply ko? Edi sige. Sunday pa lang naman ngayon.

Bumalik na ako sa stage after a few minutes then kumanta na ulit ako at pinasalamatan ang mga dapat pasalamatan. Nag-start ako sa showbiz at the age of 15 parang sina mama at papa rin pero nag-model na rin ako at the age of 7 dahil gwapo daw ako at parang foreigner dahil maputi ako. Namana ko sa mama ko yung kaputian dahil diba Half German siya.

At pahabol nga lang pala, yung Girlfriend kong si Nathalie anak nina Kathryn at Enrique Gil. Silang dalawa daw pilit nilang pinaghiwalay sina mama at papa noon nagtagumpay sila pero yung kasiyahan hindi naman nila naasam kaya in the end nagparaya na sila kaya siguro sila na rin ang nagkatuluyan.

May kapatid siya si Nathaniel Gabriel artista rin at ka age ko pero ahead ako sa kanya ng ilang months. Bestfriend ko ang lalaki na yun kasi sa araw-araw ko ba naman sa bahay nila kasama si Nathalie naging ka-close ko na rin yun.

"Hay grabe nakakapagod!" Pinunasan ko naman yung pawis ko at naupo. Hindi ko ineexpect na may sayawan pa pala na magaganap na hindi ko alam kaya napasayaw na lang ako si Nathan talaga sinurprise ako.

"Nathalie told me earlier na sorry because she doesn't make it to your concert kasi busy lang siya sa Modelling stuffs niya lalo na sa Thursday. And let me guess nagpapasama siya sa iyo sa Mall noh?"

"Oo kanina nag-text sa akin alanga namang tanggihan ko edi magagalit yun sa akin" Sa three years of relationship naming dalawa ni Nathalie masasabi ko na kahit isang pag-aaway o pagtatalo wala kaming naging problema. Understanding kasi siya na babae.

Napatingin naman kaming dalawa sa pinto ng biglang may kumatok kaya naman tumayo ako at binuksan ang pinto. Si Mr. J pala anak ni Mr. M.

"Goodafternoon po sir!" Bati ko naman sa kanya.

"So first, I wanted to congratulate you for your successful concert for today Xander" Sabi naman niya sa akin. "Salamat po"

"And second, May two upcoming teleserye ka na dadating for this year and gusto ko lang sabihin na kailangan mo lamang pumili ng isa dun dahil ang isa ay ibibigay ko kay Nathan" Napatingin naman ako kay Nathan. "Sige po sir. Ano po ba tema ng dalawang teleserye na yun?"

A Life In Star World 2: The Superstar And The NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon